LeBron James nilinaw ang ilang mga bagay patungkol sa potential na pakikipag-team-up niya sa kaniyang mga anak na sina Bronny at Bryce.
LeBron James nilinaw ang ilang mga bagay patungkol sa potential na pakikipag-team-up niya sa kaniyang mga anak na sina Bronny at Bryce.
Pero bago natin pag-usapan iyan, mga KaDribol, pag-usapan muna natin itong naging reaksiyon ni Max Christie patungkol sa paglalaro pa rin ni LeBron sa kaniyang ika-dalawampu't isang taon sa NBA.
Nagkaroon nga ng magandang reaksiyon itong si Christie sa magiging ika-dalawamput isang season ni LeBron, sa naging press conference ng Summer League game, sinabi niya na hindi na niya ikinagulat pa iyon dahil si LeBron daw ay superhuman, at excited na raw siya na muli niyang makalaro si LeBron ng isa pang taon.
Isa ngang positibong bagay nga para kay Christie ang maglaro na kasama si LeBron, at ang hiling niya ay sana raw ay makapaglaro pa si LeBron ng marami pang mga taon.
Si Christie nga ay na-draft sa second round ng 2022 NBA Draft, matapos na maglaro ng isang season sa Michigan State.
Naging role player siya para sa Lakers sa kaniyang rookie season at nakapaglaro ng 41 regular season games at siyam na postseason games, mga KaDribol, at nag-averaged ng 12.5 minutes sa kaniyang regular season appearances.
At para naman kay LeBron, siya ay nagkaroon ng pagkakataong magsalita patungkol sa kaniyang retirement nitong Huwebes nang siya ay dumalo sa ginanap na ESPY Award, kung saan tinanggap niya ang parangal na Best Record Breaking Performance, nang malagpasan niya si Kareem Abdul-Jabbar bilang NBA's all time leading scorer.
At ang sabi niya ay, kapag dumating na raw ang araw na wala na siyang kayang maibigay sa floor, iyon na raw ang araw na tapos na siya, at maswerte raw tayo dahil ang araw na iyon ay hindi pa raw ngayon.
At dahil nga sa itong si Bronny James ay naka-set na na papasok sa USC para sa kaniyang freshman year na malapit lang kay LeBron at sa Lakers, makakaasa ang mga fans nina Christie at LeBron na hindi pa nga magreretiro itong si LeBron.
At para naman sa paglilinaw ni LeBron sa ilang mga bagay patungkol sa potential na pakikipag-team-up niya sa kaniyang mga anak na sina Bronny at Bryce, mga KaDribol.
Ginanap nga sa Los Angeles ang ESPY nitong Huwebes, at isa sa mga high-profile athletes na nasa attendance ay ang superstar forward ng Lakers na si LeBron.
Siya ay nabigyan nga ng pagkakataon na makapagsalita sa nasabing event at sinabi niya na hindi pa nga siya magreretiro at patuloy pa rin na maglalaro sa susunod na season.
At nilinaw din niya ang ilang mga bagay patungkol sa potential na pakikipag-team-up niya sa kaniyang mga anak na sina Bronny at Bryce.
Sabi ni LeBron, mga KaDribol, may kani-kaniya raw basketball journey ang kaniyang mga anak, at kung gaano man daw kalayo ang gusto nilang mapuntahan, hindi raw nila dinadaya ang game.
At ang bagay daw na nagpapabalik sa kaniya kada taon ay ang panonood at pagco-coach niya sa kaniyang mga anak at sa mga teammates nila.
Nakikita raw niya ang mga batang iyon, at nagbabalik daw sa kaniya kung bakit siya naglalaro ng basketball, ibinabalik daw siya ng mga batang iyon kung saan siya nararapat, sa pagmamahal sa isang magandang game.
Ang trentay otso na si LeBron na nakapaglaro na ng 20 years sa NBA at limang taon bilang miyembro ng prankisa ng Los Angeles Lakers, ay nag-averaged ng 28.9 points, 8.3 rebounds, 6.8 assists, 0.9 steals, 0.6 blocks, 3.2 turnovers at 1.6 personal fouls per game sa loob ng 55 appearances last season, at 54 doon siya ay naging starter.
Ang native ng Akron, Ohio na si LeBron ay nag-struggle na i-shoot ang bola sa tres last seaaon, mga KaDribol, kung saan siya ay nagkaroon lamang ng 32.1 percent three-point percentage, na naging kaniyang pinakamababa magbuhat ng season ng 2015-16.
At sa ganitong juncture, napaka posible nga na si LeBron ay magkakaroon ng pagkakataon na makipag-team-up sa isa o sa dalawa niyang anak kapag sila ay nakaabot na sa NBA, at maganda sana noh kung silang mag-aama ay maging magkakampi sa koponan ng Lakers.
Comments
Post a Comment