Jimmy Butler ipinahiya ang naka 1-on-1 niya sa China at ginaya ang celebration ni Damian Lillard .



Jimmy Butler ipinahiya ang naka 1-on-1 niya sa China at ginaya ang celebration ni Damian Lillard .


Pero bago natin pag-usapan iyan, mga KaTop Sports, pag-usapan muna natin itong nangyaring pagtama ng sapatos na inihagis ng isang fan sa mukha ni Jimmy Butler sa China.


Ginugugol nga ngayon ni Butler ang ilang parte ng kaniyang offseason sa China sa isang promotional tour, at natural lang na ang mga crowds ay palaging nandoon upang makita siya saan man siya magpunta.

Pero nitong Huwebes, ang six-time All-Star ay nakaramadam ng galit ng mga Chinese supporters matapos na siya ay tamaan ng sapatos na ibinato sa kaniya.

Masaya si Butler na pumipirma ng autographs nang biglang may sapatos na tumama sa kaniyang ulo na inihagis galing sa crowd.


Siya nga ay nasa Taiyuan, China at ipino-promote ang isang Chineses sportswear brand na Li-Ning, na kaniya ring shoe sponsor.

Ang hindi niya alam, ang mismong signature shoe niya pala ay tatama sa ulo niya, pero mukhang hindi naman masakit ang pagkakatama ng sapatos sa kaniya.

Mukhang hindi naman galing sa malayo ang inihagis na sapatos, kaya ang impact nito ay hindi naman ganoon kalakas.


Pero ikinagulat pa rin naman iyon ni Butler, at maging ang kaniyang mga security sa stage ay mabilis na nag-react sa insidente.

Good sport naman itong si Jimmy, mga KaTop Sports, at nakita naman siya na natawa na lamang pagkatapos ng nangyaring pagtama ng sapatos sa kaniyang mukha.

Kapag natapos na ang kaniyang tour sa China, siya ay magbabalik na sa United States para sa mas kailangan na R&R.


Dalawang buwan pa nga bago ang opisyal na pagbubukas ng training camp, pero panigurado na si Butler ay magbabalik na sa gym at sa court ng mas maaga.

At para naman sa paggaya ni Butler sa celebration ni Lillard matapos na ipahiya niya ang naka 1-on-1 niya sa China, mga KaTop Sports.

Nagkakaroon nga ng masasayang sandali itong si Butler sa kaniyang promotional tour sa China.


Kabilang na nga dito 'yung pinag-usapan natin kanina na pagtama ng sapatos sa kaniyang ulo na inihagis sa kaniya ng isang tagahanga.

Naglaro din siya ng 1-on-1 at talaga namang ipinahiya niya ang kaniyang nakalaban nang idinrible nito ang bola sa ulo ng kaniyang kalaban, at pinatamaan din niya ng ilang Damian Lillard signiture celebrations ang kaniyang nakalaban matapos niyang maibulso ang wide-open jumper.

At para sa mga nakalimot na, mga KaTop Sports, iyon ay galing sa iconic reaction ni Lillard sa kaniyang series-clinching game-winner laban kay Paul George at sa Oklahoma City Thunder nu'ng 2019 NBA Playoffs.


At naging trade mark na nga iyon ni Lillard mula no'n, na tinawag na Dame Time celebration, at sa paggaya ni Butler sa celebration na iyon, mukhang may ipinararating siya na mensahe para sa lahat.

Dahil alam naman na natin na gusto ni Lillard na mapunta sa Miami Heat, matapos na mag-request na siya ng isang trade sa Portland Trail Blazers.

At mukhang naka-locked in na naman ang magkabilang panig para sa negosasyon upang mangyari na nga ang isang deal.


At para sa parte ni Butler, mga KaTop Sports, mukhang alam na niya na kaunting oras na lang ang hinihintay bago mangyari na nga ang inaasam-asam nila na paglipat sa kanila ni Lillard.


Comments

Popular posts from this blog

Ito ang sinabi ni Dell Curry patungkol sa kaniyang anak na si Stephen Curry.

Chris Paul nagbanta na sa mga teams sa NBA kapag siya at si Draymond Green ay nakaharap nila sa laban, at ang bibigyan daw ni Stephen Curry ng championship ring niya kung pwede lang daw, kilalanin natin.

Julius Erving, ipinaliwanag kung bakit hindi nakasama si Stephen Curry sa kaniyang top-10 NBA players of all-time.