Kevin Durant, nagsalita na patungkol sa nangyaring mainit na tagpo sa pagitan nila ni Draymond Green, at ang naging reaksiyon ni Brandin Podziemski sa naging pagwo-workout nina Stephen Curry at Chris Paul, atin ngang pag-usapan.
Una nating pag-usapan ang patungkol dito kay Brandin Podziemski, mga idol.
Wala nga sigurong magkakamali kay Brandin Podziemski na siya ay kulang sa confidence.
Dahil ilang sandali lamang matapos na siya ay mapili bilang pang 19 overall pick sa 2023 NBA Draft, ipinagmalaki niya ang kaniyang potential na pagiging "triple-double guy" sa NBA, sa kabila na hindi pa niya na accomplished ang ganoong statistical feat sa kaniyang dalawang seasons sa kolehiyo.
At dahil sa matatag na pagtitiwala niya sa kaniyang sarili na ngayon nga ay tanda na ng kaniyang laro, hindi ibig sabihin nito na wala na siyang dapat matutunan habang papalapit na ang kampanya ng kaniyang debut.
Gaya na lamang nang makatabi niya sina Stephen Curry at Chris Paul sa isang workout sa Las Vegas sa panahon ng aksyon ng Summer League, ay isang lesson sa training at paghahanda na hindi niya definitely tinake for granted.
Million-dollar experience daw iyon para sa kaniya, dahil sinoman daw ay magbabayad ng anomang halaga ng pera mapanood lang daw ang dalawa sa workout.
Gaya nina Stephen Curry at Chris Paul, si Brandin Podziemski ay nabiyayayan din ng preternatural na pakiramdam at sense sa court bilang isang playmaker na napanood nga natin sa kaniya sa naging run ng Warriors sa Summer League.
Siya nga ay walang duda na isa sa best passer na naglaro sa Las Vegas, na constantly niyang naise-set ang kaniyang mga kakampi para sa open looks, kung iyon man ay galing sa pick-and-roll, o sa pag-push sa transition.
Bagaman ang kaniyang superlative skill last season sa Santa Clara Broncos ay hindi nakita sa kaniya sa panahon ng aksyon sa Summer League.
Na siya ay nagkaroon lamang ng 8-of-32 mula sa tres sa loob ng pitong games, na isang pangit na accuracy na talaga namang nakakabahala dahil sa dami niyang itinira at kaunti lang ang pumasok.
Kinuha pa naman siya ng Golden State bilang ready-made na na marksman.
Pero mukhang kailangan pa niyang pabilisin pa ang kaniyang pagbitaw ng tira at mag-adjust pa sa arko ng NBA bago siya mabuhay sa mga expectation niya.
Maging ito man ay gawin niya sa mga minutong makukuha niya sa 82 games o sa buong developmental mode sa G League,
Walang duda na ito ay tatrabahuhin niya upang siya ay mag-improve, upang makasunod siya sa pangunguna nina Curry at Paul sa twiglight ng kanilang legendary careers.
At para naman sa sunod nating pag-uusapan, mga idol.
Wala sigurong makikipagtalo pa sa atin na ang pagkadagdag ni Kevin Durant sa Warriors ay ang nagpatatag ng lubos sa isang lineup sa kasaysayan ng NBA.
At ang dalawang kampeonato na nakuha nila ang nagpapatunay nito.
Pero gaya nga ng sinasabi ng karamihan, "all good things must come to an end."
Dahil ang naging pamamalagi lamang ni Durant sa Warriors ay tumagal lamang ng tatlong seasons.
At hindi rin maikakalila na malaki ang ginampanan ni Draymond Green upang si Durant ay lumipat na ng ibang team, at nakipag-team up nga siya kay Kyrie Irving sa Brooklyn Nets.
Sa recent episode nina Stephen Jackson at Matt Barnes sa All the Smoke podcast, si Durant na ngayon ay nasa Phoenix Suns na, ay nag-open up na ng patungkol sa naging pangyayari sa kanila ni Draymond Green, na iyon daw ay nagkaroon ng malaking epekto upang siya ay makapagpasya na lisanin na ang Warriors.
Para sa context, nakita natin na sina Green at Durant na nagsisigawan sa isa't-isa sa may bench sa kalagitnaaan ng kanilang laban, matapos na makita ni KD ang mainit na reaksiyon ni Green nang tumangging ipasa ang bola sa paubos na na segundo ng kanilang game laban sa Los Angeles Clippers.
At ngayon nga ay inamin na ni Durant na ang pagtatalo nilang iyon ang naging turning point para sa kaniya.
Na confused daw siya sa puntong iyon dahil hindi naman daw ginagawa iyon ni Green sa kaniya, at lahat daw ng nasa bench ay na confused din.
At para sabihin daw ni Green ang mga bagay na iyon sa kaniya, iyon na raw ang nagdala sa kaniya upang makapag-isip-isip na.
Kaya naman, sinimulan na raw niyang ihiwalay ang sarili niya sa kanila, matapos na maramdaman daw niya na walang sinoman ang gustong pag-usapan ang bagay na iyon.
Para raw sa kaniya, pwede naman na nilang palagpasin iyon, pero dapat daw ay pinag-usapan pa rin iyon.
Bagaman hindi naman eksaktong tinukoy ni Durant na ang pagtatalo nilang iyon ang naging dahilan ng kaniyang pagpapasya na lisanin na ang Warriors, malinaw naman na malaki ang naging impact no'n sa kaniyang mindset.
At mukhang tinukoy din niya sa mga sinabi niyang ito na may kasalanan din ang Warriors at buong grupo nito, na hindi nga nila nahawakan ng tama ang patungkol sa bagay na iyon.
Kaya naman mapapaisip na lang tayo, ano kaya ang magyayari pa sana sa Warriors kung itong sina KD at Draymond ay hindi nagkainitan?
Comments
Post a Comment