Julius Erving, hindi isinama si LeBron James sa listahan niya ng 10 greatest NBA player of all-time, at LeBron James, ibinahagi ang isang video ni Bronny James matapos ang nangyaring cardiac arrest sa kaniya.
Una nating pag-usapan ang patungkol dito sa videong ibinahagi ni LeBron James, mga KaDribol.
Ipinost nga ni LeBron ang video ni Bronny na tumutugtog siya ng piano, isang araw matapos na siya ay mag-suffer ng cardiac arrest habang nagpa-practice ng basketball.
"Man of many talents," iyan ang sinabi ni LeBron sa video.
Inanunsiyo nga nu'ng Biyernes na si Bronny ay nai-released na mula sa Cedras-Sinai Medical Center sa Los Angeles, tatlong araw matapos na siya ay ma-cardiac arrest nu'ng Martes sa pagpa-practice niya sa USC basketball.
Salamat sa swift at effective response ng USC athletic's medical staff, at si Bronny ay successful na nagamot sa isang cardiac arrest, mga KaDribol.
Dumating siya sa hospital na fully conscious, neurologically intact at stable.
Siya ay inalagaan ng highly-trained staff at na-discharged na nga pauwi sa kanilang bahay, na ngayon, siya ay nagpapahinga.
Si Bronny nga ay nag-commit sa USC basketball nu'ng May, at siya ay rated bilang consensus five-star prospect ng 247Sports Composite.
Hindi pa nga masabi pa sa ngayon kung kailan siya makakabalik na uli sa paglalaro ng basketball.
At para sa sunod nating pag-uusapan, mga KaDribol.
Matagal na ngang outspoken sa kaniyang NBA commentary itong si Julius Erving, na ibinigay ang kaniyang palagay sa estado ng liga nito lang nakalipas na mga araw, na siya raw ay dismayado patungkol sa ikinikilos ng mga players na gaya nina Damian Lillard at Bradley Beal sa paghiling nila na umalis na sa kani-kanilang respective franchises.
At isa nga sa maiisip natin na ito ang naging dahilan sa pag-rank niya ng 10 greatest NBA players of all-time, na kataka-taka nga na wala si LeBron James sa kaniyang listahan.
Sa isang player nga na gaya ni LeBron na marami ang naniniwala na kahit papaano ay nasa conversation siya para sa greatest player of all-time, kapansin-pansin nga na hindi ikinonsider ni Erving si LeBron na isa sa 10 greatest players.
Sina Michael Jordan, Wilt Chamberlain, Bill Russell, Kareem Abdul-Jabbar, at si Magic Johnson ay palaging pasok sa listahan ng 10 greatest players of all-time,
At iyon nga ang ginawa ni Erving, mga KaDribol.
Pero may mga pangalan siyang isinama na talaga namang kapansin-pansin.
Ang isa na nga rito ay ang point guard na si Tiny Archibald.
Bagaman na si Archibald ay isang Hall of Fame inductee, na nagkaroon ng best season sa season ng 1972-73, kung saan siya ay nag-averaged ng 34.0 points at 11.4 assists per game para sa Kansas City-Omaha Kings,
Siya ay may mas kakaunting All-Star selection kaysa kay LeBron, 13 All-Star selection lamang, at kakaunti lang din ang kaniyang naging kampeonato kaysa kay LeBron, isa lamang, at wala rin siyang nakuha na regular season MVP awards.
Pero ipinaliwanag naman ni Doctor J kung bakit na ang kagaya ni LeBron ay wala sa kaniyang listahan, ito raw ay dahil sa ang lahat ng pangalang isinama niya sa kaniyang listahan ay natapos na ang kanilang mga careers, mga KaDribol.
At sa puntong ito, ang mundo ng NBA ay may maraming paggalang naman kina Archibald, Oscar Robertson, Jerry West at Elgin Baylor.
At asahan na natin na sa paglipas pa ng ilang mga taon, babaguhin na ni Dr.J ang kaniyang listahan.
Comments
Post a Comment