Miami Heat, frustrated na sa Portland Trail Blazers para sa trade talks kay Damian Lillard, at Kyrie Irving pangarap pala ang maging big man.
Una nating pag-usapan, mga KaTop Sports, ang patungkol kay Kyrie Irving.
Napasaya nga ng Dallas Mavericks ang kanilang mga fans ngayong offseason nang mapapirma nila si Irving ng isang long-term contract.
Pero ang latest tweet ni Irving patungkol sa pagiging big man ay baka magbigay ng takot sa mga fans na baka siya ay magbalik next year bilang isang sentro.
Ayon sa tweet ni Irving siya raw talaga ay isang stretch 4 na hindi pa na hit ang kaniyang growth spurt at siya raw ay 31 na at patuloy na lumalaki.
Ang tweet ay response sa teammate ni Irving sa college na si Theo Pinson na tumutukoy sa references sa isang interesting stat mula sa nakaraang season, mga KaTop Sports.
Si Irving ay napabilang at napasama kina Joel Embiid at Jaren Jackson Jr. Na sila lang ang tatlong players na nagkaroon ng 39 plus points at 4 plus blocks sa game.
Ito raw ay nagsa-suggest na si Irving sa reality ay isang big man.
Pero ang actual na reality si Irving ay malayo sa pagiging big man at siya ay isa sa mga craftiest, shiftiest guards sa NBA.
At kung si Irving ay naghahanda para sa susunod na season na maging isang big man para sa Mavs panigurado na ang mga fans at ang organisayon ay may masasabi patungkol sa bagay na ito.
Pero obvious naman, na alam naman ni Irving na siya ay hindi big man at mas magaling siya na hawak niya ang bola at kinokontrol ang game mula sa perimeter, mga KaTop Sports.
Pero ang stat na iyon ni Irving ay talaga namang nakakahanga at dapat lang na i-share sa dalawang dominant big men ng NBA, kabilang ang reigning MVP na si Embiid.
Marami nga tayo na dapat abangan sa Mavs, matapos na bigyan nila ng long-term contract itong si Irving.
At abangan natin kung ano ang ilalaro ni Irving kung point guard ba o sentro kapag nagsimula na ang bagong season.
At para sa sunod nating pag-uusapan, mga KaTop Sports.
Unti-unti na ngang namamatay ang sigla patungkol sa request trade ni Damian Lillard.
Ilang linggo na nga ang nakalipas nang mag-request ng trade itong si Lillard at gusto nga niya na mapunta sa Miami Heat.
At agad ay nagkaroon nga ng maraming excitement at anticipation sa pasabog na iyon.
Pero habang umuusad ang linggo, unti-unting bumagal ang daloy ng pag-uusap.
Bakit kaya, mga KaTop Sports?
Ito ay dahil sa hindi raw transparent ang Blazers sa kanilang trade demand para kay Damia Lillard at frustrated na nga raw ang Miami Heat.
Sinasabi raw ng Portland na ibigay nila ang best offer na meron sila at gusto naman daw ng Miami na malaman kung ano ang gusto ng Portland at hindi raw sila nakakakuha ng sagot sa kanila, at mas magiging mabilis daw sana ang mga bagay-bagay kung sasabihin lang sana ng Portland kung ano ang talagang gusto nila.
Wala ngang hawak ngayon ang Heat ng package na gusto ng Blazers o sila ay ayaw lamang na i-deal ang lahat, kaya humihingi sila ng impormasyon sa kung ano talaga ang gusto ng Portland.
Dahil kapag nalaman na ng Heat ang gusto nila, makikipag-usap ang Heat sa ibang koponan at nang makapagsagawa sila ng isang three-team trade, upang makapagdagdag ng mas maraming assets para sa trade, mga KaTop Sports.
At ganito kadalasang tumatakbo at gumagana ang mga discussions patungkol sa mga trades.
At dahil sa interesado talaga ang Miami kay Lillard, makabuluhan talaga na subukan nila ang lahat, makuha lamang nila si Lillard.
Pero ang Blazers nga ay ayaw na i-disclose ang impormasyon kaya naman ang Heat ay desmiyado na.
Hindi kaya pinaglalaruan lang ng Blazers ang Heat, mga KaTop Sports?
Na sinusubukan nila na ibigay ng Miami ang best offer na kaya nilang maibigay sa kabila na alam naman nila na ang best offer ng Miami ay hindi naman talaga magiging sapat para sa kanila.
Gusto kase ng Blazers na makuha kapuwa sina Tyler Herro at Bam Adebayo at ayaw naman ngang i-trade ng Miami ang dalawa nilang players na iyon.
Ang senaryo na ito ay talaga namang nakaka-frustrate din para sa mga fans.
Gusto na ngang matapos ng Heat ang trade as soon as posible upang maipasok na agad ni Lillard ang kaniyang sarili sa kultura ng Miami Heat.
Habang ang Blazers naman ay gusto na rin namang matapos ang trade upang makabalik na sila sa pagre-rebuild ng kanilang young players, mga KaTop Sports.
At base sa itinatakbo ng negosasyon mukhang hindi na magtatagal ang paghanap ng conclusion, kagaya lamang ng naging trade request ni Kevin Durant last season.
Comments
Post a Comment