Ito ang sinabi ni Gary Payton patungkol sa trade demand ni Damian Lillard, at Joel Embiid trade sa New York Knicks mas lalong pinainit ng isang reporter ng Philadelphia 76ers.
Una nating pag-usapan ang patungkol kay Joel Embiid, mga KaTop Sports.
Si Joel Embiid nga ng Philadelphia 76ers ay isang polarazing superstar.
Sa isang banda, siya ay kino-consider na most dominant player sa NBA ngayon, pero marami pa rin ang naniniwala na hindi pa niya talaga nakukuha ang kabuoan ng kaniyang potensiyal, o nabuhay na siya sa mga expectations sa kaniya.
At dahil doon, marami na ang mga naglalabasang balita, rumors at sari-saring usapin patungkol dito sa reigning MVP na si Embiid, gaya ng kung siya ba ay mananatili pa rin sa Sixers o aalis na.
At sa dami ng naglalabasang ulat, mahirap ngang matukoy kung alin do'n ang totoo at alin do'n ang peke, mga KaTop Sports.
At dahil sa naglabas na ng komento itong si Embiid na willing naman siya na magkampeon sa labas ng Philadelphia, naglabasan na ang mga katanungan sa mga rumors na nagli-link sa kaniya sa ibang mga teams.
Lalo na itong latest na rumor, na kung si Embiid ba at ang New York Knicks ay nakatadahana na magsama.
Marami na ngang na linked sa Knicks sa nagdaan nang mga taon, gaya nina LeBron James ng Los Angeles Lakers, Kevin Durant ng Phoenix Suns, Kyrie Irving ng Dallas Mavericks, Donovan Mitchell ng Cleveland Cavaliers, Karl-Anthony Towns ng Minnesota Timberwolves at Giannis Antetokounmpo ng Milwaukee Bucks.
Mga deals na hindi naman nagkaroon ng katuparan, mga KaTop Sports.
Pero ika nga nila, kapag may usok, may apoy, pero lagi bang ganoon?
Sa latest tidbit na lumabas sa Philly, si Keith Pompey ng Philadelphia Inquirer ay kinla-ssify ang interest ng Knicks kay Embiid bilang isang "worst-kept secret."
Nagko-comply daw ang Knicks na i-hold ang kanilang mga first-round picks sa pag-asa na si Embiid ay hihiling na ng pag-alis sa Philadelphia, at iyon daw ay ipinapanalangin pa ng Knicks, at nakikita raw ni Pompey na mangyayari raw iyon.
At dahil nga sa walang katiyakan pa rin ang future ng Sixers, wala ngang garantiya na si Embiid ay mananatili pa rin sa Philadelphia, mga KaTop Sports.
Totoo naman ito, matapos nga na sina Bradley Beal at Damian Lillard, ang mga tinaguriang loyal sa kanilang mga team, ay nag-request na nga ng trade, at marahil ganito na rin ang mangyari kay Joel Embiid.
At para sa sunod nating pag-uusapan, mga KaTop Sports.
Hindi nga si Damian Lillard ang unang generational talent na ginusto na umalis na sa kanilang team at lumipat na sa Miami Heat.
Sa katunayan, hindi siya ang unang guard na may ganoong kalibre na ginustong i-opt out ang kanilang kontrata para lang sa team na pinamumunuan ni Pat Riley.
Si Gary Payton ang nauna at ngayon nga ay full support siya kay Dame.
Nananatili nga ang mga players sa NBA upang mag-strive para sa greatness, mga KaTop Sports.
Ang mga deep playoffs runs at mga All-NBA honors ay minsan ay hindi na mahalaga para sa mga stars na pumapasok na sa twighlight ng kanilang careers gaya ni Damian Lillard, at walang higit na nakakaalam nito kundi si Gary Payton.
Nagsalita nga si The Glove patungkol sa kung bakit kailangan nang pakawalan ng Portland Trail Blazers itong si Dame, nang makapunta na siya sa puder ni Pat Riley.
Gusto raw maglaro ni Dame para kay Pat Riley at magandang galaw daw iyon para sa kaniya, at bakit daw hindi nila hayaan si Lillard at bayaan siyang maging successful, mga KaTop Sports?
At sa palagay daw ni Payton, magbabago raw ang buong dynamic kapag nasa Miami na si Lillard.
Marami raw ang maitutulong niya kay Butler, at magkakaroon pa siya ng isa pang superstar na makakasama, at magkakaroon pa siya ng hard-working basketball team, at idinagdag pa ni Payton kung bakit ang kaniyang naging daan ay kaparehas ng daang tinatahak ngayon ni Lillard.
Lahat daw kase ay naghahabol sa kampeonato, at bakit daw ba sila naglalaro ng basketball, mga KaTop Sports?
Iyon daw ang buong object ng paglalaro ng basketball, at kung gusto mo raw na pumunta sa iba, kung saan may chance ka na magkampeon, puntahan mo raw, at ganoon daw ang nakita ni Payton nu'ng pumunta siya sa Miami.
Kaya't pumunta nga raw siya sa Miami, at tignan daw natin kung ano ang nangyari.
Ang naging resulta nga ng pagpunta ni Payton sa Miami Heat, nakakuha siya ng isang kampeonato taong 2006.
Makatulong kaya itong sinabi na ito ni Gary Payton upang ma-realize ni Joe Cronin na kailangan na nilang i-trade ang kanilang star na si Damian Lillard as soon as posible?
Comments
Post a Comment