Jeanie Buss nagbigay ng update patungkol sa contract extension ni Anthony Davis.
Sa isang interview na na-published nitong Sabado, ang governor ng Los Angeles Lakers na si Jeanie Buss ay in-addressed ang isang plethora topics, kabilang ang upcoming contract extension talks kay Anthony Davis, mga KaDribol.
Ang 30-year old na si Davis ay eligible na na pumirma ng three-year max extension sa Aug.4, worth $167.6 million.
At ayon kay Buss, sinabi na raw ni Rob Pelinka ang the best para sa kanila, at iyon ay ang intention nila na, gusto nilang panatilihin ang pagpapatuloy ng kanilang koponan na meron sila ngayon, kaya't hahayaan din daw niya na ganoon.
Maaring hindi rin kaya ni Buss na ipaliwanag ang patungkol kay Davis pagdating sa CBA, o kaya ay hindi pa masyadong malinaw sa kaniya ang diskarte nila sa negosasyon.
Kung pagbabasehan natin ang bawa't larong inilaro na ni Davis, walang pagtatalo na ang best season niya sa kaniyang 11 years ng kaniyang career ay nitong last season, kung saan siya ay nag-averaged ng 25.9 points, 12.5 rebounds at 2.0 blocks per game, na may 56.3 percent shooting sa field, mga KaDribol.
Si Davis nga ay hindi pa nakapaglaro sa Lakers ng higit sa 62 games sa isang season, at last season nga ay hindi niya nailaro ang 26 games para sa Lakers.
Pero ang kaniyang depensa at ang kaniyang katalinuhan sa opensa sa playoffs ay ang nagdala sa Lakers na makaabot sa Western Conference Finals.
Last season, siya ay sumahod sa Lakers ng halagang $40.6 million, at ngayon nga, sa pagpasok ng 2023-24 season, siya ay may player option na nagkakahalaga naman ng $43.2 million.
Ang isang max extension ay magdadala sa kaniya ng total value sa kaniyang deal sa halagang $251.4 million sa loob ng limang taon, at sa unang pagkakataon, ay magkakaroon siya ng kontrata na higit sa kasalukuyang deal ni LeBron James, si LeBron na may player option para sa season ng 2024-25, mga KaDribol.
Ang Lakers nga ay pwedeng mag-offer kay Davis ng mababa sa max contract o kaya ay isang incentive-laden contract base sa availability, bagaman na kilala itong si Rich Paul na hindi niya hinihikayat ang kaniyang mga kleyente na mag-iwan ng anomang bagay sa mesa, lalo na kung may potential naman sila sa free agency.
Narito naman ang pahayag ni Dave McMenamin ng ESPN patungkol diyan.
Si Anthony Davis daw, sa pag-estimate ni Rob Pelinka, ay isang player na nairepresenta ang Lakers ng maganda, at gusto daw ni Pelinka na magpatuloy ang Lakers na nasa kanila si Davis.
At hindi raw siya nag-aalala kung papaanon lalaruin ang mga bagay, kung ito man daw ay umabot sa max amount ng taon o max amount ng pera, hindi pa raw niya masabi, at ito raw ay pag-uusapan nila nina Rich Paul, at Jeanie Buss, mga KaDribol.
Inaasahan na raw na magkakaroon na ng agreement, dahil kapag wala raw nai-offer na extension, ano raw ba ang mangyayari?
Makakapag-apply lang sila ng pressure sa kabilang panig at magsasabi ito na gusto na nilang umalis, kaya naman, confident daw itong si McMenamin na sa training camp ay magkakaroon na si Davis ng extended deal.
Si Davis nga ay hindi pa nagsalita patungkol sa kalagayan ng kaniyang kontrata sa ngayon.
At ang Lakers nga ay nag-aattempt na manatiling championship contender na kasama si LeBron habang naghahanda para sa kanilang future, mga KaDribol.
Sina Pelinka nga at Darvim Ham ay pauli-ulit nang sinabi ang patungkol sa pagpapatuloy ng kanilang koponan magbuhat pa nu'ng trade deadline at ang intention nila na panatilihin ang kanilang young core na intact.
Napapirma nga nilang muli sina D'Angelo Russell, Rui Hachimura at Austin Reaves mula sa free agency at sa kasalukuyan ay wala sa kanilang roster ang lagpas sa edad na 30 maliban lamang kina LeBron at Davis.
Comments
Post a Comment