Kevin Durant ini-reaveal kung ano ang susi upang manalo ng kampeonato.
Kevin Durant ini-reaveal kung ano ang susi upang manalo ng kampeonato.
Pero bago natin pag-usapan iyan, mga KaTop Sports, pag-usapan muna natin itong espesyal na napagwagian ni Jamal Murray na ESPYs award, matapos ang isang magical season sa Denver Nuggets.
Isang understatement nga na sabihin na ang naging season ni Murray sa Nuggets ay magical, dahil matapos na ma-missed niya ang kabuoan ng season ng 2021-22 dahil sa pagpapagaling niya mula sa ACL injury.
Siya ay nagbalik na may paghihiganti, at siya ay nagkaroon ng isa sa best individual seasons habang tinulungan na pangunahan ang Nuggets sa kampeonato.
Nagawa nga niyang patatagin ang kaniyang sarili bilang isa sa best players ng liga at ngayon nga ay nagkaroon pa siya ng maraming accolades na maidadagdag sa kaniyang resume.
Sa ginanap ng ESPYs nitong Huwebes, mga KaTop Sports, siya ay nabigyan ng award na Best Comeback Athlete Award.
Ang angkop na pagtatapos ng taon para sa isang player na nagpamalas ng walang senyales ng anomang palatandaan ng epekto mula sa kaniyang ACL injury.
Napagwagian nga ni Murray ang award ng ESPYs na Best Comeback Athlete, pero sa pagtanggap niya ng nasabing award ay in-acknowledge niya ang isa pang karapat-dapat sa recipient ng nasabing award.
Nagbigay siya ng kaunting humor ng banggitin niya ang MMA fighter na si Jon Jones na nagawa ring makabalik sa ring matapos na magpahinga ng tatlong taon.
Gayun pa man, mga KaTop Sports, deserve naman talaga ni Murray na maging recipient ng nasabing parangal.
Nito lang nakalipas na season, siya ay nag-averaged ng 20.0 points per game, 4.0 rebounds, 6.2 assists at 1.0 steals, na may 45.4 percent shooting sa field, 39.8 percent shooting sa tres at 83.3 percent shooting sa free throw line.
Sa playoffs, nag-elevate ang kaniyang game sa 26.1 points, 5.7 rebounds, 7.1 assists at 1.5 steals, na may 47.3 percent shooting sa field, 39.6 percent shooting sa tres at 92.6 shooting naman sa free throw line.
Ang Nuggets nga ay dedepensahan ang kanilang titulo sa susunod na season at panigurado na si Murray ay magiging isang malaking parte ng paggawa nila niyaon.
At para naman sa ini-reveal ni Kevin Durant na susi raw upang manalo ng kampeonato, mga KaTop Sports.
Sabi nga ang depensa raw ang nagpapanalo sa kampeonato, pero ang superstar forward ng Phoenix Suns na si Kevin Durant ay may ibang paniniwala na galing sa ibang basketball school, dahil para sa former MVP, ang opensa raw ang nasa ibabaw ng lahat.
Siya ay nagreact sa isang comment na mula sa isang fan sa Twitter na nagsabi na, bagaman daw na ang opensa ang nagpapa-thrill sa tao, ang depensa naman daw ang nagdadala sa isang koponann sa kampeonato, at sinagot naman ito ni Durant ng kaniyang diplomatical expression na "Offense wins u championship brother."
Ito nga ay isang topic na kaytagal nang pinagdedebatehan magbuhat pa na mag-exist ang game, pero sa katapusan nga ng araw, ang team na may mas maraming points ang nananalo sa anomang game ng basketball.
Nagsasalita rin siguro dito si Durant base na rin sa kaniyang naranasan, mga KaTop Sports, dahil ang dalawang kampeonato na napagwagian niya taong 2017 at 2018 ay dahil sa napakagandang opensa na ipinamalas ng Golden State Warriors, na doon nga ay nakasama niya sina Stephen Curry at Klay Thompson.
Isang terrific na player itong si Durant sa magkabilang dulo ng court, pero ang kaniyang abilidad na makabuslo saan mang pwesto sa floor ay talaga naman palagi at laging nag-iistand out.
Siya ay talaga namang sandata pagdating sa opensa na nagpapahirap ng tunay sa depensa ng kahit na sinoman na kaniyang makaharap sa laban, at sa katapustapusan, siya ay magtatapos na isa sa pinakamagaling na nakagawa nito.
Sa nakaraang season, siya ay nag-averaged ng 29.1 points, 6.7 rebounds, 5.0 assists, 0.7 steals at 1.4 blocks per game para sa Brooklyn Nets at sa Suns, na may 56.0 percent shooting sa field at 40.3 percent shooting naman mula sa tres, at nakapag-post din siya ng defensive rating na 113.
Comments
Post a Comment