Ito ang sinabi ni Jimmy Butler patungkol sa naging pagkatalo nila sa Finals laban sa Denver Nuggets.



Ito ang sinabi ni Jimmy Butler patungkol sa naging pagkatalo nila sa Finals laban sa Denver Nuggets.


Pero bago natin pag-usapan iyan, mga KaTop Sports, pag-usapan muna natin itong ginawang pag-trash talk ng isang rookie kay Michael Jordan.


Hindi nga maraming mga players sa NBA ang makakaramdam ng pagkakomportable habang tina-trash talk ang isang greatest player ever na si Michael Jordan.

At isa nga rito ay ang rookie na si Brandon Miller, na ilan sa mga kakaunting players na hindi natatakot na gawin iyon kay Jordan.

Ibinahagi nga kamakailan ni Miller ang pag-trash talk niya kay Jordan sa naganap na NBA Draft, nang tinanong siya sa isang podcast kung siya ay isang trash talker.


Depende raw iyon, mga KaTop Sports, kapag sinimulan daw siya, tatapusin daw niya, iyon ang naging sagot ni Miller matapos na i-claim niya na si Jordan daw ang nagsimulang mag-trash talk sa kaniya.

Ipinaliwanag din ni Miller kung ano ang nasa isip niya upang gawin iyon sa isang all time great na kagaya ni Jordan.

Sa palagay daw niya na ang i-trash talk si Jordan ay naipakita lamang nito sa mga recruiting teams ang other side niya.


Baka iniisip daw ni Jordan na wala siyang sasabihin anomang pangit na bagay sa kaniya dahil siya si Michael Jordan, pero nakita raw niya si Jordan na tumira ng kapos sa free throw line, kaya iyon daw ang pinanghahawakan niya laban kay Jordan.

May punto naman dito si Miller, mga KaTop Sports, ang magkaroon ka talaga ng lakas ng loob na i-trash talk si Jordan ay makakaagaw pansin talaga sa maraming mga teams.

Pwede itong mag-backfire kay Miller kapag nag-struggle siya sa court, at bilang resulta, magkakaroon siya ng mas higit na pressure na mag-succeed bilang No.2 overall pick, kung hindi pa niya iyon nararamdaman pa sa ngayon.


At naniniwala ang Charlotte Hornets na may bright future sila sa kaniya, na siya sana ang naging No.1 overall pick sa lahat ng ibang NBA Draft, pero ang presence ni Victor Wembanyama ay hindi hinayaan na magkaroon iyon ng katuparan ngayong taon.

Gayun pa man, ang future ngayon ng Hornets ay mas kapana-panabik na, ngayon na nasa kanila na si Miller.

At para naman sa sinabi ni Jimmy Butler patungkol sa naging pagkatalo nila sa Finals laban sa Denver Nuggets, mga KaTop Sports.


Plano pa rin nga ni Butler na bigyan ng kampeonato ang Miami Heat, at sila nga ay galing sa 4-1 na pagkatalo sa Nuggets nung nakaraang buwan.

Pero kahit na ba na nakaranas sila ng isang nakaka-disappoint na pagkatalo, tumanggap pa rin naman sila ng maraming papuri, hindi lang sa dahil sa nakaabot sila ng Finals bilang pang No.8 seed, kundi dahil sa tinalo rin nila ang mga koponan ng Milwaukee Bucks at Boston Celtics.

Gayun pa man, nagdudumilat pa rin ang katotohanan na natalo sila sa kanilang huling dalawang Final appearances, na si Butler nga ay hindi pa nakakapag-uwi ng singsing sa kaniyang tahanan.


Pero para sa trentay tres anyos na si Butler, mga KaTop Sports, parte daw ng journey ang pagkukulang, habang iniisip niya kung ano ang nagbunsod sa kanila upang makaabot ng Finals ng dalawang beses na.

At ang teamwork daw ang naging mahalagang factor ng kanilang team kaya sila ay nakaabot ng Finals, at kung papaano raw sila maglaro, hindi raw iyon nauukol lang sa isang tao, kundi naglalaro raw sila ng sama-sama bilang isang grupo, kaya nakalayo raw sila kaysa sa dapat lang nilang mapuntahan.

Nagkulang man daw sila, pero okay lang daw iyon paminsan-minsan, pero ang teamwork daw talaga ang mahalaga sa lahat.


May mga pagbabago na ngayon sa kanilang team sa pagpasok ng 2023-24 season, pero ang goal ni Butler ay pareho pa rin, ang makapag-uwi ng kampeonato sa Miami Heat.

At marahil sa ikatlong pagkakataon, mga KaTop Sports, makuha na nila ang kanilang inaasam-asam, ang matagal nang gustong maibigay ni Butler sa Miami, ang championship ring.



Comments

Popular posts from this blog

Ito ang sinabi ni Dell Curry patungkol sa kaniyang anak na si Stephen Curry.

Chris Paul nagbanta na sa mga teams sa NBA kapag siya at si Draymond Green ay nakaharap nila sa laban, at ang bibigyan daw ni Stephen Curry ng championship ring niya kung pwede lang daw, kilalanin natin.

Julius Erving, ipinaliwanag kung bakit hindi nakasama si Stephen Curry sa kaniyang top-10 NBA players of all-time.