Lonnie Walker IV umalis na sa Los Angeles Lakers at pumirma na sa Brooklyn Nets.
Lonnie Walker IV umalis na sa Los Angeles Lakers at pumirma na sa Brooklyn Nets.
Pero bago natin pag-usapan iyan, mga KaTop Sports, pag-usapan muna natin itong ina-apply ng Chicago Bulls na injury exception para sa kalagayan ni Lonzo Ball sa susunod na season.
Naiulat nga na ang Bulls ay nag-apply sa NBA para sa Disabled Player Exception na nagkakahalaga ng $10.2 million dahil sa injury ni Lonzo Ball na inaasahan nang out na sa kabuoan ng susunod na season.
Matagal na ngang napapabalita na mag-aapply ng ganito ang Bulls dahil sa injury ni Ball at ngayon nga ay ginawa na nila.
Kinumpirma na kasi ng Bulls na hindi pa rin makakapaglaro itong si Ball para sa season ng 2023-24.
Maraming katanungan ang dapat mabigyang kasagutan ng Bulls sa mga susunod na taon, mag KaTop Sports, pero sa ngayon, mukhang kailangan muna nilang panatilihin ang kanilang grupo na magkakasama.
Pinapirma nila sa kanila si Nikola Vucevic ng tatlong taong kontratang extension na nagkakahalaga ng $60 million.
At bagaman na may mga rumors na ititrade na nila sina Zach LaVine at DeMar Derozan ngayong offseason, pero hindi pa nga iyon nagkakaroon ng katuparan pa sa ngayon.
Si Lonzo Ball ay nagkaroon na ng ilang ulit na operasyon sa kaniyang kaliwang tuhod at hindi nga siya nakapaglaro sa kabuoan ng nakaraang season at ngayon nga ay hindi pa rin siya makakapaglaro sa kabuoan ng panibagong season.
Nakakapanghinayang nga ito para sa isang player na napatunayan na ang halaga niya sa liga, mga KaTop Sports, lalo na nu'ng unang pumirma siya ng kontrata sa Chicago.
Angkop na angkop pa naman siya sa Bulls, pero dahil sa mga injuries na natamo niya sa mga nakalipas na na mga taon, nawala sa kaniya ang magandang pagkakataon na nasa harapan na niya, at ngayon nga ay wala pang katiyakan kung makakapaglaro pa nga ba siyang muli sa hinaharap.
At para naman sa pag-alis ni Lonnie Walker IV sa Lakers at sa pagpirma niya sa Brooklyn Nets, mga KaTop Sports.
Ang unrestricted free agent na si Walker IV ay pumirma na ng isang taon na kontrata sa Brooklyn Nets.
Siya ay isang first-rounder pick taong 2018, na naglaro last season sa Lakers matapos na gugulin ang kaninyang unang apat na seasons sa San Antonio Spurs.
Siya ay isang athletic wing at nag-averaged ng 10.6 points per game laban sa Golden State Warriors sa playoffs, na may shooting percentage sa field na 54.1 percent at 38.9 percent shooting naman mula sa tres.
At kahit na ba na hindi niya na sustain ang kaniyang perfomance sa nalalabing mga games sa playoffs, mga KaTop Sports, naging sapat naman na ang nagawa niya upang mairemind sa mga tao kung gaano rin siya kahusay.
Siya ay bente kwatro anyos pa lamang na may career scoring average na 11.7 points per game.
Siya ay isang high-level facilitator o kaya ay isang outside shooter, na siya ay may career average na 1.5 assists per game at career average na 34.9 percent shooting mula sa tres.
Sa taas niya na 6-foot-4 at sa bigat niya na 204 pounds, hindi siya masyadong napapakinabangan sa rebounding, na siya ay may career average sa rebound na 2.3 rebounds per game lamang.
Mas maganda rin sana kung magaling din siya sa depensa, kaso hindi nga siya consistent pagdating doon, mga KaTop Sports.
Pero may pag-asa na siya ngayong mag-improve sa depensa dahil ang head coach ng Nets ay isang defensive-minded na coach.
At kapag nagawa niya ang kaniyang mga plays sa transition at maibuslo ang kaniyang mga catch-and-shoot jumpers, malaki ang maitutulong niya sa bago niyang koponan na Brooklyn Nets.
Comments
Post a Comment