Narito ang malalim at malaking concern ngayon ng Miami Heat sa kanilang roster.
Nailagay na nga sa history books ang naging 2023 playoff run ng Miami Heat.
Sa pagpasok nila sa 2023 postseason, marami ang nagsabi na ang Heat ay wala raw chance na makakalagpas sa unang round, dahil ang makakaharap nga nila ay si Giannis Antetokounmpo at ang top-seeded na Milwaukee Bucks sa unang round.
Pero mabilis na ginawa ng Heat ang kanilang trabaho, at tinalo nila ang Bucks sa limang games.
At tinalo naman ng Miami Heat ang New York Knicks sa anim na games at ang Boston Celtics sa pitong games sa dalawang sumunod na serye, upang sila ay maka-advance sa biggest stage ng NBA, ang NBA Finals.
Ang Heat nga ay pangalawa lamang na eighth-seed sa kasaysayan ng playoff sa NBA na nakarating sa NBA Finals, ang nauna ay ang New York Knicks taong 1999.
Subali't ang postseason ng Miami ay hindi nagtapos sa kagustuhan ng kanilang mga fans, ang makakuha ng titulo.
Natalo ang Heat kay superstar big man Nikola Jokic at sa Denver Nuggets sa limang games sa NBA Finals.
Ang naging pagtatapos nga ng 2022-23 season ng Miami Heat ay talaga namang nakaka disappoint, pero ang productive offseason period nila ay maaring makatulong upang makalimutan ng mga fans ang patungkol sa naging pagkukulang nila sa NBA Finals.
Ang kaso nga lang, mas maraming nawala sa Heat kaysa sa nakuha nila ngayong offseason.
Sina Max Sturs, Gabe Vincent at Cody Zeller ay naglaro ng mahahalagang role sa naging run ng Miami sa Finals, at silang tatlo ngayon ay may mga bago ng tahanan sa ibang prankisa ng NBA mula sa free agency.
At ang tanging notable offseason additions lamang ng Heat ay ang beteranong si Josh Richardson at ang 2023 first-round pick na si Jaime Jaquez Jr.
Kaya nakakapagtaka na ang Heat ay hindi na gumawa pa ng pagdagdag sa kanilang roster na mula sa trades o kaya sa free agency ngayong offseason, gayong kulang sila sa lalim sa isa sa napaka importanteng posisyon.
At dahil diyan, silipin natin ang isang malalim at malaking concern ng roster ng Miami Heat.
Ngayon nga na ang point guard na si Gabe Vincent ay pumirma na sa prankisa ng Los Angeles Lakers sa free agency at wala na nga siya sa Heat, ang Miami nga ay bumabaw na sa lalim ng kanilang point guard spot.
Ang tanging natitira na lamang na point guard ng Heat sa kanilang roster ay itong si Kyle Lowry.
Habang napatunayan naman na ni Lowry na siya'y isang winner, pinagtatalunan pa rin kung siya ba ay isa pa ring de kalibreng starting point guard sa stage ng kaniyang career ngayon, dahil majority nga sa naging playoff run ng Heat siya ay naggaling mula sa bench.
At kung magawa ng Miami Heat na makuha ang star point guard ng Portland Trail Blazers na si Damian Lillard, na napapabalita nga na ang gusto niyang mapuntahan lamang ay ang Miami, mareresolba na ang problemang ito ng Heat sa lalim ng kanilang guard position.
Si Lillard ang isa sa best playmakers sa NBA at siya rin ay isang elite scorer, na siya ay nag-averaged ng 32.2 points per game sa Blazers last season.
Sa ganitong kalagayan, panahon lang ang makakapagsabi kung ang Miami Heat ay mananatili na lang sa kanilang kasalukuyang roster o sila ay magpapasya na magdagdag pa ng mga players sa kanilang team mula sa trade o kaya ay mula sa free agency.
Pero ang isang malinaw lang dito, kailangan pa rin nilang subukan na magdagdag ng isa pang point guard sa kanilang roster bago magsimula ang panibagong regular season sa NBA.
At isa na nga rito si Damian Lillard, na sa kaniyang kalibre ay mapagtitibay niya ang koponan ng Miami Heat bilang isang title contender para sa magiging kampanya nila sa 2023-24 season at sila ay maging paborito na muli na makakakuha ng titulo.
Comments
Post a Comment