Narito ang magiging approach ng Golden State Warriors sa pagpuno ng kanilang roster.
Narito ang magiging approach ng Golden State Warriors sa pagpuno ng kanilang roster.
Pero bago natin pag-usapan iyan, mga idol, pag-usapan muna natin itong naging pakikipag-usap ng Golden State Warriors sa Houston Rockets para sa isang trade na hindi nga natuloy.
Gumawa nga ang Warriors ng isang napakalaking trade ngayong offseason, nang i-trade nila si Jordan Poole sa Washington Wizards para kay Chris Paul.
Ang pagkadagdag sa kanila ni Paul, maliban sa pangangailangan nila upang maibsan ang bigat na dala-dala ng kanilang prankisa sa finacial, ay gumawa sa kanila upang sila ay maging isang beteranong team na binuo sa paligid ni Stephen Curry na matanda na at mabagal.
Subali't kamuntikan na silang makagawa ng trade upang mabalanse ang mga bagay-bagay sa pagdagdag ng kailangan nilang athletism sa kanilang tumatandang frountcourt, mga idol.
Ayon kase sa naiulat, ang Warriors daw ay nakipag-usap sa Houston Rockets para sa highflying forward na bente dos anyos na si KJ Martin
Kaya lang ang pag-uusap nila ay hindi nag-progress at ang nakakuha nga kay Martin ay ang Los Angeles Clippers sa murang halaga lamang, dalawang second-round picks
Ang makuha si Martin ay hindi magre-require sa Warriors na mag-exert ng ilang financial muscle, dahil siya ay gagawa lamang ng $1.9 million sa final year ng kaniyang deal.
At ang makita kung ano ang ibinigay ng Clippers para kay Martin, mga idol, interesting talagang maisip kung anong klaseng trade talks ang naganap sa pagitan ng Warriors at ng Rockets, lalo na kung ang kanilang koponan ay kaya siyang maiangkop sa roster na wala silang magiging problema.
Siguro ang Warriors ay nagdesisyon lamang na ang kumuha ng player na pupuno sa minuto sa 4 position ay hindi talaga ang eksaktong kailangan ng kanilang koponan.
Lalo na at napabalik na nila sa kanila si Draymond Green sa free agency, at si Andrew Wiggins ay pwede ring maglaro sa 4 position, at gayun din naman si Jonathan Kuminga.
Pero maaari ring mapaunlad ni Martin ang sistema ng Warriors, dahil epektibo naman siya sa mga cuts at may abilidad pa siya sa pagsalo ng mga lobs.
At para naman sa magiging approach ng Warriors sa pagpuno ng kanilang roster, mga idol.
Punong-puno nga ng kaganapan ang offseason para sa Warriors, na sila ay gumawa ng mga pagkilos na hindi natin nakita na gagawin nila.
Sila ay papasok na may mga bagong mukha na sa kanila na sina Chris Paul, Cory Joseph at Dario Saric sa kanilang roster, at may rookies pa sila na sina Brandin Podziemski at Trayce Jackson-Davis.
Ang limang ito ay marahil ay maglalaro ng mahahalagang roles sa susunod na season na kasama sina Stephen Curry, sa pagsubok nila na lumaban para sa panglimang kampeonato ng kanilang prankisa sa nakalipas na na dekada.
At ngayon nga, ang Warriors ay mayroon nang 13 players na under contract, mga idol, ibig lang sabihin na ang Warriors ay may dalawang open spot sa kanilang roster na pupunuan pa, at meron din silang dalawang open na spots para sa two-way contracts.
At mukhang hindi naman daw na nagmamadali pa ang Warriors na punuin ang kanilang roster na manggagaling sa free agency, at gusto raw nila na panatilihing bukas ang mga spots na iyon sa pagpasok nila sa training camp, lalo na at nakapagpapirma na sila ng mga players na sa tingin nila ay ang mas kailangan nila.
Sa kasalukuyan, sina Christian Wood at Kelly Oubre Jr. ang nag-iistand out bilang best options sa unrestricted free agency.
Nakapagpapapirma na ang Warriors ng big man sa free agency at ito nga ay si Dario Saric, habang ayaw na nila na maging parte pa uli nila si Oubre matapos ng isang season nito sa kanila taong 2021.
Ang best bet nila para sa ikalabing-apat sa kanilang roster spot ay itong si Lester QuiƱones, mga idol, na nagpagpapahanga nga ngayon sa marami sa kaniyang paglalaro sa Summer League.
Subali't dahil ang Warriors ay loaded na sa guard positions, kailangan pang magtrabaho ng todo nitong si QuiƱones upang magawa lamang niya na mapasama sa opening night ng kanilang koponan.
Comments
Post a Comment