Jaime Jaquez Jr. nagsalita na patungkol sa pagkakasangkot ng kaniyang pangalan para sa trade kay Damian Lillard, Victor Wembanyama pinatahimik ang mga haters sa kaniyang double-double performance sa ikalawang game niya sa Summer League, at GM ng Brooklyn Nets na si Sean Marks hiniling ang mas lalong makakabuti para kay Kyrie Irving.



Jaime Jaquez Jr. nagsalita na patungkol sa pagkakasangkot ng kaniyang pangalan para sa trade kay Damian Lillard, Victor Wembanyama pinatahimik ang mga haters sa kaniyang double-double performance sa ikalawang game niya sa Summer League, at GM ng Brooklyn Nets na si Sean Marks hiniling ang mas lalong makakabuti para kay Kyrie Irving.


Unahin na nating pag-usapan ang patungkol dito sa hiniling ni Sean Marks na mas makakabuti para kay Kyrie Irving, mga KaTop Sports.

Natapos na nga ang stint ni Kyrie Irving sa Brooklyn Nets matapos na siya ay nai-trade na sa Dallas Mavericks, pagkatapos din ng mabuwag na ang trio nila nina James Harden at Kevin Durant.

At ang lahat ng pangyayaring ito ay naging masakit daw para sa GM ng Nets na si Sean Marks, subali't hinihiling pa rin niya ang mas lalong makakabuti para kay Irving ngayon na nasa Mavs na siya.


Ngayon ang Brooklyn ay nasa full rebuilding mode na matapos na ang kanilang Big 3 ay umalis na sa kanila, mga KaTop Sports, at ngayon nga ay bumubuo sila ng panibagong grupo sa paligid nina Mikal Bridges at Cam Johnson.

Nagkaroon nga ng mainit na pagsisimula itong si Irving sa Dallas, subali't siya at si Luka Doncic ay kinapos na magawang makapasok sa playoffs, at kahit man lamang sana sa Play-In tournament ay hindi rin nila nagawa.

Si Irving nga ay nakakuha ng tatlong taong kontrata sa Mavs na pinaniniwalaan na nga ng nakakarami na sa Dallas na siya mag-iistay ng matagal, at umaasa nga ngayon ang mga fans ng Mavs na mas magagawa na nila ng tama ni Doncic ang naiwan nilang pagkakamali sa nakaraang season.


At patungkol naman sa pagpapatahimik ni Victor Wembanyama sa kaniyang mga haters, mga KaTop Sports.

Pinatahimik nga ni Wembanyama ang mga haters matapos na nagpamalas na siya ng magandang paglalaro sa kaniyang ikalawang game sa Summer League, kung saan siya ay nagpamalas ng double-double performance, 27 points at 12 rebounds 

Bumawi talaga siya sa naging pangit niyang paglalaro laban sa Charlotte Hornets sa kaniyang unang game, at ipinamalas na niya kung ano ang kaya niyang maibigay laban naman sa Portland Trail Blazers.


Bagaman natalo sila ng Blazers sa score na 85-80, mga KaTop Sports, napasaya naman ni Wembanyama ang mga fans ng Spurs nang maipakita na nga niya ang inaabangan ng mga fans na gusto nilang mapanood sa kaniya.

Nahirapan nga ang Blazers na mapigilan siya, kaya naman siya ay nakapagtapos na may 27 points, at naging effecient din ang kaniyang shooting, 9-for-14 shooting siya mula sa field, na may 12 rebounds at 3 blocks pang kasama, sa loob ng 27 minutes niyang paglalaro.

At ang isang nakakapagpa-excite sa mga fans ng Spurs ay ang katotohanan na si Wembanyama ay nagsisimula pa lamang at marami pa tayong makikita sa kaniyang pagpapatuloy, at mukhang nakakuha nga talaga ang San Antonio ng isang special na player.


At patungkol naman kay Jaime Jaquez Jr. na nasasangkot ngayon sa trade rumors kay Damian Lillard, mga KaTop Sports.

Gusto nga ni Damian Lillard na mapunta sa Miami Heat at ngayon nga ay napapasama na ang pangalan ni Jaquez Jr. sa trade rumors patungkol sa kaniya, at nagsalita na nga si Jaquez patungkol dito.

Aniya, parte raw iyon ng kanilang trabaho at business daw talaga ang NBA, nangyayari ng mabilis ang mga bagay-bagay, subali't mananatili raw siyang positibo at ang focus daw niya ay nasa Miami Heat.


Si Jaquez Jr. nga ngayon ay naglalaro sa Summer League para sa koponan ng Maimi Heat, mga KaTop Sports, at may potensiyal talaga siya na maging isang mahalagang player sa NBA, kung ito man ay sa koponan ng Miami o sa koponan ng Portland, dahil sa nai-involve nga siya ngayon para sa trade kay Lillard.

Sa ngayon hindi pa nga alam kung maiti-trade pa sa Heat itong si Lillard dahil hanggang ngayon ay bukas pa rin ang Blazers para sa ibang koponan, kung ano ang mai-ooffer nila para sa isang potensiyal na trade kay Lillard.


Subali't ginagawa naman ng kampo ni Lillard ang lahat nilang makakaya upang mapunta lamang siya sa Miami, na humantong na nga sa pagsasabi nila na hindi raw magiging masaya itong si Lillard kung sa ibang team siya mapupunta.


Comments

Popular posts from this blog

Ito ang sinabi ni Dell Curry patungkol sa kaniyang anak na si Stephen Curry.

Chris Paul nagbanta na sa mga teams sa NBA kapag siya at si Draymond Green ay nakaharap nila sa laban, at ang bibigyan daw ni Stephen Curry ng championship ring niya kung pwede lang daw, kilalanin natin.

Julius Erving, ipinaliwanag kung bakit hindi nakasama si Stephen Curry sa kaniyang top-10 NBA players of all-time.