Miami Heat fans magugustuhan ang Twitter post na ito ni Damian Lillard matapos ang kaniyang trade request.
Miami Heat fans magugustuhan ang Twitter post na ito ni Damian Lillard matapos ang kaniyang trade request.
Pero bago natin pag-usapan iyan, mga KaTop Sports, pag-usapan muna natin itong naging reaksiyon ni Stephen A. Smith sa naging request trade ni Lillard sa Portland Trail Blazers.
11 years nang naglaro itong si Lillard sa Blazers, pero ngayon panahon na upang lisanin na niya ang Portland.
Naiulat nga na nagrequest na siya ng trade sa Blazers at gusto niya na lumipat na sa kampeon ng East na Miami Heat.
Si Lillard nga ay isa sa best players of all time ng NBA, subali't siya ay isang beses pa lamang na naka-advance sa Western Confernce Finals sa Blazers.
At dahil nga sa hindi makabuo ang Blazers ng isang championship-level talent sa paligid niya, mga KaTop Sports, ngayon gusto na nga niyang sumubok naman sa ibang koponan.
At nang matanong itong si Stephen A. Smith patungkol sa pagrequest ni Lillard ng trade sa Blazers, sinabi niya na siya ay proud na proud sa trentay dos anyos na si Lillard.
Anim na taon na raw siyang nakikipagtalo kay Lillard na umalis na siya sa Blazers at magdemand na ng trade palabas ng Portland.
Wala naman daw anomang laban itong si Smith sa organisasyon ng Blazers, pero ngayon daw ay hindi pa taglay ng Blazers ang talent na mako-consider na isang championship contender.
Si Lillard nga ay isang loyal na player, mga KaTop Sports, na nanatili siya sa kagustuhan niya na makabuo ng isang kampeon na koponan sa Blazers pero mukhang matatagalan pa upang iyon ay magkaroon ng katuparan.
Kinuha ng Portland si Scoot Henderson na pang No.3 overall pick sa 2023 NBA Draft, at siya ay may position ng kagaya ng kay Lillard.
Pinili rin ng Blazers si Jerami Grant at pinapirma nila siya ng limang taong kontrata na nagkakahalaga ng $160 million sa free agency, na nagpalimado sa mga options nila na makabuo ng mas better na team sa paligid ni Lillard bilang kanilang star player.
Si Lillard ay nag-averaged ng kaniyang career-best 32.2 points per game sa katatapos lang na season at may pagnanasa pa rin na pangunahan ang isang team para sa titulo sa mga natitirang taon ng kaniyang prime.
At ayon pa kay Smith, mga KaTop Sports, dapat daw ay matagal nang ginawa iyon ni Lillard, at sinayang daw ni Lillard ang mga ilang taon niyang nakalipas sa pananatili niya sa Portland.
Malaki nga ang magagawang pagbabago ni Lillard para sa Miami Heat, na siya ang magiging No.1 option nila at may makakasama nang malaking star itong sina Jimmy Butler at Bam Adebayo.
At para naman sa Twitter post na ito ni Lillard na paniguradong magugustuhan ng mga fans ng Miami Heat, mga KaTop Sports.
Dalawang pakiramdam nga ang naihatid ni Lillard sa ginawa niyang pagrequest na ng trade sa Portland, saya mula sa mga fans ng Heat, at upset naman para sa mga fans ng Blazers.
Pero paano kaya kung makagawa ng paraan si Lillard na mapasaya kapuwa ang mga fans ng Heat at mga fans ng Blazers?
At ito nga ang makikita natin sa latest Twitter trick na ipinost niya, dahil doon ay nakasulat ang mga salitang,
“Need Dame to pull some LeBron type s**t, goes to Miami win a couple rings then come back home and win it.. PORTLANDDDDDD THIS IS FOR YOUUUU.”
Ibig lang sabihin ni Lillard dito, mga KaTop Sports, ay gagayahin niya ang ginawa ni LeBron James nang lisanin niya ang Cleveland Cavaliers at lumipat siya sa Miami Heat at nakakuha roon ng dalawang kampeonato, bago bumalik sa Cavs at ibinigay din sa kanila ang isang titulo.
Ang seven-time All-Star na si Lillard ay binigyang linaw sa Portland na gusto niyang makita na ang makuhang draft pick ng kanilang koponan ay may potensiyal na maging star, na sa tingin niya ay hindi nila nagawa.
Isa pa, frustrated na raw siya sa Blazers dahil sa kawalan ng kakayahan nito na makabuo ng isang championship-level na roster, ayon sa iniulat ni Chris Haynes.
Masarap mang isipin para sa mga fans ng Blazers na isang araw ay magbabalik muli sa kanila si Lillard, mga KaTop Sports, pero sa ngayon, isang fanbase muna ang magsasaya sa ginawang trade request na ito ni Lillard sa Blazers at hindi iyon ang Portland.
Comments
Post a Comment