Miami Heat may hawak na key interest na posibleng magamit nila sa pakikipag-usap nila sa Portland Trail Blazers para sa trade kay Damian Lillard.
Miami Heat may hawak na key interest na posibleng magamit nila sa pakikipag-usap nila sa Portland Trail Blazers para sa trade kay Damian Lillard.
Pero bago natin pag-usapan iyan, mga KaTop Sports, pag-usapan muna natin itong pagkaka-linked ni Tyler Herro sa Utah Jazz para sa trade talks kay Damian Lillard.
Ipinaalam na nga ng kampo ni Lillard na ang gusto lang niyang mapuntahan na team ay ang Miami Heat, dahil naniniwala siya na siya ang missing piece kina Jimmy Butler at Bam Adebayo upang makakuha ng kampeonato.
Subali't hanggang ngayon ay wala pang sinasang-ayunan na trade package ang Portland Trail Blazers na inio-offer ng Heat, na posible pa nga silang masulot ng ibang koponan dahil sa ang ilan sa kanila ay may mga prospects at mga draft assets.
Isa pa, binigyang linaw na ng Blazers na wala silang intensiyon na kunin ang kontrata ni Herro kapag itinrade na nila si Lillard.
Si Herro kase ay may apat na taong kontrata na nagkakahalaga ng $120 million, mga KaTop Sports, at mayroon na silang ganoong kaparehong kontrata sa kanilang roster na hawak ni Anfernee Simons, kaya naghe-hesitate sila na i-absorb ang kontrata ni Herro, at understandable naman iyon sa parte nila.
At upang matuloy lang ang Heat-Blazers trade para kay Lillard, kailangan na may ma-involve pa na ikatlong team na may kakayahan na i-absorb ang kontrata ni Herro.
At dahil sa isang talentadong player nga itong bente tres anyos na combo guard na si Herro, marami ang magkaka-interest sa kaniya, at isa na nga ang koponan ng Utah Jazz na nag-eemerge na potential na landing spot niya.
Mas gusto raw kasi ng Blazers na makakuha ng first round pick na galing sa ibang prankisa kaysa ang kunin nila ay si Herro, at isa nga ang Utah Jazz na may kakayahang makapagbigay nito sa Blazers.
At kung natatandaan niyo pa, mga KaTop Sports, nagkaroon na ng idea ang Jazz sa pagsisimula ng taon na kunin si Herro sa isang trade kapalit ni Donovan Mitchell.
Pero ngayon mag-iiba na ang lahat, dahil ngayon posibleng makuha na ng Jazz si Herro para sa ilang first-round picks.
May mga nakuha kase ang Jazz na mga draft assets nu'ng offseason ng taong 2022, kaya marami silang mga picks upang maibigay sa Blazers para kay Lillard.
Sa ngayon ay mag-antabay pa muna tayo, kung kailan ba talaga matutuloy na ang pagpunta ni Damian Lillard sa Miami Heat, at kung mai-involve nga ba talaga ang Utah Jazz sa mangyayaring trade na ito.
At para naman sa hawak ng Heat na key interest na posibleng magamit nila sa pakikipag-usap nila sa Blazers para kay Lillard, mga KaTop Sports.
Ang Heat nga ay may key interest na hawak nila para sa potential trade kay Lillard, at ito ay sina Caleb Martin, at ang mga young talents nila na sina Nikola Jovic at Jaime Jaquez Jr.
Nakarating nga ang Heat sa Finals nitong nakaraang season at totoong magbe-benefit sila kapag nakuha nila si Lillard, na nag-averaged last season ng 32.3 points per game.
Ayaw din naman ng Heat na mawala sa kanila itong sina Butler at Adebayo at kung magpipigil pa rin sila na isama sa trade ang kanilang mga young assets, matatagalan talaga bago matuloy ang deal sa pagitan ng Heat at ng Blazers.
Gusto ng Portland na manatili sa kanila ang kanilang No.3 pick na nakuha nila sa draft na si Scoot Henderson, mga KaTop Sports, isang guard na makakapagbigay ng excitent sa future ng Blazers.
Na mukhang ang pagpili sa kaniya ng Portland ang nagtulak naman kay Lillard upang mag-request na ng trade sa kanila, dahil sa palagay ni Lillard, hindi pa rin sila makakalaban para sa kampeonato sa roster na mayroon sila ngayon.
May mga napalagpas na rin ang Heat na mga free agents dahil sa interest nila kay Lillard, kaya napalaking panghihinayang ang mangyayari at aksaya ng panahon para sa Miami kung hindi rin naman pala matutuloy itong si Lillard sa kanila.
At ang pinakamalapit nga na pwedeng pasukin ngayon ng Heat upang matuloy lang ang trade ay ang isama nga nila ang Utah Jazz, mga KaTop Sports, upang makuha naman ng Blazers ang gusto nilang mga first round picks, at makuha naman ng Jazz si Tyler Herro, at nang maging masaya na si Damian Lillard sa paglipat niya sa Miami Heat.
Comments
Post a Comment