Pag-uusap patungkol sa pag-trade kay Damian Lillard wala pa ring pinatutunguhan, at James Harden mas magaling daw kay Dwyane Wade ayon kay Jeff Teague.
Una nating pag-usapan ay ang patungkol sa sinabi na ito ni Jeff Teague, mga KaTop Sports.
Ang shooting guard nga ay isa sa posisyon na punong-puno na ng mga star players sa kasaysayan ng NBA.
Ang pinakakilalang player sa posisyong ito at walang pagtatalo na greatest of all time ay itong si Michael Jordan.
Sina Kobe Bryant at Allen Iverson ay naglaro din bilang mga shooting guards.
At dahil marami ang mga generational talents sa posisyong ito, hindi na nakakagulat pa na ang mga fans at maging ang mga NBA players ay nakikisali sa debate ng pagraranggo dito, mga KaTop Sports.
Gaya na lang ni Jeff Teague, na tinimbang ang Miami Heat legend na si Dwyane Wade at ang guard ng Philadelphia 76ers na si James Harden, kung kanino sa kanila ang mas may value ang careers.
Ang debate patungkol sa pinaka mahusay sa posisyon ay laging napag-uusapan.
Kaya't ang mga interviewers at mga journalists ay hinahabol ang mga sagot sa mga ganito upang makuha ang higit na engagement mula sa mga fan bases.
Kadalasan, ito ay tinatanong sa mga NBA players na nakapaglaro na laban sa multiple generations, mga KaTop Sports.
At isa na nga rito si Jeff Teague, na nilinyahan niya kung bakit daw na outrank ni James Harden itong si Dwyane Wade base sa kanilang value.
Dahil si D-Wade raw ay nagkaroon ng Shaquille O'Neal at LeBron James at hindi raw siya naging mag-isa.
Nu'ng ang Miami Heat daw ay nasa kanila lamang mga sarili, basura raw sila, kaya't mas magaling daw si Harden kaysa kay Wade.
Pareho namang naging mahusay sina Wade at Harden sa kanilang mga careers, mga KaTop Sports.
Si Wade ay nakagawa ng kaniyang pangalan sa Miami, at gayon din naman si Harden sa Houston Rockets at sa Sixers.
Pero ang tanong, may kinalaman ba talaga ang mga nagiging kamkampi sa pag-assess ng kanilang accolades at impact sa game?
Hindi kaya masyadong minaliit lamang ni Jeff Teague si Wade sa pagsasabi niya nito?
O mas magaling lang ba talaga si Harden sa pag-manage ng supporting cast na hindi mga stars?
Ano sa tingin ninyo, mga KaTop Sports?
At para sa sunod nating pag-uusapan, mga KaTop Sports.
Patuloy pa rin nga ang pag-usad ng trade saga ni Damian Lillard.
Matapos nga ng initial report ni Lillard sa kaniyang kagustuhan, hindi na nga makapaghintay ang mga fans na makita na siya ay mai-trade na.
Dahil wala namang fanbase na may gusto na ang trade saga ay maging peste sa kanilang season.
May isang buwan na nga yata matapos ang nasabing request, at wala pa ring ngang progreso sa magkabilang panig, mga KaTop Sports.
At may mga theoria at reports na nga ang nagsisimulang maglabasan patungkol sa kung bakit ang trade ay hindi pa rin naisasagawa.
Ang unang rumor, ayaw naman daw talaga i-trade pa ng Blazers itong si Damian Lillard.
Ang rumor nga na ito ay pinalalaganap na buong offseason, at ang latest nga na nag-report nito ay sina Anthony Chiang at David Wilson ng Miami Herald, sa kanilang podcast.
Bagaman na hindi raw nila alam kung 100 percent na totoo ang ibinalita sa kanila ng isang tao na nakakaalam ng mga nangyayari, hindi rin daw sila kumbinsido na gusto ngang i-trade ng Blazers itong si Lillard sa puntong ito, mga KaTop Sports.
Mukhang sinusubukan pa raw nilang makahanap ng paraan upang baguhin pa ni Dame ang kaniyang pag-iisip, at hindi na nga nakakagulat pa ito.
Matagal na kasi ang rumor na ito, panahon pa bago ma-confirmed ang desrire ni Lillard na umalis na sa Blazers.
Pero dahil sa kung gaano na karaming sources ang nage-report ng ganito, mapapaisip na lang tayo kung may apoy nga ba sa likod ng mga usok na ito.
Ang pangalawang rumor na umiikot sa paligid ng request ni Damian Lillard ay ang kagustuhan niya na sa Miami lang siya mapupunta, mga KaTop Sports.
Kaya naman iyon ang nakakaapekto para sa mga trade talks, at ang Heat lamang sa ngayon ang nagkaroon ng karapatang makipag-negosasyon na wala silang nakakalaban, pero pwede nang mabago iyon ngayon.
Ayon kasi sa inilabas na report ni Ramona Shelburne, maari raw na i-expand ni Lillard ang kaniyang listahan ng mga teams,
Kung mananatili pa rin daw na walang nangyayari sa usapan ng Miami at ng Portland.
Pero ang katanungan lang daw dito ay kung mangyayari ba ang trade ngayong offseason o kung maghihintay pa hanggang February sa trade deadline, na magkakaroon nga ng mas maraming teams na makikipag-trade.
Hindi gaya ng ibang trade requests, ang kay Lillard ay walang leverage, at dahil sa may tatlong taon pang natitira sa kaniyang kontrata, hindi talaga magmamadali ang Blazers na makakumpleto na ng isang deal para sa kaniya, mga KaTop Sports.
At kung gusto nilang maghintay pa ng mas matagal upang makuha nila ang isang deal na sa paniniwala nila na patas na deal, gagawin nga nila iyon.
For the mean time, maghintay na lang muna tayo at abangan kung ano ang mangyayari sa trade saga na ito ni Lillard, mga KaTop Sports.
Comments
Post a Comment