Los Angeles Lakers may dalawa nang players na tinatarget upang maging backup ni Anthony Davis sa center position.



Los Angeles Lakers may dalawa nang players na tinatarget upang maging backup ni Anthony Davis sa center position.

Pero bago natin pag-usapan iyan, mga KaDribol, pag-usapan muna natin itong inilabas na update ni Rob Pelinka patungkol sa contract extension ni Anthony Davis.


Si Anthony Davis nga ang isa sa pinaka-importanteng player sa roster ng Los Angeles Lakers, at nakita natin iyon sa naging playoff run ng kanilang koponan last season.

At kahit na ba na nasa roster nila si LeBron James, si Davis pa rin ang nag-set ng tone para sa Los Angeles sa kabuoan ng postseason, at sa isang contract extension na nalalagay sa harap ni Davis, nagbigay ng update itong si Pelinka sa naging pagkikipag-usap nila kay Davis patungkol doon.

Mahigpit daw ang rules sa CBA, na hindi raw sila pinapayagan nito na makipag-usap patungkol sa negosasyon, kaya hindi pa raw nila magawa na pag-usapan ang patungkol sa kontrata at sa mga negosasyon, pero iniisip pa rin daw nila si Davis bilang Laker at bilang player.


Nakatulong daw si Davis na mai-deliver ang kampeonato sa kanilang prankisa, mga KaDribol, at siya raw ay isang incredible na captain at leader.

Nakita raw nila iyon last year, na willing si Davis na maglaro na may injury sa paa upang madala ang kanilang koponan sa Western Conference Finals, kaya gusto raw nila si Davis na maging parte pa rin ng kanilang koponan.

At gusto rin daw nila na maipagpatuloy ang nabuo nilang momentum at ang muli silang makabalik sa Finals matapos na sila ang manalo doon, taong 2020.


Ngayon pa na nakagawa na sila ng mga upgrades, na nakuha nila sina Gabe Vincent mula sa Miami Heat, si Jaxson Hayes na mula naman sa New Orleans Pelicans, at si Cam Reddish.

Napanatili rin nila sa kanila itong si Austin Reaves nang papirmahin nila ito ng isang reasonable na extension, mga KaDribol, pero kahit na ganoon, ang fate ng Lakers ay nakasalalay pa rin sa magiging performance at availability nitong si Davis.

Last season ay nakita natin na kung siya ay healthy, siya pa rin ang most impactful player sa line up ng Lakers.


Gumaganda ang kanilang depensa dahil sa kaniya, kapag nasa loob siya ng court, na pinahihirapan niya ang kanilang mga kalaban sa isang combo-defense na ginagawa niya, ang on-ball pressure at ang rim protection.

Magawa nga kaya ng Lakers na mas maging better sila kaysa sa last season at muli nilang magawa na makabalik sa Western Conference Finals?

At para naman sa dalawang players na tinututukan ngayon ng Lakers upang maging backup ni Davis sa center position, mga KaDribol.


Kinumpirma nga ni Rob Pelinka nu'ng Lunes na sila ay naghahanap ng sentro upang maging backup ni Anthony Davis, at meron na nga silang tina-target.

Naisaayos na nga nila ang lalim ng kanilang mga guards nang mapabalik nila sa kanila itong sina Austin Reaves at D'Angelo Russell, at napapirma rin nila itong si Gabe Vincent mula sa free agency.

Napalakas din nila ang kanilang wing nang mapabalik din nila si Rui Hachimura at maidagdag nila sina Taurean Prince at Cam Reddish.


At para naman sa kanilang sentro, mga KaDribol, ang napapirma pa lamang nila so far ay ang former New Orleans Pelicans na high-flyer na si Jaxson Hayes.

Malinaw lang na maari pang gumamit ang Lakers ng karagdagang tulong sa departamentong iyon, lalo na kung gusto nilang mabawasan ang workload ni Davis.

Mabuti na lang at ang Lakers ay ginagawan na ng paraan ang pangangailangan nilang ito.


Sa katunayan, sina Christian Wood at Bismack Biyombo ang mga na-mentioned na mga potential targets ng kanilang koponan.


Nagkaroon din sila ng interest kay Dario Saric, mga KaDribol, subali't pumirma na nga ito sa Golden State Warriors.

At ang hinahanap daw ni Rob Pelinka ay isang player na iba ang skill-set kay Hayes.


Sina Wood at Biyombo ay talaga namang magiging magandang dagdag sa Lakers kung ang kanilang koponan ay makuha ang isa sa kanila.

Si Wood ang mas magandang makuha nila dahil sa kaniyang opensa at rebounding, pero okay din naman si Biyombo dahil siya ay may skills ng finishing at may rebounding ability, maging ang toughness ay taglay niya.

At isa pang kapansin-pansin dito, mga KaDribol, mukhang may ipinapahiwatig na itong si Wood na siya ay nakikipag-usap na sa Lakers, nang siya ay gumawa ng Kobe Bryant-inspired Twitter gesture, nang pinalitan niya ang backround ng kaniyang profile ng isang larawan na yakap niya si Kobe.


Anoman ang magiging desisyon ng Lakers, ang makuha ang isa kina Wood at Biyombo ay makakatulong talaga sa kanila sa pagbuo nila ng isang title-contender na roster. 


Comments

Popular posts from this blog

Ito ang sinabi ni Dell Curry patungkol sa kaniyang anak na si Stephen Curry.

Chris Paul nagbanta na sa mga teams sa NBA kapag siya at si Draymond Green ay nakaharap nila sa laban, at ang bibigyan daw ni Stephen Curry ng championship ring niya kung pwede lang daw, kilalanin natin.

Julius Erving, ipinaliwanag kung bakit hindi nakasama si Stephen Curry sa kaniyang top-10 NBA players of all-time.