Pagbangko kay Kai Sotto ipinaliwanag ng coach ng Orlando Magic sa Summer League na si Dylan Murphy.



Pagbangko kay Kai Sotto ipinaliwanag ng coach ng Orlando Magic sa Summer League na si Dylan Murphy.


Pero bago natin pag-usapan iyan, mga idol, pag-usapan muna natin itong sinabi ng GM ng Warriors na si Mike Dunleavy Jr. patungkol sa pag-angkop ni Chris Paul sa Golden State Warriors.


Sa edad nga ni Paul na trentay otso, alam niya na mayroon pa naman siyang ibubuga sa paglalaro ng basketball.

Ngayon na nasa Warriors na siya, kailangan niyang mag-adjust sa bagong playing environment na makakasama niya itong si Stephen Curry.

At ayon kay Dunleavy, ang pag-angkop ni Paul sa Warriors at ang pag-develop ng chemistry sa kaniyang mga bagong kakampi ay isa raw sa mga priorities ni head coach Steve Kerr at kaniyang mga staff.

Si Kerr na raw ang bahala sa playing time at si Rick Celebrini na kanilang trainer naman daw ang bahala sa load management, mga idol.


At pakiramdam daw nila ngayon, nakakuha sila ng good player na magbibigay ng kailangan nilang experience, pag-iingat sa bola, paggawa ng mga desisyon, at may kakayahan na magpatakbo ng pick-and-roll.

Ibig lang sabihin ni Dunleavy, dala-dala ni Paul ang maraming karanasan sa isang team na alam ang mga bagay-bagay upang manalo sa NBA.

At sa lahat na na-accomplished na niya sa kaniyang makulay na career, mga idol, siya pa rin ay sumusubok na makakuha ng kampeonato, at umaasa na ito ay makukuha na niya sa prankisa na minsan na niyang naging mahigpit na kalaban sa nagdaan.

Si Paul ay naglaro ng 59 games sa Phoenix Suns sa season ng 2022-23 at nag-averaged ng 13.9 points, 4.3 rebounds at 8.9 assists.

At para naman sa paliwanag ng coach ng Magic sa Summer League patungkol sa pagbangko niya kay Kai Sotto, mga idol.


Sa ikalawang sunod na games, ang social media channels ng Orlando Magic ay binaha ng mga galit na comments mula sa ating mga kakababayan na basketball fanatics dahil sa hindi paggamit kay Kai Sotto sa game sa Summer League.

At dahil sa ang Orlando ay may dalawang sentro lamang sa kanilang lineup na sina Kai Sotto at Robert Baker ll, inisip na nga natin na si Kai ay magkakaroon ng playing time sa Summer League na maaaring ito na ang huling chance niya para sa pangarap niya na makapasok sa NBA.

Ang nangyari, dalawang sunod na games siya na DNP o Did Not Play mula sa coach ng Magic na si Dylan Murphy, na kahit sa garbage time hindi rin siya ipinasok.


At sa dalawang pagkatalo ng Magic, sa koponan ng Detroit Pistons at sa Indiana Pacers, mga idol, mas pinili ni Murphy na gawing starter sa sentro nila si DJ Wilson na isang power forward at paglaruin naman si Baker mula sa bench.

Ang mga galit na fans ay narinig din sa loob ng Thomas and Mark Center sa Las Vegas, na maririnig ang ating mga kakababayan na sumisigaw nang "We want Sotto!" sa gitna ng game ng Orlando at ng Indiana.

At ayon sa naging panayam ni Homer Sayson kay Murphy, diniscussed daw nito ang DNP kay Sotto bago ang game, at lagi raw siyang nakikipag-communicate kay Sotto, at sinabi rin niya na lahat naman daw ay magkakaroon ng pagkakataon na makapaglaro.


Ang sunod nga na makakalaban ng Magic ay ang New York Knicks sa Huwebes na sila ay kapuwa wala pang nakukuhang panalo, mga idol, at sana lang ay makita na natin itong ating kababayan na paglaruin na siya sa laban nila sa New York.

At nang ma-interview naman ng NBA Philippines itong si Kai, sinabi niya na tiwala siya kay Murphy at sa ginagawa nito, at nae-enjoy daw siya sa process at lagi raw siyang magiging handa kapag tinawag na ang kaniyang pangalan.


Comments

Popular posts from this blog

Ito ang sinabi ni Dell Curry patungkol sa kaniyang anak na si Stephen Curry.

Chris Paul nagbanta na sa mga teams sa NBA kapag siya at si Draymond Green ay nakaharap nila sa laban, at ang bibigyan daw ni Stephen Curry ng championship ring niya kung pwede lang daw, kilalanin natin.

Julius Erving, ipinaliwanag kung bakit hindi nakasama si Stephen Curry sa kaniyang top-10 NBA players of all-time.