Miami Heat na mentioned na potential landing spot ni Christian Wood matapos na magpakita ng interest sa kaniya ang Los Angeles Lakers.



Miami Heat na mentioned na potential landing spot ni Christian Wood matapos na magpakita ng interest sa kaniya ang Los Angeles Lakers.


Pero bago natin pag-usapan iyan, mga KaTop Sports, pag-usapan muna natin itong player ng Brooklyn Nets sa Summer League na na ejected sa game ng isang minuto.


Lumalaban nga ngayon ang Nets sa Summer League, at nito nga lang ay nakalaban nila ang Milwaukee Bucks sa Cox Pavilion sa Las Vegas, sa pag-asa na makaangat pa sa standings.

Ang offseason nga rin ngayon para sa Nets at sa kanilang mga fans ay napakahalaga, dahil nawala nga sa kanila last year itong si Kevin Durant, pero napapirma naman nila uli sa kanila itong si Cam Johnson.

Nakuha rin ng Nets sa ginanap na 2023 NBA Draft itong si Dariq Whitehead, sa kabila na siya ay galing sa operasyon ng kaniyang paa.


At nito ngang Miyerkules, mga KaTop Sports, nagkalaban ang Nets at ang Bucks kung saan nagwagi ang Nets sa score na 92-71, at si David Duke Jr. ang nanguna sa Brooklyn, na siya ay nagtapos na may 24 points sa kaniyang pagpupursige na manalo.

Lima sa Nets ang umiskor ng double figures sa game na iyon, na nakapagdagdag ng magandang pakiramdam para sa kanilang koponan sa roster nila sa Summer League.

Pero hindi lahat ay naging maganda para sa Nets sa Vegas, dahil si Nick Perkins, power forward ng Brooklyn, na may taas na 6-foot-8 at may bigat na 250 pounds ay na ejected sa kalagitnaan ng game para sa isang bagay na sinabi niya sa direksiyon ni Vin Baker Jr., ang guard/forward ng Bucks na mula sa Boston College at anak ng dating NBA All-Star na si Vin Baker.


Bihira lang tayo makakita ng ganito sa isang Summer League game, kaya naman ang ilan sa mga fans ng Brooklyn ay hindi makapaniwala at umani nga ito ng iba't-ibang reaksiyon.

At may ilan din sa mga fans na nag-isip na ang parusang ipinataw kay Perkins ay hindi karapat-dapat sa kaniya dahil wala naman daw ginawa ito upang makaranas ng ganoong punishment.

At para naman sa pagkaka-mentioned sa Miami Heat na potential landing spot daw ngayon ni Christian Wood, mga KaTop Sports.


Ang merkado nga para kay Wood ay mukhang natutuyo na habang ang offseason ay nakalipat na sa portion ng Summer League, matapos ng kaniyang unsuccessful season sa Dallas Mavericks, at ngayon nga, siya ay wala pa ring napipirmahang kontrata.

Ang bente syete anyos na si Wood ay kasalukuyang nali-linked sa Lakers, na nagkaroon nga ng isang busy na offseason at magbe-benifit naman talaga ang Lakers mula sa isang big man na floor spacer na kagaya niya.

Ngayon nga ay may mga balitang naglabasan na may dalawa pa raw na playoff teams na gusto siyang makuha, at ito nga ay ang Miami Heat at ang Sacramento Kings. 


Magkakaroon daw kase ng open roster spot ang Heat kapag naisagawa na nila ang trade kay Damian Lillard, mga KaTop Sports, habang ang Kings naman daw ay magbe-benifit sa pagdagdag ng isang scoring big man para sa pagpapalalim pa ng kanilang frontcourt.

Iyon lamang daw, kung papayag itong si Wood sa isang minimum contract, na wala naman siyang magagawa pa, dahil hindi na nga siya nakakatanggap pa ng anomang offer sa ibang koponan.

Kulang nga ang Heat sa size, at hindi rin naman natin masasabi na si Wood ay magsisilbing permanenteng backup center nila, pero mapupunuan naman niya ang ilang bilang na mga roles at makakatulong din siya na magkaroon ng space sa floor itong sina Jimmy Butler at Bam Adebayo.


At dahil sa baka pumirma na lamang siya sa isang minimum contract, siya pa rin naman ay isang talentadong player, isang athletic big man na may kakayahang magdala ng bola at may 38.2 percent shooting pa siya sa tres sa nakalipas na apat na seasons.

Hindi natin masasabi na siya ay perfect na player, mga KaTop Sports, pero sa tamang role na maibibigay sa kaniya, siya ay magiging productive talaga para sa isang magandang koponan.


Comments

Popular posts from this blog

Ito ang sinabi ni Dell Curry patungkol sa kaniyang anak na si Stephen Curry.

Chris Paul nagbanta na sa mga teams sa NBA kapag siya at si Draymond Green ay nakaharap nila sa laban, at ang bibigyan daw ni Stephen Curry ng championship ring niya kung pwede lang daw, kilalanin natin.

Julius Erving, ipinaliwanag kung bakit hindi nakasama si Stephen Curry sa kaniyang top-10 NBA players of all-time.