NBA In-Season Tournament format ating alamin kung papaano? At pangalan ng trophy inilabas na rin, kaya't sama-sama nating alamin ito, mga KaTop Sports.
NBA In-Season Tournament format ating alamin kung papaano? At pangalan ng trophy inilabas na rin, kaya't sama-sama nating alamin ito, mga KaTop Sports.
Pero bago natin pag-usapan iyan, napansin ko lang po na marami sa nanonood sa aking mga channels na Top Sports PH, Sports Natin 'To at KaDribol BasketBall ay hindi pa naka-subscribe.
Kung kayo po ay masugid na tagapanood sa mga ina-upload ko sa aking mga Channels, mangyaring mag-subscribe na po sana kayo, libre lang po ang pagpindot ng subscribe button.
Malaki po ang maitutulong nito sa pagsulong pa ng aking mga channels, kaya't ako po ay naglalambing sa inyo, at upang patuloy ko po kayong mahatiran ng ating mga pag-uusapan, at ng mga latest na balita sa mundo ng ating paboritong lugar ng basketball, ang NBA.
Kaya't ano pa hininintay ninyo mga KaTop Sports, mga idol at mga KaDribol, subscribe na!
Tuloy na tayo ngayon sa ating pinag-uusapan, mga KaTop Sports, salamat po sa pakikinig sa aking munting kahilingan sa inyo. Salamat po.
May bagong mukha na nga ang 2023-24 NBA season, hindi lang dahil sa ang mga ibang players ay nagsilipatan na sa ibang koponan at may mga bagong rookies na rin tayong mapapanood na maglalaro sa liga, kundi dahil sa pinakahihintay na NBA In-Season Tournament, na gaganapin na nga bago matapos ang taon.
Inanunsiyo na nga ng NBA nitong Linngo ang buong detalye kung papaano gagawin ang In-Season Tournament, at ganito ang kanilang ipinaliwanag.
Lahat ng 30 teams sa NBA ay randomly na maa-assigned sa anim na grupo, limang grupo kada isa, at ang bawa't grupo ay may mga teams na maglalaro sa kapareho nilang conference.
At ang mga laban ng bawa't grupo ay magsisimula sa darating na Nov.3 at matatapos hanggang Nov.28 sa taong kasalukuyan, mga KaTop Sports.
Magkakaroon ang NBA ng tinatawag nilang "Tournament Nights" kung saan maglalaro ang mga nasabing nasa kani-kanilang grupo.
Sa Gruop Play, bawa't teams ay makikipaglaban sa kapareho nilang grupo, dalawang games sa home at dalawang games away.
Ang Tournament na ito ay magaganap tuwing Martes at Biyernes, mga araw sa kanila, mula Nov.2 hanggang Nov.28, na walang magiging laro sa Nov.7 dahil sa Election Day iyon sa kanila.
At ang bawa't games sa Group Play ay bibilangin na games na rin sa regular season, mga KaTop Sports.
Ang top teams sa bawa't grupo pagkatapos ng Group Play plus ang dalawang wild cards ang mag-aadvance sa Knockout Rounds.
Ang wild cards naman ay mga teams na nagtapos na may best record sa kanilang conference at nagtapos din na pangalawa sa kanilang grupo.
Sinabi rin ng NBA na ang structure ng Knockout Rounds ay single-elemination lamang sa quarter finals, mula Dec.4 hanggang Dec.5, petsa sa kanila, sa semifinals sa Dec.7 at sa grand finale sa Dec.9.
At tanging ang championship game lamang ang hindi bibilangin na regular season contest, mga KaTop Sports.
At ang final two rounds ng In-Season Tournament, ang semis at ang championship ay gaganapin sa T-Mobile Arena sa Las Vegas.
At lahat nga ng 67 games na mailalaro sa In-Season Tournament ay counted sa regular season standings maliban nga lang sa Championship.
At lahat ng teams ay magpapatuloy pa rin naman na maglaro ng 82 regular-season games sa 2023-24 season, kabilang na nga doon ang mga games na naging parte ng Group Play at ng Knockout Rounds.
At mayroong prize pool para sa mga teams na paglalabanan nila at maging sa kampeonato kapag natapos na ang nasabing tournament, at ang magkakampeon ay makatatanggap ng championship throphy na pinangalanan nilang "NBA Cup" trophy ng In-Season Tournament.
Ano ang masasabi niyo sa bagong format na ito ng panibagong season na darating, mga KaTop Sports?
Mas lalo bang pinaganda nito ang labanan sa NBA o pinagulo lamang nila?
I-comment niyo lang ang inyong kasagutan, palagay at opinyon patungkol dito sa NBA In-Season Tournament.
Salamat po sa mga mag-susubscribe sa Top Sports PH, sa Sports Natin 'To at sa KaDribol BasketBall.
Comments
Post a Comment