LeBron James may mensaheng ipinaabot sa kaniyang bagong kakampi sa Los Angeles Lakers na si Cam Reddish.
LeBron James may mensaheng ipinaabot sa kaniyang bagong kakampi sa Los Angeles Lakers na si Cam Reddish.
Pero bago natin pag-usapan iyan, mga KaDribol, pag-usapan muna natin itong ini-reveal ni Max Christie na goal niya sa Summer League.
Nagkaroon nga ang Lakers ng malakas na free agency ngayong offseason.
Sa malaking bahagi, pinili nila na tumakbo muli na kabilang ang ilang mga idinagdag nila na mga free agents.
Napapirma nga nila muli sina Austin Reaves, D'Angelo Russell at Rui Hachimura, habang naidagdag nila ang mga impact players na sina Gabe Vincent, Taurean Prince at Jaxon Hayes.
Subali't upang sila ay makapagpatuloy na makabuo sa kanilang naging apperances sa Western Conference Finals last season, mga KaDribol, kailangan pa rin nilang tumingin din sa internal development.
At ang isa sa mga players na pwede nilang asahan na mag-step forward sa kaniyang ikalawang taon ay itong si Max Christie.
Si Christie ang isa sa nagiging top Summer League standouts nila at ngayon nga ay ini-reveal na niya na gusto niyang magtapos sa Summer League ng malakas.
Sa kaniyang dalawang unang games ng Summer League sa Las Vegas, siya ay nag-averaged ng 16.5 points per game, 5.5 rebounds at 4.0 assists, na may 42.9 percent shooting sa field at 57.1 percent shooting sa tres.
Siya nga ay hindi naging regular sa rotation ng Lakers last season, mga KaDribol, at karamihan ng kaniyang paglalaro ay ginugol niya sa G League affiliate ng Lakers na South Bay Lakers.
Nakita rin natin siya na naglaro ng 47 games sa regular season at tatlo sa mga games na iyon, siya ay naging starter.
At siya ay nag-averaged ng 3.1 points, 1.8 rebounds at 0.5 assists, na may 41.5 percent shooting sa field, 41.9 percent shooting sa tres at 87.5 percent shooting sa free throw line.
At kapag naipagpatuloy niya ang kaniyang upward trajectory at mabuhat ito sa kaniyang summer league performance patungo sa regular season, siya ay magiging isa na namang mahalagang bato na natagpuan ng Lakers sa kanilang scouting department.
At para naman sa mensaheng ipinaabot ni LeBron sa kaniyang bagong kakampi sa Lakers na si Cam Reddish, mga KaDribol.
Hindi na nga makapaghintay pa itong si LeBron na maglaro na kasama ang bagong wing man ng Lakers na si Reddish.
Ito ay makikita nating malinaw matapos na siya ay naghulog ng isang matinding pagpuri sa bente tres anyos na forward na si Reddish.
Nitong Huwebes, may ibinahagi ang Lakers ng highlight reel ni Reddish upang i-hype up ang mga fans patungkol sa pagdating niya sa Los Angeles.
Nilagyan ito ng caption ng kanilang koponan na, "Cam Reddish: hooper" na may kasama pang voltage sign, mga KaDribol.
At matapos na makita ni LeBron ang tweet na iyon, agad din niya itong ibinahagi at dino-ble down ang statement ng Purple and Gold.
Ayon kay LeBron, si Reddish daw ay "FLAT OUT HOOPER!!!"
Habang si Reddish ay hindi nagawang mag-thrive sa kaniyang stints sa Atlanta Hawks, New York Knicks at Portland Trail Blazers, nakapagpamalas naman siya ng mga flashes of brilliance at mga senyales ng kaniyang untapped potential.
Pagkatapos na siya ay mai-trade sa Portland sa kalagitnaan ng 2022-23 season, mga KaDribol, siya ay naging starter sa 12 games sa 20 games na nailaro niya, at siya ay nag-averaged ng 11.0 points, 2.9 rebounds, 1.9 assists at 1.2 steals, na may 44.3 percent shooting sa field.
Ang best game na naitala niya sa Portland ay nu'ng nakalaban nila ang kaniyang former team na Atlanta Hawks, nu'ng March, kung saan siya ay nagtapos na may 25 points, 3 rebounds, 2 assists, 1 steal at 2 blocks, sa loob ng 32 minutes na paglalaro.
Nagkaroon siya ng 52.9 percent shooting sa field, at 4-of-9 shooting naman siya no'n sa tres.
Siya ay magkakaroon ngayon ng fresh na pagsisimula sa Lakers, matapos ang up-and-down ng kaniyang unang apat na taon sa NBA.
At swerte siya sa Lakers, mga KaDribol, dahil inaasahan nga na magkakaroon siya ng maraming pagkakataon doon dahil kailangan nga ng Lakers ng ilang fresh legs sa likod nina LeBron James at Anthony Davis.
Interesting din na makita kung papaano na si LeBron ay makakatulong sa kaniya pagdating sa kaniyang pagdevelop.
At mukhang mas handa na si LeBron na dalhin ang young gun na si Reddish sa ilalim ng kaniyang wing, at panigurado, marami talagang matututunan itong si Reddish sa isa sa best na nakagawa nito, si LeBron James.
Comments
Post a Comment