Ito ang sinabi ni Austin Reaves patungkol sa kung ano ang pakiramdam ng bantayan sa laro ang isang Stephen Curry.



Ito ang sinabi ni Austin Reaves patungkol sa kung ano ang pakiramdam ng bantayan sa laro ang isang Stephen Curry.


Pero bago natin pag-usapan iyan, mga idol, pag-usapan muna natin itong dalawang ex-Warriors na finally ay nakuha na ang kanilang championship ring.


May isang taon na nga ang nakalipas ng makuha ng Golden State Warriors ang kanilang ika-apat na kampeonato, at iyon ay glorious moment para sa mga players at sa mga fans, at isang bagay iyon na hindi nila malilimutan sa kanilang mga kaisipan.

Pero may dalawang players pa pala ang Warriors na hindi pa nila nakukuha ang kanilang championship ring, at nito ngang Huwebes, sina Nemanja Bjelica at Chris Chiozza ay nagbalik sa Golden State upang dumalo sa youth basketball camp ng Warriors, at nakita nila na ito na ang perfect opportunity na i-award na sa dalawa ang kanilang mga singsing.

Sina Bjelica at Chiozza ay hindi mga stars, pero hindi natin madi-discredit ang mga contributions na nagawa nila sa kabuoan ng kanilang memorable championship season.


Si Bjelica ay key player off the bench para sa Golden State, mga idol, na siya ay nag-averaged ng 6.1 points, 4.1 rebounds at 2.2 assists sa 16.1 minutes ng aksyon per contest.

Si Chiozza naman ay nagsilbing backup point guard, na naglaro ng 10.9 minutes per game sa 34 regular season appearances.

Matapos ang isang taon ni Bjelica sa Warriors, siya ay nagbalik sa Europe upang maglaro para sa Turkish, kung saan siya minsan ay naging EuroLeague MVP.


Si Chiozza naman ay pumirma sa Brooklyn Nets last summer subali't nai-waived din naman agad, at siya ay naglaro sa UCAM Murcai ng Liga ACB sa Spain.

Maganda na makita na nakabalik itong dalawa sa floor ng Golden State, mga idol, at finally nakuha na nila ang kanilang napaka halagang chamiponship ring.

At para naman sa sinabi ni Austin Reaves patungkol sa pakiramdam na bantayan sa laro ang isang Stephen Curry, mga idol.


Si Reaves nga ay naging revalation para sa Los Angeles Lakers sa kanilang naging playoff run.

Ang second-year guard ay nag-emerged bilang rising star para kay LeBron James at sa mga kasama nila, na sila nga ay nakaabot hanggang sa Western Conference Finals.

Siya ay nag-struggle sa West Semis laban sa Warriors, partikular na sa unang dalawang games ng serye, at sa kaniyang naging confession, ang 25-year-old na si Reaves ay sinabi na ang naging dahilan no'n ay si Stephen Curry.


Nang siya ay nag-guest sa All The Smoke podcast nina Matt Barnes at Stephen Jackson, mga idol, siya ay natanong kung ano ang pakiramdam na bantayan ang greatest shooter of all time na si Stephen Curry, at siya ay nagpakatotoo sa kaniyang naging sagot.

Napakahirap daw na bantayan itong si Curry, kung papaano raw gumalaw si Curry na wala sa kaniya ang bola, hindi ka raw pwedeng mag-relax, at nasa sistema raw nila iyon, na nagpi-fit daw iyon kay Curry sa perfection.

Naalala raw niya ang Game 1 at Game 2, habol daw siya ng habol kay Curry at kay Klay Thompson, at hindi raw niya maipasok ang mga tira niya, tinitignan daw siya ng lahat at nagtatanong kung bakit hindi raw niya maipasok ang kaniyang mga tira, ang sagot daw niya ay pagod na ang kaniyang mga binti.


Mayroon ngang mataas na pagpuri itong si Reaves para kay Curry, na ibinahagi din niya ang kaniyang nakikita sa mindset ng former back-to-back MVP.

Ang approach daw sa game ni Curry ay special, mga idol, sa paraan kung paano niya nakikita ang game at sa paraan kung papaano siya sa game, napakasaya raw sa pakiramdam na makalaro si Curry, at obviously daw, masaya sila dahil sila ang nanalo, pero napaka hirap daw talaga na bantayan ang isang Stephen Curry.

Magkakaroon pa nga ng marami pang pagkakataon itong si Reaves na makaharap itong si Curry sa hinaharap, at magandang makita na nagawa naman niyang mag-adjusts matapos ang Game 1 at Game 2 sa kanilang naging serye sa West Semis laban sa Warriors.


At ito ang isang bagay na dapat niyang mabuo sa susunod na makalaban niyang muli si Steph sa basketball court.


Comments

Popular posts from this blog

Ito ang sinabi ni Dell Curry patungkol sa kaniyang anak na si Stephen Curry.

Chris Paul nagbanta na sa mga teams sa NBA kapag siya at si Draymond Green ay nakaharap nila sa laban, at ang bibigyan daw ni Stephen Curry ng championship ring niya kung pwede lang daw, kilalanin natin.

Julius Erving, ipinaliwanag kung bakit hindi nakasama si Stephen Curry sa kaniyang top-10 NBA players of all-time.