Pagde-date nina Jimmy Butler at Shakira mainit na pinag-uusapan ngayon.



Pagde-date nina Jimmy Butler at Shakira mainit na pinag-uusapan ngayon.


Pero bago natin pag-usapan iyan, mga KaTop Sports, pag-usapan muna natin itong kagustuhan daw ni Goran Dragic na bumalik sa Miami Heat mula sa free agency.


In-express na nga ng beteranong point guard na si Dragic ang kaniyang intensiyon na bumalik sa South Beach at muling maglaro sa Miami Heat sa darating na panibagong season.

Sinabi nga niya na ang kaniyang main desire ay ang makabalik sa Miami, kung saan, siya ay nakapaglaro na sa Heat ng pitong seasons mula 2015 hanggang 2021, at doon din niya nailaro ang kaniyang best performances sa NBA.

Ang 45th pick ng 2008 NBA Draft na si Dragic ay napasama sa All-Star taong 2018 nu'ng siya ay nasa Miami, at nakatulong din siya kay Jimmy Butler na pangunahan ang kanilang koponan sa finals taong 2020 sa bubble.


Tahanan daw niya ang Miami, mga KaTop Sports, may mga anak daw siya doon na nag-aaral, at maganda raw ang nangyari sa kaniyang doon, at ginugol daw niya ang pitong best years ng kaniyang career doon, at ang pagbalik daw sa Miami ay icing on the cake, ang sabi ni Dragic.

Mukhang magugustuhan ni Butler ang pagnanasa na ito ng trentay syete anyos na si Dragic na makabalik sa Miami, pero sa ngayon, may inaantabayan pa ang Heat na sitwasyon nila ngayong offseason.

Ang waiting game kase sa pagitan ng Miami Heat at Portland Trail Blazers ay ongoing pa rin, kung matutuloy na ba ang pag-trade nila kay Damian Lillard sa South Beach.


Kailangan pa raw maghintay nitong si Dragic, at lahat daw kase ay naghihintay sa desisyon ni Lillard kung saan siya pupunta, at kapag nagkaroon na raw ng resulta, magbubunga na raw iyon ng relaxation sa mga players.

Nakikipag-usap na rin daw sila sa ilang mga clubs, mga KaTop Sports, at maghintay na lang daw tayo ng ilang araw pa kung kailan ilalabas ang balita.

At kapag kapuwa nakuha ng Heat sina Lillard at Dragic, panigurado, magiging backup lang siya ni Lillard.


At para naman sa pakikipagdate ni Butler kay Shakira na mainit na pinag-uusapan ngayon, mga KaTop Sports.

Na-linked na nga sa isa't-isa itong sina Butler at Shakira magbuhat pa nu'ng playoffs ng taong kasalukuyan, at mukhang totoo nga ang rumors na may namumuong romance sa dalawa.

Dahil may mga balita na ang dalawa raw ay nagkikita at nagde-date ng makailang ulit na, at nito nga lang daw ay namataan sila na nag-dinner sa London sa Novikov Restaurant & Bar.


Dumating daw sila na magkasama at umalis sa restaurant na hiwalay, at batay sa mga nakakita, mukhang komportable daw ang dalawa sa isa't-isa.

At ayon naman sa latest updates, mga KaTop Sports, nae-enjoy daw nilang dalawa ang company ng isa't-isa, napapangiti raw ni Butler itong si Shakira, at masaya raw si Shakira na kasama si Butler.

Ang kwarentay sais anyos na Colombian artist na ai Shakira ay hindi nagagambala ng 13-year age gap niya sa trentay tres anyos na si Butler, at makailang beses na nga raw silang lumabas, pero bago-bago pa lamang daw ang pagde-date nila, kaya hindi pa raw masabi kung may long-term na potential sa kanilang dalawa.



Hindi pa masasabi sa ngayon kung ang relasyon ng dalawa ay mas magdedevelop pa, at ang mga fans nga nila ay umaasa na magiging maganda ang patutunguhan nilang dalawa.

Lalo na, sa mga nakasubaybay kay Shakira ay alam na ito, na siya ay galing sa pakikipag-break sa kaniyang ex-partner, kaya single naman siya ngayon.

Siya ay lumipat sa Miami, Florida, mga KaTop Sports, na kasama ang kaniyang mga anak para magsimula ng panibagong buhay, at mukhang sumusubok siya muli na magkaroon ng panibagong romance sa kaniyang buhay.


Comments

Popular posts from this blog

Ito ang sinabi ni Dell Curry patungkol sa kaniyang anak na si Stephen Curry.

Chris Paul nagbanta na sa mga teams sa NBA kapag siya at si Draymond Green ay nakaharap nila sa laban, at ang bibigyan daw ni Stephen Curry ng championship ring niya kung pwede lang daw, kilalanin natin.

Julius Erving, ipinaliwanag kung bakit hindi nakasama si Stephen Curry sa kaniyang top-10 NBA players of all-time.