LeBron James sang-ayon na si Kyrie Irving ang may best handles ever.
LeBron James sang-ayon na si Kyrie Irving ang may best handles ever.
Pero bago natin pag-usapan iyan, mga KaDribol, pag-usapan muna natin itong tatlong players na kabilang sa all-time starting 5 ni Jerry West.
Kapag ang discussion ay naka focus na sa greatest basketball players of all-time, nauuwi ito sa mga debate dahil ang lahat ng mga fans, mga players, mga coaches, mga media members at mga executives ay may kani-kaniyang mga opinyon.
Pero nang i-offer ng nasa logo ng NBA na si Jerry West ang kaniyang opinyon sa subject, ibang istorya ang sa kaniya.
Isa nga si West sa all-time great players sa game at ang kaniyang opinyon ay magdadala ng maraming kredibilidad.
No'ng siya ay naging guest sa Dan Patrick Show, mga KaDrobol, naging willing siya na ibigay ang kaniyang All-NBA team.
Sinabi niya kay Patrick na sina LeBron James, Michael Jordan at ang namayapa na na si Kobe Bryant ay deserve na mapasama sa all-time starting five dahil mayroon daw silang skills at makakapaglaro raw sila ng maayos ng magkakasama.
Hindi na niya pinangalanan pa ang dalawang natitira sa kaniyang starting five, at agad na siyang nagtungo sa detalye kung bakit ang tatlong players na napili niya ay special.
Napaka unique raw kase ng game ng tatlo at halos position-less daw sila sa liga, at aangkop raw talaga ang tatlo sa isa't-isa ng maganda, at may kakayahan pa raw silang tatlo na maglaro sa tatlong posisyon.
Si West nga ay nagkaroon ng remarkable 14-year career sa Los Angeles Lakers, mga KaDribol, na nagsimula sa season ng 1960-61 hanggang sa season ng 1973-74.
Siya ay nag-averaged ng 27.0 points at 6.7 assists per game sa buong career niya na may 47.4 percent shooting sa field.
At ang Lakers noon ay napagwagian ang titulo sa NBA taong 1972, nang talunin nila ang New York Knicks sa limang games.
At para naman sa pagsang-ayon ni LeBron James na si Kyrie Irving ang may best handles ever, mga KaDribol.
Wala ngang pagdududa sa kaisipan ni LeBron na ang kaniyang dating kakampi sa Cleveland Cavaliers ang nagmamay-ari ng greatest handles ever sa NBA.
Sa ipinost niya kamakailan sa kaniyang Instagram Story, ipinaalam niya sa lahat kung gaano niya hinahangaan ang skills ni Irving pagdating sa bola.
Ito ay matapos na siya ay nag-react sa tweet ni JohnnyHSD na nagsasabi ng...
This has nothing to do with his ‘all-time ranking' but this is the best player with the ball in his hands we've ever seen.”
Hindi naman talaga maikakaila na ang abilidad ni Irving sa pagkontrol ng basketball ay isang elite na maituturing, mga KaDribol.
At malamang na ilan sa mga active at retired na na NBA players ay sasang-ayon din sa notion na wala nang gagaling pa kay Irving pagdating sa area na iyon.
Ang handles ni Irving ay mayroong unique blend of art at may pure devastation din sa mga yaon.
Iyon ay nakakapag-display ng poerty in motion na nagpapahiya sa mga dumidepensa na sumusubok na sirain ang kaniyang dribble.
At alam na alam ito ni LeBron, mga KaDribol, dahil nakasama nga niya ng ilang seasons itong si Irving sa Cleveland Cavaliers.
Si LeBron ay hindi shabby ball-handler sa sarili niya, pero ang kaniyang handles ay napakalayo talaga sa kung ano ang kayang magawa ni Irving sa bola sa floor.
At napaka unfair na siguro kung si LeBron ay magtaglay pa ng ganoong talent na maisasama sa kaniyang mga skills at sa kaniyang size.
Muli ngang mambibiktima itong si Irving sa kaniyang mga handles sa season ng 2023-24, matapos na siya ay pumirma ng bagong kontrata sa Dallas Mavericks ngayong offseason.
Comments
Post a Comment