Miami Heat kinuha si Josh Richardson sa free agency matapos na mawala na sa kanila itong si Gabe Vincent.



Miami Heat kinuha si Josh Richardson sa free agency matapos na mawala na sa kanila itong si Gabe Vincent.


Pero bago natin pag-usapan iyan, mga KaTop Sports, pag-usapan muna natin itong trade na ginawa ng Miami Heat kay Victor Oladipo sa Oklahoma City Thunder.


Matapos nga na mawala sa Heat itong sina Max Strus at Gabe Vincent sa free agency, ang Heat ay kumilos upang magawa pa nila na ma-improve ang kanilang supporting cast sa paligid nina Jimmy Butler at Bam Adebayo, at para magawa nila iyon, itinrade nila si Oladipo pabalik ng Oklahoma City Thunder.

Ipinadala ng Heat si Oladipo at draft compensation sa Thunder sa isang deal, at dahil doon, ang Maimi ay nakapag-create ng $9.45 million trade exception na magagamit nila upang makapagpapirma o magtrade ng beterano na agad na makakatulong sa kanila.

Isang nakakalungkot na stint ito ni Oladipo sa Miami, na nagkaroon sana siya ng chance na makatulong sa Heat sa playoffs, pero nagkaroon siya ng injury sa kaliwang tuhod nu'ng first round at hindi na nga nakapaglaro buong postseason.


Kinuha niya ang kaniyang $9.4 million option sa Heat para sa susunod na season, mga KaTop Sports, pero ang Miami ay may ibang plano para sa kaniya.

Aabutin kasi ng hindi bababa sa anim na buwan ang pagpapagaling ni Oladipo sa kaniyang injury at ang Heat ay hindi na makakapaghintay pa ng ganoong katagal.

Ang maganda lang sa nangyaring ito kay Oladipo, muli siyang nakabalik sa Oklahoma City, kung saan nakakuha siya ng maraming success.

At para naman sa pagkuha ng Heat kay Josh Richardson sa free agency, mga KaTop Sports.


Isang pamilyar na mukha nga ang kinuha ng Heat matapos na mapunta na sa Los Angeles Lakers nitong si Gabe Vincent.

Nakapaglaro na itong si Richardson sa Heat mula 2015 hanggang 2019, at ngayon nga ay pinapirma siya ng Miami ng dalawang taong kontrata sa kanila.

Ang Heat din ang nagbigay sa kaniya ng opportunity na makapaglaro sa liga nang siya ay nadraft nila bilang pang No.40 overall nu'ng 2015 NBA Draft.


Sa apat na seasons niya sa Miami, mga KaTop Sports, siya ay nag-averaged ng 12.1 points, 2.9 rebounds at 3.2 assists, sa loob ng 259 total games, at 190 games doon, siya ay naging starter.

Subali't pagsapit ng summer taong 2019, siya ay itinrade ng Heat sa Philadelphia 76ers kapalit ni Jimmy Butler.

Mula noon, nagpalipat-lipat na siya ng koponan, sa Boston Celtics, Dallas Mavericks, San Antonio Spurs at New Orleans Pelicans.


Last season, ang bente nueve anyos na si Richardson ay nag-averaged ng 10.1 points per game, at parang si Vincent din itong si Richardson, at pwede rin siyang maging starter sa backcourt ng Heat.

Ang pagkawala nga ni Vincent sa Heat ay masakit para sa kanila, mga KaTop Sports, dahil isa siya sa mahalagang parte ng rotation ng Miami na naging solid na role player sa kanilang koponan.

Si Vincent ay pumirma ng $33 million na kontrata sa Lakers at deserved naman niya talaga iyon.


Importante din na i-note na si Richardson ay may player option sa kaniyang ikalawang taon ng kaniyang deal, kaya kapag ang mga bagay ay hindi umayon sa kanilang mga plano, may potensiyal na mawala uli siya sa Miami.


Comments

Popular posts from this blog

Ito ang sinabi ni Dell Curry patungkol sa kaniyang anak na si Stephen Curry.

Chris Paul nagbanta na sa mga teams sa NBA kapag siya at si Draymond Green ay nakaharap nila sa laban, at ang bibigyan daw ni Stephen Curry ng championship ring niya kung pwede lang daw, kilalanin natin.

Julius Erving, ipinaliwanag kung bakit hindi nakasama si Stephen Curry sa kaniyang top-10 NBA players of all-time.