LeBron James, nanguna sa karamihan para sa bagong rule na ipapatupad ng NBA sa pagpasok ng panibagong season, at Austin Reaves, tinukoy kung ano ang dapat na pakatutukan kay Anthony Davis sa kaniyang game.



Una nating pag-usapan itong patungkol sa sinabi ni Austin Reaves, mga KaDribol.

Naging malakas na nga ang koponan ng Los Angeles Lakers nu'ng nakaraang season.

Nakabuo sila ng malakas na grupo ng mga players, at sila ay inaasahan na magiging malakas pa rin sa kanilang magiging kampanya sa season ng 2023-24.


Si Anthony Davis ay maglalaro pa rin ng mahalagang role para sa kanila na kasama si LeBron James sa roster ng LA.

At si Austin Reaves na pumirma sa Lakers nitong offseason, ay nagkomento nga sa isang area ng game ni Davis na dapat daw nating pakatutukan, mga KaDribol.

Si Davis daw ay ang tamang tao na kailangan mo sa iyong team, ang sabi ni Reaves nang siya ay naging panauhin sa podcast ng All The Smoke, via SHOWTIME Basketball.


Kailangan daw nila ang kagaya ni Davis sa depensa, at sa tingin daw ni Reaves na hindi raw nakukuha ni Davis ang kredito para sa kung ano ang nagagawa niya para sa kanilang mga guards, na alam nila na sila ay may isang rim protector na maaari kang maging pisikal, at maging mas agresibo.

Walang pagtatalo raw na siya ay nasa likod ni LeBron bilang most skilled player na nakita niya.

Ito ay isang statement mula kay Reaves, mga KaDribol.


Si AD nga ay nag-struggle sa kaniyang kalusugan, pero siya naman ay isang napaka husay na player kapag siya ay nasa court.

Siya ang isang dahilan kung bakit ang Lakers ay nagsisikap na makabuo ng isang malakas na koponan.

Gusto nga ng Lakers na magkampeon sa darating na panibagong season.


Kaya naman sila ay nagdagdag ng lalim sa kanilang roster mula sa free agency na magbibigay benipisyo kina Davis at LeBron, mga KaDribol.

Last year, sila ay nakahanap ng mga paraan upang manalo, kaya't hindi na natin ikagugulat pa kung makita natin sila, na mas maging consistent na ang approach nila sa kabuoan ng panibagong season.

Importante rin ang magiging presence ni Reaves sa kanila.


Siya nga kase ay nag-emerge bilang reliable option at naniniwala ang Lakers na siya ay magiging X-Factor ng sports sa pagpapatuloy niya.

Pero ang layo ng mararating nila ay nakasalalay pa rin talaga kay Anthony Davis, mga KaDribol.

Oo, alam natin na si LeBron ang greatest player ever, pero tumatanda na nga siya at kailangan ng LA ng mas batang superstar na gaya ni AD upang pangunahan ang kanilang pag-atake.


At para naman sa sunod nating pag-uusapan, mga KaDribol.

May ilan na ngang naging kasalukuyang announcements sa NBA patungkol sa ilang pagbabago sa rules na magiging epektibo na sa darating na panibagong season.

Isa sa pinaka pinag-uusapan ay ang makakapag-issue na ng technical foul ang mga referees sa mga players dahil sa flopping.


At maniwala kayo sa hindi, pinagtatalunan na ngayon kung sinong player ang unang magagawaran ng technical foul sa bagong rules na ito.

Si LeBron James ang nanguna para sa karamihan, na sa palagay nila na unang matatawagan ng technical foul dahil sa flopping, mga KaDribol.

Pumangalawa sa kaniya ay itong si Chris Paul at ang pumangatlo naman ay si Draymond Green.


Kilala nga kase ang tatlong ito na magaling makakuha ng tawag mula sa referees dahil sa kanilang pag-flop, kaya nga nagkaroon si LeBron ng nickname na LeFlop.

Ipapatupad ang rule na ito upang maihinto na raw ang paglaganap ng flopping sa NBA, na isa sa nagiging dahilan kung bakit naa-upset ang mga fans at hindi na sila natutuwa sa kanilang napapanood.

Maging sa college basketball ay ipinatupad na ang ganitong rule at mukhang nabawasan na nga raw ang flopping sa kolehiyo, pero ito ay panigurado na magdadala sa mga referees na maging kontrobersiyal, kapag hindi naging tama ang kanilang mga itatawag na technical foul sa inakala nila na flopping lamang, mga KaDribol.


Ang concern kase ng mga fans ay umiikot sa katotohanan na ang lahat ay may kani-kanilang definition kung ano ba ang flopping at kung ano ba ang hindi.

Kaya dahil dito, baka ang mga referees ay maging maselan sa pagtawag dito, o ang iba naman sa kanila ay maging istrikto naman pagdating sa flopping calls.

Kaya't may lugar pa rin na maging issue pa rin ito, pero kaabang-abang pa rin naman kung ano ang magiging unang season na gamit na ang rule na ito at kung papaano ito makakaapekto sa game.


Sa ngayon, ang mga fans ay pwedeng magbigay muna ng kanilang mga predictions kung sino nga kaya ang unang magagawaran ng flopping technical foul.


Comments

Popular posts from this blog

Ito ang sinabi ni Dell Curry patungkol sa kaniyang anak na si Stephen Curry.

Chris Paul nagbanta na sa mga teams sa NBA kapag siya at si Draymond Green ay nakaharap nila sa laban, at ang bibigyan daw ni Stephen Curry ng championship ring niya kung pwede lang daw, kilalanin natin.

Julius Erving, ipinaliwanag kung bakit hindi nakasama si Stephen Curry sa kaniyang top-10 NBA players of all-time.