Ito raw ang dahilan ni Steve Kerr upang si Stephen Curry ay maglaro sa Team USA para sa 2024 Olympics.



Ito raw ang dahilan ni Steve Kerr upang si Stephen Curry ay maglaro sa Team USA para sa 2024 Olympics.


Pero bago natin pag-usapan iyan, mga idol, pag-usapan muna natin itong pag-accept ni Curry sa hamon ni Sabrina Ionescu sa isang three-point contest.


Bilang best shooter sa kasaysayan ng NBA, si Curry ay madalas nakakarinig ng mga paghamon, na gusto nila na subukan ang two-time MVP kung saan siya magaling.

At nito lang, ang kaniyang latest challenger ay medyo mabigat na kalaban, at ito nga ay ang guard ng New York Liberty na si Sabrina Ionescu, na ngayon ay nakapagtala ng most points sa 3-point contest kapuwa sa NBA at sa WNBA.

Kung ito man ay isang biro lamang o totoo, maganda na mapanood ang dalawa na magtagisan ng kahusayan nila sa pagbuslo sa 3-point line.


Si Curry na nakagawa ng most 3-point attempts sa lahat ng mga players sa kasaysayan ng NBA na may 4,008, ay tinatanggap daw ang hamon, mga idol.

Dahil may dahilan na raw siya ngayon upang tumuntong muli sa 3-point contest dahil kailangan daw niyang malagpasan ang record ni Ionescu na 37 points, isang bagay na nagawa ni Ionescu na nagpabilib sa All-Star Weekend at kailangan daw nilang i-settle na kung sino ba sa kanila ang mas better na 3-point competition shooter.

Si Ionescu nga ay nagkaroon ng best season mula sa tres, na siya ay mayroong 44.6 percent shooting sa tres sa kaniyang 7.6 attemps mula doon.


35.6 percent shooter naman siya sa tres sa kaniyang career, mga idol, kaya't ito na ang tamang panahon upang mapabagsak niya si Curry sa isang 3-point contest.

Nagkaroon nga ng incredible journey itong si Ionescu, matapos na umalis siya sa Miramonte High School bilang highly decorated player, kabilang ang pagiging MVP sa McDonald's All-America, at umalis din siya sa University of Oregon bilang NCAA's all-time leader sa triple-doubles.

At matapos nga ang kaniyang standout na collegiate career na nagpakilala sa kaniya bilang best women player, siya ay napili ng Liberty bilang No.1 pick sa ginanap na 2020 NBA draft.


At para naman sa dahilan ni Steve Kerr upang si Stephen Curry ay maglaro sa Team USA para sa 2024 Olympics, mga idol.

May isang basketball accolade pa nga itong si Curry na hindi pa niya napapanalunan, at baka subukan na niya ito sa susunod na taon.

Nang matanong kase siya patungkol sa potensiyal na pagsali niya sa Team USA sa 2024 Olympics, tumanggi siya na ibigay ang deretsong kasagutan.


Pero in-admit naman niya na ang kaniyang head coach na si Steve Kerr ay palagi siyang kinukulit dahil hindi pa nga siya nananalo sa nasabing competition na iyon, na maaring mag-motivate sa kaniya upang sumali na sa national team ng USA at punuan ang spot na iyon sa kaniyang resume.

Nagkaroon naman na siya ng maraming pagkakataon na maging parte ng grupo ng gold-winning Team USA sa Olympics, pero ang timing ay hindi talaga umaayon, mga idol.

Hindi pa nga siya nakapag-participate sa Olympics dati, bagaman siya ay naging parte sa roster ng Team USA na nanalo ng gold sa 2010 at 2014 FIBA World Cup.


Siya rin ay nasa konsiderasyon para sa team sa 2016 patungo sa Rio Olympics, pero nag-withdraw siya dahil sa kaniyang ankle at knee issues.

At gayon din nu'ng 2020 Tokyo Olympics, diniclined din niya na magparticipate upang makapagpahinga at makapag-recover, at si Steve Kerr ay naging parte ng 2020 Team USA bilang assistant coach.

Nakakapanabik talagang abangan ang pagsali ni Curry sa Team USA at gawin na ang kaniyang Olympics debut, mga idol, pero h'wag muna tayong umasa ng malaki hangga't wala pa siyang ibinibigay na final confirmation patungkol sa kaniyang status.


Comments

Popular posts from this blog

Ito ang sinabi ni Dell Curry patungkol sa kaniyang anak na si Stephen Curry.

Chris Paul nagbanta na sa mga teams sa NBA kapag siya at si Draymond Green ay nakaharap nila sa laban, at ang bibigyan daw ni Stephen Curry ng championship ring niya kung pwede lang daw, kilalanin natin.

Julius Erving, ipinaliwanag kung bakit hindi nakasama si Stephen Curry sa kaniyang top-10 NBA players of all-time.