Plano kay Klay Thompson na ikatutuwa ng mga fans ng Golden State Warriors na nauugnay sa kontrata nina Stephen Curry at Draymond Green.
Plano kay Klay Thompson na ikatutuwa ng mga fans ng Golden State Warriors na nauugnay sa kontrata nina Stephen Curry at Draymond Green.
Pero bago natin pag-usapan iyan, mga idol, pag-usapan muna natin itong sinabi ni Kyle Kuzma patungkol sa naging kampeonato ng Los Angeles Lakers taong 2020.
Punong-puno nga ng kontrebersiya itong si Kuzma nu'ng siya ay nasa Lakers pa, na kasama sina LeBron James at Anthony Davis taong 2020.
Nagkampeon nga ang Lakers sa taon na iyon sa Bubble season, na tinalo nila sa Finals ang Miami Heat, at ngayon nga ay muling sinusubukan ng Lakers na makabuo muli ng ganoong klaseng koponan.
May bagong dagdag sa kanila na mula sa free agency na si Gabe Vincent, na nito nga lang ay nagpakatotoo sa naging journey niya patungo sa City of Angels.
At ito namang si LeBron ay inihayag na ang pagbalik ng kaniyang pamilyar na number ng kaniyang jersey, mga idol, sa pag-asa na muling maibalik ang magic sa nagdaan.
Ang 2020 Lakers nga ay hindi masyadong pinag-uusapan na isa sa mga all-time greats, o kinikilala na isa sa mga grupo ng magaling na NBA champions, pero ngayon nga ay may sinabi si Kuzma patungkol sa mga bagay na ito.
Sinabi niya na kaya raw ng 2020 Lakers na talunin ang karamihan na magagaling na nagkampeon na sa mga nagdaang mga taon.
Habang ang 2020 Lakers ay madalas na hindi pinapansin dahil sa Bubble at ang mga difficulties at pagbabago sa larong nakapalibot sa COVID-19, may maipagmamalaki pa rin naman ang Lakers sa ilang naging stats nila sa panahon na iyon.
Nagtapos ang Lakers sa regular season na may win lose record na 52-19, mga idol, na may magandang winning percentage na .723.
Mas magandang record iyon kaysa sa naging record ng Denver Nuggets ngayong taon, na nagtapos na may win-lose record na 53-29, at winning percentage na .646, at mas better din ang 2020 Lakers sa 2021 Milwaukee Bucks at sa 2022 Golden State Warriors na pawang mga nagkampeon.
Si Kuzma noon ay nag-averaged ng 10 points per game para sa 2020 Lakers, na ang kanilang team ay binuhat ng 27-plus playoffs points per game averages nina LeBron at Davis.
At ngayon nga ang Lakers ay magsisikap muli para sa isang malalim na playoff run sa darating na 2023-24 season, ngayon na napunuan na nila ang kanilang roster ng mga talentadong players, kahit na ba na wala na sa kanila itong si Kyle Kuzma.
At para naman sa plano kay Klay Thompson na ikatutuwa ng mga fans ng Warriors na nauugnay sa kontrata nina Curry at Green, mga idol.
Pinanatili nga ng Warriors na maging intact ang kanilang core sa ilan nang mga taon, at si Curry nga ay nag-emerged bilang mukha ng kanilang organisasyon at mukhang siya ay magreretiro na nasa Warriors pa rin.
Pinapirma din ng Warriors itong si Green ng panibagong kontrata ngayong offseason, at ngayon nga ang atensiyon ay nalipat na sa kung ano ang magiging future para kay Thompson.
Ang trentay tres anyos na si Klay ay magiging unrestricted free agent na pagkatapos ng season ng 2023-24, kaya ang Warriors ay kailangan na i-extend siya o kung hindi siya ay mawawala sa kanila sa free agency.
At nito nga lang ay diniscussed ng owner ng Warriors na si Joe Lacob ang patungkol sa sitwasyon ng kontrata ni Klay, mga idol, at sinabi niya na gusto nila na sina Steph, Dray at Klay ay magretiro sa Warriors, at iyon daw ang goal nila, at mangyayari raw iyon.
Sinabi din ni Lacob na ang discussions nila patungkol sa kontrata sa pagitan nina Thompson at ng kanilang koponan ay wala pa ngang nangyayari doon, pero gusto pa rin naman daw ni Lacob na si Klay ay manatili pa rin sa kanila sa darating pang hinaharap.
Sina Curry, Thompson at Green ay nakabuo na ng magandang bond sa isa't-isa, at nanalo na sila ng mga kampeonato, na-enjoyed ang mga historic moments, at pinangunahan ang isa sa greatest NBA dynaties of all time.
Kaya ang pakawalan si Thompson ay hindi magandang ideya dahil na rin sa naging history niya kina Curry at Green.
Inakala na nga natin na mawawala na itong si Green sa Warriors matapos ng nangyari sa kanila ni Jordan Poole, mga idol, pero mas pinili ng Warriors si Green at itinrade naman nila si Poole.
Ibig lang sabihin nito, gagawin lahat ngayon ng Warriors na itong si Klay ay masigurado nila na mananatili pa rin sa kanila sa ilan pang mga taong magdaraan.
Kahit na ba na hindi pa siya mabigyan ng extension ngayong offseason o sa regular season, ay mataas pa rin ang tyansa na siya ay mag-iistay pa rin sa Golden State.
Hindi pa rin nga tayo makakatiyak sa mga bagay na mangyayari, mga idol, gayun pa man, hindi na natin ikakagugulat pa kung magretiro sila Curry, Thompson at Green sa Warriors.
Comments
Post a Comment