Lebron James may mensahe para sa darating na 2023-24 season at Stephen Curry nagtapat patungkol sa relasyon niya kay LeBron James.



Una na nating pag-usapan ang patungkol dito kay Stephen Curry, mga KaDribol.

Wala na ngang pagtatalo pa na sina Stephen Curry at LeBron James ay ang dalawang greatest talents sa kanilang henerasyon.

Ang kanilang resume ang magsasabi nito sa atin, ang walong kampeonato sa pagitan nila sa nakalipas na na dekada, kaya walang duda na silang dalawa ay dinomina ang liga sa mga nagdaan.


Ilang beses na ring nagkalaban ang dalawang ito sa loob ng court.

Ilang beses na ring nakaharap ni Curry at ng Golden State Warriors si LeBron at ang Miami Heat sa NBA Finals, na isa sa magandang rivalry na napanood natin, mga KaDribol.

Kaya tuloy may mga lumabas na katanungan na, ano kayang klaseng relasyon mayroon ang dalawang ito?


At ngayon nga ay nagsalita na si Curry patungkol dito at binalik-tanaw kung gaano na kalayo ang pinagdaan nila sa mahabang panahon na.

Complex daw ang kanilang relasyon, na nu'ng rookie pa lamang daw siya ay binibigyan siya ng advice ni LeBron kung papaano malalagpasan ang kaniyang mga unang naging struggles na pinagdaan bilang isang player, hanggang sa nakaabot daw siya sa apat na finals appearances na magkakasunod.

Si LeBron daw ay isang mahusay ma tao, mahusay na kaibigan at mahusay na competitor, at minamahal daw niya si LeBron at ginagalang, mga KaDribol.


Kay sarap daw balikan kung saan nagsimula ang lahat, sa Ford Field at sa Sweet Sixteen game.

Marami na ngang naging biyahe ang dalawang ito, at ngayon nga ay masasabi na natin, na hindi na magtatagal pa, na nalalapit na ang panahon, na hindi na natin sila makikita sa loob ng court na magtatagisan ng kanilang kahusayan sa isa't-isa.

At para naman sa sunod nating pag-uusapan, mga KaDribol.


Habang ang Lakers nga ay milagrong nabaliktad ang kanilang season natapos ang trade deadline, walang duda pa rin naman na natapos nila ang kanilang kampanya sa isang disaster.

Ito nga ay matapos na sila ay nakaranas ng nakakahiyang 4-0 sweep laban sa Denver Nuggets sa Western Conference Finals, na ang Lakers nga ay na outclassed ng todo.

At alam ito ni LeBron at hindi siya nagtatago dito.


At nito ngang sabado, naglabas ng isang espesyal na mensahe itong si LeBron para sa kaniyang mga doubters at naysayers kung ano ang magiging kaniyang ika-21 na season sa NBA, mga KaDribol.

Ang link ng original post ay dinetalye ang history ni LeBron magmula nu'ng siya ay bata pa na nagsisimula sa liga.

At sino ba sa atin ang nakaisip na hanggang sa ngayon ay dinodomina pa rin niya ang liga pagkatapos ng 20 years?


Ang dapat nating mapansin dito ay ang kaniyang naging deklarasyon patungkol sa kaniyang legacy.

Na marami na siyang nagawa sa kabuoan ng kaniyang career, na siya nga ay nagkaroon na ng apat na kampeonato, mga KaDribol.

Pero gusto pa niyang magdagdag pa at pagsisikapan raw niya sa abot ng kaniyang makakaya ang makuha ang kaniyang ika-limang kampeonato, gaya nga ng sinabi niya sa kaniyang caption, wala pa raw makapagpapahinto sa kaniya ngayon. 


Kaya ang mga haters ni LeBron ay dapat nang maghanda para sa isa namang vintage season para kay King James, dahil sa puntong ito, wala pang mga senyales na ang 38 years old na si LeBron ay titigil na, kundi siya pa rin daw ay magpapatuloy hangga't kaya pa niya.


Comments

Popular posts from this blog

Ito ang sinabi ni Dell Curry patungkol sa kaniyang anak na si Stephen Curry.

Chris Paul nagbanta na sa mga teams sa NBA kapag siya at si Draymond Green ay nakaharap nila sa laban, at ang bibigyan daw ni Stephen Curry ng championship ring niya kung pwede lang daw, kilalanin natin.

Julius Erving, ipinaliwanag kung bakit hindi nakasama si Stephen Curry sa kaniyang top-10 NBA players of all-time.