Katotohanan sa likod ng trade interest kay Tyler Herro patungkol sa trade talks kay Damian Lillard.



Katotohanan sa likod ng trade interest kay Tyler Herro patungkol sa trade talks kay Damian Lillard.


Pero bago natin pag-usapan iyan, mga KaTop Sports, pag-usapan muna natin itong ibinahagi ni Gabe Vincent na hindi raw niya makakalimutang isang pangyayari patungkol kay Udonis Haslem.


Si Vincent nga ay nasa Los Angeles Lakers na ngayon, matapos na siya ay pumirma ng tatlong taong kontrata na nagkakahalaga ng $33 million, pagkatapos na siya ay gumugol ng apat na successful seasons sa Miami Heat.

Panalong-panalo dito si Vincent dahil pumasok siya sa liga na isa lamang undrafted na free agent, na siya ay agad din namang nakakuha ng pagrespeto na galing sa isang beterano, na matagal nang nasa Miami na si Haslem, nu'ng siya ay nasa Heat pa.

Natapos na nga ni Haslem ang kaniyang ika-dalawampu at final year ng kaniyang career, isang career na sinimulan niya bilang isa ring undrafted free agent.


Siya ang naging heart and soul ng Heat sa naging mahabang panahon niya sa kanilang koponan, mga KaTop Sports, at kahit na ba na hindi na siya masyadong naglaro sa pagtatapos ng kaniyang career, nakakahanap pa rin naman siya ng paraan upang makagawa ng impact sa kanila.

At ito nga ang ibinahagi ni Vincent kamakailan, nang ikwento niya ang isa sa naging paborito niyang pangyayari na nasaksihan niya na ginawa ni Haslem.

Si Haslem nga ay naging player-coach sa Heat sa loob ng ilang natitirang mga taon ng kaniyang career, at kapag siya ay nagsalita, nakikinig sa kaniya ang mga kakampi niya.


Kilala din siya bilang isang mainiting kakampi o coach sa bench kapag ang kanilang koponan ay hindi naglalaro ng maayos, at isa nga ito sa nakatulong sa kanila, sa mga naging laro nila no'n sa 2020 NBA Finals.

Ang mga ganoong pangyayari ay natural na lamang kay Haslem, mga KaTop Sports, pero iyon naman ay isang bagay na hindi makakalimutan ni Vincent, na sa mga panahong iyon ay isang rookie pa lamang.

At ngayon nga na wala na si Haslem sa Miami, kailangan nilang makahanap ng kapalit niya sa pagiging beterano na tumutulong sa kanila upang malagpasan ang mabibigat na sitwasyon.


At para naman kay Vincent, dadalhin niya ang lahat ng mga natutunan niya kay Haslem sa Lakers, at susubukan na sa Los Angeles ay makapag-uwi na siya ng singsing ng pagtatagumpay.

At para naman sa katotohanang nasa likod ng trade interest kay Tyler Herro patungkol sa trade talks kay Damian Lillard, mga KaTop Sports.

Nasa headline na nga palagi itong si Herro, at ito ay dahil sa kagustuhan ng Miami na makuha si Damian Lillard sa Portland Trail Blazers.


Inio-offer nga ng Heat itong si Herro bilang main trade chip para kay Lillard, pero hanggang sa ngayon nga ay tumatanggi pa rin ang Blazers, dahil gusto nila na makakuha ng higit kaysa sa iniaalok sa kanila ng Miami.

At dahil sa ipinipilit ng Heat na ipasok sa mga trade talks itong si Herro para kay Lillard, ang ilang mga fans nga ay nagsimula nang mag-assume, na para bagang si Herro ay isang walang halagang player na kay dali lamang na ipamigay at palitan.

Pero kung titignan natin, mga KaTop Sports, ang kaisipang gayon ay kabaligtaran, dahil para i-offer ng Heat si Herro para sa isang franchise player na kagaya ni Lillard ay patunay lamang kung gaano siya kahalaga bilang isang player.


At si Herro ay nai-offer pa lamang ng Heat sa mga trade talks sa dalawang players, at ito nga ay kina Damian Lillard at Kevin Durant, ang dalawang best players sa game ngayon at dalawang players na kabilang sa top 75 of all-time.

Pinatutunayan lamang dito ng Heat na si Herro ay better perspective, na siya ang pinakamahalagang young player na meron sila ngayon sa kanilang koponan.

Bagaman wala pa siya sa antas ng paglalaro nina Lillard at Durant, pero napatunayan naman na niya na siya ay makagagawa ng impact sa isang nananalong koponan.


At gaya nga ng nasabi ko na, mga KaTop Sports, hindi pa rin natin masabi kung matutuloy na nga ang trade kay Lillard na kabilang si Herro sa trade package, pero wala naman sigurong magiging regrets ang Miami kung sakaling mawala na sa kanila si Herro, o kung manatili pa rin siya sa kanila, kung hindi man matuloy ang trade.


Comments

Popular posts from this blog

Ito ang sinabi ni Dell Curry patungkol sa kaniyang anak na si Stephen Curry.

Chris Paul nagbanta na sa mga teams sa NBA kapag siya at si Draymond Green ay nakaharap nila sa laban, at ang bibigyan daw ni Stephen Curry ng championship ring niya kung pwede lang daw, kilalanin natin.

Julius Erving, ipinaliwanag kung bakit hindi nakasama si Stephen Curry sa kaniyang top-10 NBA players of all-time.