Parang bata raw itong si LeBron James ang sabi ni Austin Reaves.



Parang bata raw itong si LeBron James ang sabi ni Austin Reaves.


Pero bago natin pag-usapan iyan, mga KaDribol, pag-usapan muna natin itong sinabi ni Reaves na isang koponan na tinanggihan niyang mapuntahan.


Hindi na nga sekreto pa sa atin na may mga tinanggihang teams itong si Reaves na gusto siyang makuha sa naganap na 2021 NBA Draft upang mapunta lamang siya sa Los Angeles Lakers.

Pero kamakailan lang ay ikinuwento na niya ang buong istorya ng siya ay naging panauhin sa SHOWTIME Basketball na kasama ang mga former NBA players na sina Matt Barnes at Stephen Jackson.

Dahil do'n nakakuha siya ng two-way contract sa Lakers taong 2021, at sinabi din niya na ang kaniyang agency ay may game plan na patungo sa draft.


Kung saan meron na silang mga teams na napili na kaaangkupan niya, mga KaDribol, at ito raw ay ang Los Angeles Lakers at ang Milwaukee Bucks.

Sinabi din niya na ang Detroit Pistons daw ay tumawag sa kanila pero ang panig nila ay nagpasya na i-reject ang ideya.

Na draft dapat daw siya na pang 42 ng Detroit pero diniclined nila iyon upang mailagay lamang siya sa LA, at hindi raw niya kailangan na marinig na matawag ang kaniyang pangalan, patungkol daw lahat ng iyon sa paglalaro ng mahabang game.


Maganda naman ang naibunga no'n sa kaniya, dahil ngayon ay pinapirma na siya ng Lakers nitong July ng isang apat na taong kontrata na nagkakahalaga ng $53.83 million.

Pagkatapos nga ng kaniyang two-way deal taong 2021, mga KaDribol, siya ay pumirma ng two-year contract worth $2.49 million, na magandang kontrata na para sa isang undrafted player.

Last season, siya ay naglaro ng mahalagang role para sa Lakers na siya ay nag-ranked pa nga na pangatlo sa kanilang koponan, nasa likod siya nina LeBron James at Anthony Davis, in terms ng win shares na may 5.4 at Value over Replacement Player na may 1.2.


At para naman sa sinabi ni Reaves na para raw bata itong si LeBron James, mga KaDribol.

Sa mga nasa labas ng Los Angeles Lakers, si LeBron ay parang isang tao na palagi na lang seryoso at walang panahon na magsaya.

Dahil na rin sa pressure na nasa kaniya na palaging lumaban para sa titulo, at understandable naman iyon kung iyon ang kaso, pero pinasubalian lahat ng iyon ni Austin Reaves, na si LeBron di umano ay hindi raw marunong magsaya na kasama ang kaniyang mga teammates.


Ang sabi pa nga ni Reaves na si LeBron daw ay parang isang bata kapag kasama daw nila siya, at hindi pa raw niya nakita si LeBron na nasa bad mood, mga KaDribol, at palagi raw nagbibiro, tumatawa, at palagi raw nagkakaroon ng good time.

Pwede mo pa raw kausapin si LeBron patungkol sa anomang bagay, at magkakaroon ka raw ng magandang conversation sa kaniya, at isa pang best na bagay raw kay LeBron ay ang palagi niyang pagiging masayahin kapag pumapasok siya sa trabaho.

Nakaka refresh ang naging description na ito ni Austin Reaves kay LeBron James, dahil kapag siya ang pinag-uusapan, ang palaging focus ay kung ano ang nagawa na niya at kung ano ang kailangan niyang gawin pa.


Nakakalimutan natin minsan na siya ay tao rin naman na ginagawa din naman ang gusto niya, at ang kagandahan nga dito, ayon sa sinabi ni Reaves, mga KaDribol, ay mukhang hindi naman apektado itong si LeBron sa lahat ng negatibong nakapalibot sa kaniya, at sa pagtatapos ng araw, patuloy pa rin siyang naglalaro ng may kasiyahan.


Comments

Popular posts from this blog

Ito ang sinabi ni Dell Curry patungkol sa kaniyang anak na si Stephen Curry.

Chris Paul nagbanta na sa mga teams sa NBA kapag siya at si Draymond Green ay nakaharap nila sa laban, at ang bibigyan daw ni Stephen Curry ng championship ring niya kung pwede lang daw, kilalanin natin.

Julius Erving, ipinaliwanag kung bakit hindi nakasama si Stephen Curry sa kaniyang top-10 NBA players of all-time.