LeBron James, balik gym na, matapos na makauwi na sa kanilang bahay ang kaniyang anak na si Bronny James mula sa hospital, at Enes Freedom, nagpadala ng mensahe kay LeBron patungkol sa naging cardiac arrest ni Bronny.
Una nating pag-usapan ang patungkol kay Enes Freedom, mga KaDribol.
Ang mundo nga ng palakasan ay nagpakita ng kanilang suporta kay Bronny James at sa kaniyang buong pamilya patungkol sa naging nakakatakot na kalagayan ng kaniyang kalusugan.
Maging si Enes Freedom, ang matagal nang kaaway ni LeBron, ay nagpaabot na rin ng mensahe sa pamilyang James patungkol sa pinagdadaanan nila ngayon.
Nang siya ay ma-interview sa Fox News, binigyang linaw niya na, ii-isang tabi muna niya ang mga differences nila ni LeBron at hinihiling niya ang lahat ng ikabubuti para kay Bronny at sa kaniyang pamilya.
Ang kaniya raw kaisipan at mga panalangin ay para kay Broony at sa kaniyang pamilya, bagaman na hindi raw maikakaila na silang dalawa ni LeBron ay may mga fundamental differences, pero pagdating daw sa pamilya, napakahalaga na magdamayan daw sa isa't-isa, mga KaDribol.
Ii -isang tabi raw muna nila ang kanilang mga issues, at nakakahanga raw na makita na ang mundo ng sports ay nagpakita ng pagsuporta kay Bronny.
Matapos nga na ibahagi niya ang kaniyang mensahe para kay LeBron, nagtanong naman siya ng isang katanungan patungkol sa estado ng mga young athletes sa America ngayon.
Ayon sa kaniya, kailangan daw tignan ng mabuti at matagal ang mga rason sa likod ng mga ganoong anomalya.
Ang ganoon daw na sitwasyon at ang ibang malulusog na atleta ay nagmamakaawa raw na nagtatanong ng bakit daw ang healthy, young people ay nagsa-suffer mula sa mga ganitong health malfunctions, mga KaDribol?
Ano raw ba ang nangyayari sa mga nakalipas na ilang taon?
Iyon daw ang mga katanungan palaging nasa kaisipan ni Freedom, at sana lang daw, isang araw ay mahanap na ang dahilan patungkol dito.
Hindi naman nagkamali rito si Freedom, at napaka importante talaga ang mga katanungang binitawan niya.
Sa ngayon, lahat tayo ay nagdarasal at umaasa para sa mabilis na recovery ni Bronny James.
At para maman sa sunod nating pag-uusapan, mga KaDribol.
Nagsagawa nga ng isang workout itong si LeBron na kasama si AJ Dybansta nitong Biyernes.
Ito ay matapos na ma-discharge na sa hospital ang kaniyang anak na si Bronny.
Nu'ng Huwebes nga ng gabi, si LeBron ay naglabas ng kaniyang unang public statement patungkol kay Bronny.
Pinasalamatan niya ang lahat na nagpadala ng kanilang love at prayers, greatful daw siya at ramdam daw nila ang lahat.
Okay naman na raw silang lahat, at sama-sama, ligtas at malusog, at ramdam daw nila ang love ng lahat, mga KaDribol.
Mas marami raw silang sasabihin kapag handa na sila, pero gusto raw niyang sabihin muna sa lahat na napakahalaga raw sa kanila kung gaanong kalaking pagsuporta ang ipinakita ng lahat sa kanilang pamilya.
Naiulat nga na pinostponed ni LeBron ang workout niya kay Dybansta, na naka-schedule nu'ng Huwebes, habang si Bronny ay nasa hospital.
Si Dybansta nga ay isang rising star at potential Klutch client, at ang naging appearance ni LeBron sa workout nila ay senyales lamang na bumuti na ang kondisyon ni Bronny.
At ayon naman sa tatay ni AJ Dybansta na si Ace, ramdam daw niya si LeBron, matapos nga raw kase ng mga pinagdaanan nito ay nagawa pa rin niyang magpakita na may magandang aura ng mukha at nagtrabaho na kasama ang bata, kinilabutan daw siya, mga KaDribol.
Hindi raw alam ni LeBron kung ano pa ang pwedeng mangyari sa kaniyang anak, pero kumuha pa rin siya ng extrang araw at nagpakita at nag-workout.
Ang footage na ito ay ang una natin na nakita na si LeBron ay bumalik na sa paglalaro magbuhat ng magtapos na ang season ng Lakers nu'ng May 17.
Pagkatapos nu'n ay kumalat ang mga balita na baka magretiro na raw siya, subali't ngayon ay ipinaalam na niya na siya ay may intensiyon na maglaro pa rin para sa kaniyang ika-21st NBA season, ito nga ay bago mangyari ang insedente kay Bronny.
Nilaro nga ni LeBron ang kaniyang huling dalawang buwan ng season na may torn rigth foot tendon, na sinabi niya na kinakailangan ng operasyon sa offseason, at sinabi rin niya na hindi niya ipaaalam sa media kung siya ba ay sumailalim na sa procedure, mga KaDribol.
At nu'ng Summer League naman, ang GM ng Lakers na si Rob Pelinka ay in-expressed ang kaniyang pag-asa patungkol sa estado ng mga sakit sa paa nina LeBron at Anthony Davis.
Comments
Post a Comment