Ito raw ang dahilan kung bakit natakot ang San Antonio Spurs at Houston Rockets na kunin si Austin Reaves.
May ilang handful All-Star talents nga ang na-headline sa free agency ngayong offseason, pero si Austin Reaves, nahanap niya ang kaniyang sarili na isa sa mga better players na naging available.
Siya ay nag-emerge bilang key offensive weapon na ginawa ang lahat ng maliliit na bagay sa magkabilang panig ng sahig upang matulungan ang Los Angeles Lakers na makaabot ng Western Conference Finals,
Kaya naman, inasahan na siya ay makakakuha ng interest mula sa ilang mga teams, na naglagay sa alanganin ng kaniyang potensiyal na pagbabalik sa Lakers.
Kapuwa ang Houston Rockets at San Antonio Spurs ay ang mga teams na napabalita na nagka-interest sa kaniya, subali't wala naman ni isa sa kanila ang nag-offer sa kaniya na pumirma ng kontrata sa kanilang organisasyon, kaya naman siya ay nakabalik sa Lakers sa panibagong apat na taong kontrata na nagkakahalaga ng $56 million.
Sa edad niya na bente singko at sa dami pang lugar na meron pa ang kaniyang paglalaro na lumago, nakakagulat ngang makita na ang Rockets at ang Spurs ay umatras sa pagkuha sa kaniya, lalo na at mayroon naman silang cap space upang siya ay mapapirma nila at kaya rin nilang higitan ang perang inialok ng Lakers sa kaniya.
Ngayon nga ay may mga bagong detalye kung bakit nagawa ng Lakers na siya ay makuha nilang muli sa isang abot kayang kontrata.
Ayon kay Michael Scootto ng HoopsHype's, nag-offer daw ang Spurs kay Reaves ng halagang $21 million per season, na halos na doble sa ibabayad ng Los Angeles sa kaniya sa season ng 2023-24.
Pero dahil napabalita na handang tapatan ng Lakers ang anomang offer na matatanggap ni Reaves, natakot daw ang Spurs at mas pinili na lang na tumugis ng ibang senaryo ngayong offseason.
At para naman sa Rockets, minonitor daw nila si Reaves bilang potential backup option kung hindi nila magawang mapapirma ang All-Star point guard na si Fred VanVleet, na ngayon nga ay napapirma na nila ng tatlong taong kontrata na nagkakahalaga ng $130 million.
Maganda nga ang mga nangyari sa Lakers sa free agency patungkol kay Reaves, na hindi na nila kinailangan pang makipaglaban sa ibang koponan na gusto siyang makuha, na hindi na nga ginawa pa ng ibang teams na tapatan ang ini-offer na halaga ng Lakers sa kaniya.
Ito ay nagpapatunay lamang ng malaking panalo ng Lakers para sa kanilang organisasyon, lalo na at nagawa rin nilang magamit ang kanilang natitirang pondo para sa iba.
Sa nagawa ng Lakers na pagpapapirma kay Reaves ng $56 million na kontrata, imbes na bayaran siya ng $80 million o higit pa sa susunod na apat na seasons, nagawa rin tuloy nila na mapabalik nila sa kanila itong sina D'Angelo Russell at Rui Hachimura sa free agency, at nagawa rin nilang mapapirma ang mga talentadong players na sina Gabe Vincent, Taurean Prince, Jaxson Hayes at Cam Reddish upang makabuo ng kanilang second unit.
Sa kabila ng mga naging struggles ng Lakers sa mga taong nagdaan, ang Lakers at ang kanilang general manager na si Rob Pelinka ay binigyang diin na gagawin nila ang lahat ng kanilang makakaya upang sila ay makalaban sa pinaka mataas na antas na posible.
Ang ginawa nila sa trade deadline last season ng alisin nila sa kanila ang All-Star na si Russell Westbrook at ang iba, at ang mga naging latest transactions nila sa free agency ang nagpapatunay nito, lalo na nang mapanatili nga nila sa kanila itong si Reaves, na ito ay pagpapakita lamang nila na sila ay may ibubuga pa sa pakikipaglaban nila para sa kampeonato.
Maari ngang nilisan na ni Reaves ang Los Angeles upang makakuha ng mas malaking pera at maging mukha ng isang nagre-rebuild na prankisa, pero dinaig ng Lakers ang ibang mga koponan na nagtangka sa kaniya.
Na ito nga ang naging dahilan kung bakit muli siyang pumirma sa Lakers at muli, siya ay magiging focal point para sa kanila sa pagpasok nila sa season ng 2023-24.
Comments
Post a Comment