LeBron James magpapalit na uli ng jersey number sa Los Angeles Lakers.



LeBron James magpapalit na uli ng jersey number sa Los Angeles Lakers.


Pero bago natin pag-usapan iyan, mga KaDribol, pag-usapan muna natin itong ibinahagi ni Gabe Vincent na mahirap na pinagdaan niya makapasok lamang sa NBA.


Mahirap nga ang pinagdaanan ni Vincent makapasok lang sa NBA, at ang 6-foot-3 point guard na si Vincent ay hindi isang blue-chip recruit sa college at siya rin ay naging undrafted taong 2020.

Binigyan siya ng pagkakataon ng Miami Heat, at malaki talaga ang pasasalamat niya sa Miami, dahil ngayon ay nakakuha siya ng malaki sa Los Angeles Lakers.

In-admit ni Vincent na hindi naging madali ang naging journey niya patungo sa NBA, hindi lang kase na nag-struggle siya sa kolehiyo at sa antas ng paglalaro sa NBA G League, kundi maging sa mga injuries na natamo niya, na naging hadlang sa goal niya na maging isang NBA player.


Pero sa kabila ng lahat ng iyon, mga KaDribol, siya ay nanatiling malakas at matatag at hindi niya hinayaan na ang mga pagsubok at hirap na dinanas niya ay maging hadlang sa kaniyang daraanan.

Kaya naman ngayon ay naabot na niya ang new heights sa Lakers, pero sa una raw ay nagkaroon na siya ng pagdududa nu'ng siya ay nagtamo ng injury sa kolehiyo at sa G League.

Pagdududa sa pagtugis niya sa mahihirap na task o mahirap na goal, na nagkaroon ng mga ups and downs sa pagpapatuloy niya, na sumusubok na magkaroon ng magagandang araw hangga't kaya raw niya at umiwas sa mga pangit na araw hangga't maari.


At bigla ka na lang daw babagsak sa iyong routines, sa mga staff na isinet mo na sa iyong mga habits, at mawawalan ka na lang daw ng motivation na gawin pa iyon, at magsisimula ka na raw na i-down ang iyong sarili.

Pero sa paggising mo raw, maiisip mo raw ang dapat mong gawin, mga KaDribol, at babalik ka sa iyong routine, babalik ka sa iyong pagwo-workout at gagawin ito at gagawin iyon, at kapag umubra iyon, uubra daw talaga iyon, at kapag hindi naman daw, ay gagawin mo pa rin daw ang lahat upang magawa iyon.

Ito nga ay isang perpektong pahayag ng isang player na maraming hirap ang pinagdaanan sa kaniyang journey sa NBA, at salamat sa kaniyang hard work, nalagpasan na niya ang lahat ng iyon, at ngayon nga ay naipakita na niya sa mundo ng basketball, kung ano ang kaya niyang maibigay nu'ng nakaraang season.


At nabigyan nga siya ng reward ng Lakers sa kaniyang pagpupursige ng tatlong taong kontrata na nagkakahalaga ng $33 million, isang malaking halaga na maging siya mismo siguro ay hindi niya naisip na makukuha niya.

At para naman sa pagpapalit na muli ni LeBron James ng kaniyang jersey number sa Lakers, mga KaDribol.

Nagpasya na nga si LeBron na muling ibalik ang kaniyang jersey number sa number 23 bilang pagbibigay pugay sa namayapa nang si Bill Russell.

Ang NBA nga ay iniretiro ang number 6 jersey number ni Bill Russell, pero hinayaan pa muna nila na gamitin ng mga players ang number 6 na gumagamit na niyaon bago pa man ito nairetiro ng liga.


Sinimulan nga ni LeBron ang kaniyang NBA career na suot ang No.23, pagkatapos siya ay lumipat sa No.6 nang siya ay sumapi sa Miami Heat taong 2010, nang ang number ni Jordan ay nairetiro sa South Beach.

Bumalik siya sa No.23 nang siya ay muling nagbalik sa Cleveland Cavaliers taong 2014, mga KaDribol, at ginamit ang number na iyon hanggang 2021, at mula no'n gamit na ni LeBron ang No.6 para sa Lakers.

Ang paliwanag ni LeBron sa paggamit niya ng No.6 ay dahil sa ilang mga kadahilanan, ang isa raw ay dahil sa paborito niya ang No.23, at ang 2 times three daw ay six, at si Bronny James daw ay ipinanganak ng Oct.6 at si Bryce naman daw ay ipinanganak ng June, ang ika-anim na buwan ng taon.


At nito nga lang nagdaang Huwebes, sa kaniyang naging speech sa ESPY, nang tanggapin niya ang award na Best Record-Breaking Performance, ay opisyal na niyang inanunsiyo na siya ay babalik sa Lakers para sa kaniyang ika-dalawamput isang season sa NBA, sa darating na 2023-24 season.


Comments

Popular posts from this blog

Ito ang sinabi ni Dell Curry patungkol sa kaniyang anak na si Stephen Curry.

Chris Paul nagbanta na sa mga teams sa NBA kapag siya at si Draymond Green ay nakaharap nila sa laban, at ang bibigyan daw ni Stephen Curry ng championship ring niya kung pwede lang daw, kilalanin natin.

Julius Erving, ipinaliwanag kung bakit hindi nakasama si Stephen Curry sa kaniyang top-10 NBA players of all-time.