Ito raw ang magiging impact nina Dario Saric at Cory Joseph sa Golden State Warriors ayon kay Steve Kerr, at Stephen Curry inalala ang naging Finals rivalry ng Warriors sa Cleveland Cavaliers.
Una na nating pag-usapan ay ang patungkol dito kay Stephen Curry, mga idol.
Kinikilala nga si Curry na one of the best players sa henerasyon na ito.
At ang kaniyang rivalry sa Cleveland Cavaliers at kay LeBron James, na walang pagtatalo na best-player-ever sa NBA ay mabababa sa kasaysayan.
Silang dalawa ay nagkatapat na sa NBA Finals ng apat na magkasunod na beses na.
Nanalo ang Warriors ng tatlo sa paghaharap nilang iyon, habang ang Cavs naman ay naging unang team na nakabalik mula sa 3-1 deficit, at naipagwagi ang 2016 championship ring.
Sa naging panayam kay Curry ng Sports Illustrated, inalala nga niya ang incredible na paghaharap nilang iyon sa Finals.
Mahirap na raw makahanap pa ngayon ng dalawang teams na maglalaban ng apat na magkakasunod na taon sa Finals dahil sa landscape na ng NBA ngayon, at mababa raw iyon sa kasaysayan bilang apat na amazing years.
Sina Curry nga at LeBron ay may tig-apat na na kampeonato.
At sa pagtatapos ng kanilang mga careers, sila ay paniguradong magiging dalawa sa sampung best players na naglaro sa NBA.
Sa nakaraang season, silang dalawa ay nagkaharap sa Western Conference semifinals.
Si Curry at ang Warriors ay natalo kay LeBron at sa Los Angeles Lakers sa anim na games.
At ang nakakamangha dito, silang dalawa ay patuloy pa rin na lumalaban para sa kampeonato.
Si Curry at ang Warriros ay nagkampeon taong 2022, kung saan natanggap din ni Curry ang kaniyang unang Finals MVP award.
Si LeBron at ang Lakers naman ay nagkampeon taong 2020 at sila ang isang team na dapat nating abangan sa darating na bagong season matapos na ma-improved na nila ang kanilang roster.
Si Curry ay 35 years old na at si LeBron naman ay 38 na, kaya dapat ay na a-appreciate na natin ang kanilang mga kahusayan habang sila ay naglalaro pa.
At ang kanilang NBA Finals matchups ay talaga namang isa sa napakagandang napanood natin at posible pa rin na magkaharap silang muli sa playoffs ngayong taon.
At para naman sa sunod nating pag-uusapan, mga idol.
Kilala nga ang Warriors sa kanilang star power.
Subali't sa mga panahon ng kanilang dynasty, sila ay umasa din naman sa mahalagang lalim ng kanilang mga players.
At hindi nga magbabago iyon sa paparating na 2023-24 season, na ang kanilang team ay nagdagdag ng mga players na gaya nina Dario Saric at Cory Joseph sa kanilang roster.
At ang head coach ng Warriorrs na si Steve Kerr ay nagkomento sa potensiyal na magiging impact sa kanilang team nina Saric at Joseph.
Kailangan daw nila ang gaya nina Saric at Joseph na dumaan na sa maraming paghihirap sa NBA at nauunawaan kung ano ang ibig sabihin ng pagiging leader mula sa gitna ng roster at nalalaman din kung gaano ito kahalaga.
Na recognized daw ni Mike Dunleavy na iyon daw ang area na kinakailangan nila ng tulong, kaya lumabas daw siya na walang masyadong resources at pinagtibay ang kanilang roster, at nilagay sila sa posisyon na ipagpapatuloy na lang nila.
Nang makuha nila si Saric, nakapagdagdag sila ng isang reliable big man na may karanasan na bilang isang beterano.
At si Joseph naman ay makakapagbigay sa Golden State ng extrang lalim sa kanilang roster.
Si Saric ay 29 years old na, at naglaro sa Phoenix Suns at Oklahoma City Thunder last season.
Overall, siya ay nag-averaged ng 6.4 points per game.
At para naman sa kaniyang career, siya ay nag-averaged ng 11.0 points at 5.6 rebounds per contest.
Ang Golden State nga ay hindi na nakahanap pa ng stability sa poste para sa malaking parte ng kanilang mga naging kampanya, at marahil si Saric na ang mag-eemerge bilang susi sa parteng iyon ng kanilang roster sa darating na panibagong season.
Si Joseph naman ay 31 years old na, at isang steady guard na magsisilbing backup para kay Stephen Curry.
Pwede rin siyang maglaro na kasabay si Chris Paul o maging backup nina Curry at Paul, depende kung gagawin ba ng Warriors na starter si Paul o hindi.
Siya ay naglaro sa Detroit Pistons last season at nag-averaged ng 6.9 points at 3.5 assists per game.
At sa kaniyang career, siya ay nag-averaged ng 7.1 points at 3.0 assists per contest.
Silang dalawa ay maglalaro ng mahahalagang role para sa Golden State, na ang Warriors nga ay naka focus na makapanalo muli ng isa pang kampeonato sa darating na kampanya nila sa season ng 2023-24.
Comments
Post a Comment