Los Angeles Lakers posible pang hindi makuha si Christian Wood dahil sa isang team na ito.
Los Angeles Lakers posible pang hindi makuha si Christian Wood dahil sa isang team na ito.
Pero bago natin pag-usapan iyan, mga KaDribol, pag-usapan muna natin itong naging reaksiyon ni LeBron James sa kaniyang pagiging ikalawang pinaka matanadang active na NBA player.
Habang ang marami niyang kasamang NBA players ay ginagamit ang kaniyang edad upang siya ay asarin, pero mukha namang walang problema si LeBron sa pagiging matanda.
Sa katunayan, mukhang proud pa siya na siya ay matanda na, dahil na disappoint siya ng malaman niya na hindi pala siya ang pinaka matandang active player ngayon sa NBA.
Ipinaalam ito ni LeBron nitong Miyerkules nang makita niya ang graphic na nagsasabi na siya ang second oldest active NBA player.
At ang kaniyang naging response ay, "Who's the 1st?? Thought I was the [oldest]."
Si Andre Iguodala nga ang kasalukuyang pinaka matandang active na player sa NBA ngayon, mga KaDribol, sa edad niya na 39 years at 171 days.
Samantalang si LeBron ay 38 years old naman, at last season, si Udonis Haslem naman ang pinaka matanda sa edad niya na 42 at naging 43 na siya nito lang June.
Gustong - gusto siguro ni LeBron na siya ay naa-underestimate dahil sa kaniyang edad, pero gaya ng ginawa niya kay Dillon Brooks at sa Memphis Grizzlies sa nakaraang playoffs, ginamit niya iyon bilang pampainit upang ibigay sa kaniyang mga haters ang isang marahas na lesson.
Habang siya ay mag-eedad na na 39 sa susunod na season, siguro naman eh, natuto na ang kabuoan ng NBA ngayon, na bagaman nalalapit na siya na mag-edad ng 40, pero may kakayahan pa rin naman siya na dominahin ang mga games kapag ginusto niya.
At patungkol naman sa pinaka matandang player ng liga, hindi magtatagal at makukuha din niya iyon, mga KaDribol.
Habang hindi pa nakakapagpasya itong si Iguodala para sa kaniyang future, mukhang ang pagreretiro ang mas makatotohanang gagawin niya ngayon.
Gayun pa man, maganda pa rin na mapanood na ang isang matandang LeBron ay muli na namang pahihirapan ang mga batang teams sa pagpasok ng panibagong season.
At para naman sa posibilidad na hindi makuha ng Lakers itong si Christian Wood, mga KaDribol.
Isa nga sa natitira pang free agent ngayong offseason ay itong si Christian Wood, at siya ay mag-eedad na na 28 sa darating na September.
Wala ngang nakaisip na siya ay magiging key contributor sa kaniyang mga teams nu'ng siya ay naglalaro pa lamang sa G League.
Pagkatapos ng kaniyang dalawang best seasons ng kaniyang career sa Houston Rockets, siya ay nai-trade sa Dallas Mavericks sa pagsisimula ng 2022-23 season at inasahan na siya ng kanilang koponan na siya ang magiging kanilang second-best option, pangalawa kay Luka Doncic.
Habang maganda naman ang inilalaro niya sa Dallas, mga KaDribol, subali't ang mga bagay ay hindi umayon sa kaniyang daan at sa nakikita sa kaniya ng Mavs, at ang kaniya ngang role ay unti-unting bumaba sa pagpapatuloy ng taon.
Ngayon, ang kaniyang status sa pagpasok ng bagong season ay hindi pa malaman, dahil iilan lang na mga teams ang nagpakita ng interest sa kaniya sa free agency.
At ang Lakers nga ang isa sa napapabalita na magiging kaniyang destinasyon ngayong offseason, maging ang Miami Heat, pero ngayon, may isa pang team na mula sa Eastern Conference ang nag-emerge bilang manliligaw para sa kaniya.
Ayon kase sa iniulat ni Dan Woike ng The Los Angeles Times, ang Chicago Bulls ay posibleng papirmahin itong si Wood, at kapag nagkataon, mawawala sa Lakers ang isang impactful backup big man sa likod ni Anthony Davis.
Hindi nga nakapasok sa playoffs ang Bulls, mga KaDribol, kaya't ang pagdududa sa future ng kanilang All-Star trio na sina DeMar Derozan, Zach LaVine at Nikola Vucevic ay lumitaw, at hindi pa nga sila nakakakita ng success, at si Lonzo Ball naman ay patuloy pa rin sa problema niya sa kaniyang tuhod.
At dahil sa katatanggap pa lang ng Bulls ng $10.2 million disabled player exception na galing sa liga para sa injury ni Lonzo Ball, ngayon, pwede na silang maging agresibo sa paghanap ng mas marami pang talents.
At gaya nga ng sinabi ni Woike, magagamit nga ng Chicago ang parte ng lahat ng exception na nakuha nila sa isang trade o pagpirma sa isang player para sa one-year deal ngayong offseason.
At para naman sa Lakers, ang kaya na lamang nilang ipapirma sa isang player ay ang veteran's minimum contract, na isa sa magiging problema nila para kay Wood kapag ang Bulls ay nagpakita ng mas mataas na antas ng interest sa kaniya.
Si Wood ay nakapaglaro ng 67 games sa Dallas last season at naging starter sa 17 games, mga KaDribol, na siya ay nag-averaged ng 16.6 points, 7.3 rebounds at 1.8 blocks per game, habang may shooting na 37.6 percent sa tres.
At sa kaniyang abilidad na maglaro sa perimeter sa opensa habang factor din siya sa pagbutata ng bola, makakatulong talaga agad siya sa isang team na may laban para sa playoffs.
Comments
Post a Comment