Ito ang sinabi ni Stephen Curry patungkol sa nalalabing pag-asa nila para sa kampeonato.



Ito ang sinabi ni Stephen Curry patungkol sa nalalabing pag-asa nila para sa kampeonato.


Pero bago natin pag-usapan iyan, mga idol, pag-usapan muna natin itong mensahe ni Donte DiVincenzo sa kaniyang former team na ngayon na Golden State Warriors.


Naging busy nga ang Warriors sa free agency, at sa kabila ng kanilang efforts, hindi nila nagawa na mapanatili sa kanila itong si DiVincenzo, na nagpasya nga na lumipat na ng ibang koponan.

At siya nga ay pumirma ng apat na taong kontrata sa New York Knicks na nagkakahalaga ng $50 million, ang halaga na hindi kayang maibigay ng Warriors sa kaniya.

Ang bente sais anyos nga na si DiVincenzo ay nagpaabot ng kaniyang heartfelt message sa Warriors, ngayon na siya ay magtutungo na sa Big Apple.


Ang 6-foot-4 na guard na si DiVincenzo ay nagpost sa kaniyang Instagram na may mensaheng inilagay na, “GSW family, From the bottom of my heart, THANK YOU!! Much love, #0,”

Isang maigsing mensahe ni Donte, mga idol, pero sweet at mararamdaman natin kung gaano siya ka-genuine sa kaniyang message of gratitude.

Maigsi nga lang ang naging pamamalagi niya sa Golden State, isang season lamang matapos na pumirma siya bilang free agent nu'ng nakaraang summer, pero nakapagmarka naman siya para sa mga fans ng Warriors.


Nag-flourished din siya sa ilalim ni coach Steve Kerr, kaya naman nagpapasalamat siya sa Warriors sa pagbibigay nila ng platform na mag-ball-out last season.

At hindi rin niya makukuha ang massive Knicks deal kung hindi rin dahil sa malakas niyang season sa Golden State.

Mula sa earnings niya na $4.7 million sa season ng 2021-2022, mga idol, ang former Villanova na si DiVincenzo ay makakapagbulsa ngayon ng average salary na $12.5 million per year, napakalaking upgrade talaga ito para sa kaniya.


At para naman sa sinabi ni Curry patungkol sa nalalabing pag-asa nila sa kampeonato, mga idol.

Nagpakatotoo nga itong si Curry patungkol sa nakalabing pag-asa ng Warriors sa isang titulo.

Ang four time champion at two-time MVP na si Curry ay nagsalita nga patungkol sa pag-abot nila para sa ikalimang kampeonato nila, ngayon na papasok na siya sa kaniyang ika-labing limang season bilang professional.


Ang isang malaking bagay daw ay ang lahat ay pupunta sa camp na may tamang mindset na gusto ay ang manalo, at kailangan daw nilang pag-usapan iyon, mabuhay doon at maunawaan ang time frame ng kanilang mga careers, at Walang sinuman raw ang nag-aaksaya ng oras sa mga terms ng anumang energy maliban sa pagsisikap na manalo,"

Isa rin daw sa hinihiling niya at pag-asa, mga idol, na sila ay magkaroon ng isang team na may tamang mga pieces na talaga namang nagpi-fit.

May mga naging taon daw sila na taglay nila ang pinaka talentado at mga taon na mayroon silang malalim na koponan, kaya ang pagsikapang manalo ay napakahalaga raw, ngayon na alam na nila kung nasaan na sila ngayon sa kanilang mga careers.


Totoo naman na ang Golden State ngayon ay mayroong pinaka matandang rosters sa NBA, kaya wala na silang dapat pang aksayahin na oras.

Sina Klay Thompson at Draymond Green ay kapuwa trentay tres anyos na at si Curry naman ay ay trentay singko, si Chris Paul na 12-time All-Star na bagong dagdag sa kanila ay trentay otso anyos na.

Habang ang Warriors ay nagkaroon ng remarkable successful run sa kanilang core trio na sina Curry, Thompson at Green, kung saan nanalo sila ng apat na titulo sa kanilang huling siyam na seasons, mga idol.


Ngayon ay kakaunti na lang ang mga taon na natitira bago ang mga stars na ito ay maubusan na ng oras  sa kanilang mga legendary careers.


Comments

Popular posts from this blog

Ito ang sinabi ni Dell Curry patungkol sa kaniyang anak na si Stephen Curry.

Chris Paul nagbanta na sa mga teams sa NBA kapag siya at si Draymond Green ay nakaharap nila sa laban, at ang bibigyan daw ni Stephen Curry ng championship ring niya kung pwede lang daw, kilalanin natin.

Julius Erving, ipinaliwanag kung bakit hindi nakasama si Stephen Curry sa kaniyang top-10 NBA players of all-time.