Ito raw ang dahilan kung bakit nawalis ng Denver Nuggets ang Los Angeles Lakers sa NBA Finals ayon kay Bruce Brown.



Ito raw ang dahilan kung bakit nawalis ng Denver Nuggets ang Los Angeles Lakers sa NBA Finals ayon kay Bruce Brown.


Pero bago natin pag-usapan iyan, mga KaDribol, pag-usapan muna natin itong magiging role daw ni Gabe Vincent sa Lakers.


Nu'ng nagbukas na nga ang free agency, nakagawa ang Lakers ng isang nakakagulat na galaw, at ito nga ay nang mapapirma nila si Gabe Vincent.

Matapos ang kaniyang impressive run sa Miami Heat at naging isa sa importanteng parte ng kanilang rotation, ngayon nga ay pumirma siya sa Lakers ng three-year deal worth $33 million.

Marami nga siyang pwedeng maibigay sa loob ng court, at ngayon nga ay napasama na siya sa isang team na nakaabot ng West Finals at nakapagdagdag pa ng mga maasahang players mula sa free agency.


Nang siya ay maging guest sa podcast ng The Old Man & The Three, mga KaDribol, inilahad niya kung ano ang mga mabibigay o magiging role niya sa Lakers.

Inilalaro raw niya ang halos lahat ng role, ganoon daw ang pakiramdam niya, at sa Miami raw ay naglalaro siya ng ilang bilang na mga istilo, transition-wise, role-wise, magiging pareho lang daw ang pag-angkop niya sa kinakailangan ng Lakers upang manalo ng kampeonato.

Marami naman talagang maibibigay itong si Vincent para sa Lakers, na siya nga ay nag-averaged sa Heat ng 9.4 points at 2.5 assists, sa loob ng 25 minutes per contest.


Sa naging laban nga nila sa Denver Nuggets sa Finals, siya ay nagkaroon ng dalawang games kung saan siya ay nakapuntos ng 19 points at higit pa, kabilang ang kaniyang 23 points sa Game 2, pero bigla siyang nanlamig sa mga natitira pa nilang laban sa serye.

Muling napirma din ng Lakers sina Austin Reaves, Rui Hachimura at D'Angelo Russell, mga KaDribol, at naidagdag pa nila sa kanila itong sina Taurean Prince, Cam Reddish, at Jaxson Hayes.

Malamang si Vincent ay maglalaro sa Lakers mula sa bench, pero maari siyang maging major factor para sa kanilang second unit at magiging replacement din siya kung sakaling may ma-injured na player sa kanilang mga starters.


Sa kabuoan, magugustuhan talaga ng mga fans ng Lakers kung ano ang kayang maibigay nitong si Gabe Vincent sa Lakers.

At para naman sa dahilan kung bakit nawalis daw ng Denver Nuggets ang Los Angeles Lakers sa NBA Finals ayon kay Bruce Brown, mga KaDribol.

Tinapos nga agad ng Nuggets ang trabaho nila sa Lakers ng ito ay walisin nila sa Finals.


At isa sa naging star sa seryeng iyon ay itong si Bruce Brown, at ngayon nga ay nagsabi na ang kanilang grupo raw ang mas nangibabaw sa Lakers dahil sa napagod na raw si LeBron James.

Sinabi rin niya kung gaano na ang first half sa Game 4 ay dinominahan ni LeBron, subali't nagbago ang lahat pagdating sa second half.

Matapos kase na umiskor si LeBron ng 30 points sa first half, mga KaDribol, kitang-kita raw na napagod na siya sa second half, kaya't nawalan na raw ng pag-asa ang Lakers sa puntong iyon.


In-emphasize din ni Brown na may mga pinalalagpas na lang daw si LeBron nu'ng second half, kaya't naging malinaw na raw sa kanila that time na sa kanila na nga ang game na iyon, and the rest is history.

Ang sabihin ni Brown na si LeBron ay pagod na ay hindi naman indikasyon na binabanatan niya si LeBron, kundi mas binibigyan niya ng value ang isang LeBron James sa isang team, at kung gaano pa rin siya kaimportante upang manalo ang isang koponan.

Alam kasi nila na kapag napanatili nilang close ang laban habang napipigilan nila si LeBron, mataas talaga ang chance nila na manalo.


At posible rin na nagawa nila iyon sa Finals laban sa Miami Heat, mga KaDribol, subali't natapos nga nila ang seryeng iyon sa limang games, at naiuwi pa rin naman nila ang kampeonato.

Si Brown ay naging malaking parte ng pagkuha ng Nuggets ng kampeonto, at maswerte ngayon ang Lakers at ang iba pang koponan na nasa Western Conference, dahil si Brown ngayon ay lumipat na sa Eastern Conference para sa susunod na season.

Gayun pa man, asahan pa rin natin na ibibigay pa rin niya ang kaniyang A-game kada gabi para sa Indiana Pacers, kagaya ng ginagawa niya buong career niya.


Comments

Popular posts from this blog

Ito ang sinabi ni Dell Curry patungkol sa kaniyang anak na si Stephen Curry.

Chris Paul nagbanta na sa mga teams sa NBA kapag siya at si Draymond Green ay nakaharap nila sa laban, at ang bibigyan daw ni Stephen Curry ng championship ring niya kung pwede lang daw, kilalanin natin.

Julius Erving, ipinaliwanag kung bakit hindi nakasama si Stephen Curry sa kaniyang top-10 NBA players of all-time.