Los Angeles Lakers nakatutok pa rin kay Christian Wood sa kabila ng magandang paglalaro ni Colin Castleton sa Summer League.
Los Angeles Lakers nakatutok pa rin kay Christian Wood sa kabila ng magandang paglalaro ni Colin Castleton sa Summer League.
Pero bago natin pag-usapan iyan, mga KaDribol, pag-usapan muna nating itong mensahe ni Kyrie Irving matapos na siya ay pumirma ng kontrata sa Anta.
Ang season nga ng 2022-23 para kay Irving ay naging magulo para sa kaniyang career, pero ngayon mukhang inilalagay na niya sa kaniyang likuran ang mahihirap na sandaling iyon sa kaniyang buhay.
Hindi lang kasi na siya ay pumirma ng tatlong taong kontrata sa Dallas Mavericks na nagkakahalaga ng $126 million sa free agency, kundi siya rin ngayon ay pumirma ng panibagong deal ng sapatos sa Anta.
Nito ngang Miyerkules, inanunsiyo na ng Anta na napapirma na nila si Irving ng limang taong kontrata upang irepresenta ang kanilang brand ng sapatos, at ngayon nga ay kabilang na si Irving kina Klay Thompson, Gordon Hayward at Kevon Looney na pawang nagre-represent din ng Anta basketball shoes.
At matapos nga ng ginawang pagpirma na ito ni Irving sa Anta, mga KaDribol, siya ay nagpaabot ng isang mensahe, na kaniyang ini-reflect ang mahirap na taon para sa kaniya ng personal, at kung gaano kahalaga ang bago niyang deal sa sapatos na ito.
Nabatikos nga itong si Irving ng magbahagi siya ng isang film na nagpapakita ng antisemitic views, at ang nagpalala pa dito, lalo siyang binatikos nang siya ay tumanggi na humingi ng tawad sa kaniyang ginawa.
Sa kabuoan, hindi nga naging madali para sa kaniya ang mga pinagdaanan niya nitong mga nakalipas na pangyayari sa kaniyang buhay at sa kaniyang career.
Sinuspinde siya ng dati niyang team na Brooklyn Nets na walang bayad, at ang Nike naman
ay pinutol na ang partnership nila sa kaniya, na kaytagal na nga niyang kasama, taong 2011 pa, kaya naman kinailangang niyang maglaro sa season ng 2022-23 na wala siyang deal sa anomang brand ng sapatos.
Kinailangan pa nga niyang lagyan ng tape ang logo ng Nike sa kaniyang gamit na sapatos sa bawa't game, at may isinusulat pa siya sa black tape upang maiparating lang ang kaniyang paniniwala, mga KaDribol.
Pero ngayon, hindi na niya kailangang gawin iyon dahil may bagong sapatos na nga siyang ire-represent, at ito nga ay ang sapatos ng Anta.
At para naman sa patuloy na pagtutok ng Lakers kay Wood sa kabila ng magandang paglalaro ni Castleton sa Summer League, mga KaDribol.
Tinututukan nga ngayon ng Lakers itong si Wood bilang kandidato nila para sa kanilang pang ikalabing apat na player sa kanilang roster.
Ang offseason nga ay hindi pa tapos para sa Lakers, dahil patuloy pa rin silang tumitingin sa merkado ng free agents na willing na tumanggap ng minimum contract at lumaban para sa isang titulo.
At isa nga si Wood sa nasabing tinututukan ngayon ng Lakers na makuha nila, at maging ang mga koponan ng Miami Heat at Sacramento Kings ay nagkaka-interst na rin daw sa kaniya.
Si Wood na nag-averaged ng 18.1 points at 8.9 rebounds, na may 50.1 percent shooting sa field at 38.1 percent shooting naman sa tres, ay isa sa most talented na unsigned center sa unrestricted free agency ngayon, mga KaDribol.
May dalawang bakanteng roster spot pa nga ang Lakers na pwede nilang punuan ng veteran minimum contracts, at mukhang mag-iiwan sila ng isang bakanteng spot sa pagpasok nila sa panibagong season.
May magagamit sila na minimum contract na nai-save nila ng hindi nila binigyan si Gabe Vincent ng mid-level exception na nagkakahalaga ng $1.4 million.
Ang ideya kay Wood bilang minimun player na galing sa kaniyang tatlong taong kontrata na nagkakahalaga ng $41 million ay mukhang mahirap na paniwalaan sa nakalipas na ilang buwan, pero biglang natuyo ang kaniyang merkado na ito ang naging dahilan upang mabuksan ang pinto na siya nga ay makuha sa isang minimum contract lamang.
Ang Lakers ay makapagdaragdag sa kanila ng isang multi-dimensional na player at floor spacer sa opensa sa murang halaga kapag nagkataon, mga KaDribol, isang player na maaring ma-motivate na i-reset ang kaniyang market value sa spotlight sa Los Angeles.
Nito lang Lunes, ang GM ng Lakers na si Rob Pelinka ay kinumpirma na sila ay active sa paghahanap ng pupuno sa kanilang ikalabing apat na pwesto sa kanilang roster at sentro raw ang kukunin nila, at ang pinagpipilian nga nila ay itong sina Christian Wood at Bismack Biyombo.
Sa ngayon, sina Anthony Davis at Jaxson Hayes pa lamang ang nasa center position sa roster ng Lakers, at mukhang ang undrafted na si Castleton ay papapirmahin nila ng isang two-way contract dahil sa magandang paglalaro niya sa Summer League.
Sinabi rin ni Pelinka na ang intensiyon nila para sa paparating na season ay ang maglaro na may dalawang big men sa kanilang lineup, gaya nu'ng ginawa nila nu'ng makuha nila ang titulo taong 2020.
Gusto raw nilang makuha ay ang big man na iba ang approach na hindi gaya ang istilo ng paglalaro na meron itong si Hayes, mga KaDribol, at sina Wood at Biyombo ay aangkop nga sa sinasabi na ito ni Pelinka.
Comments
Post a Comment