Ito ang naging reaksiyon ni Stephen A. Smith sa insidente ng cardiac arrest ni Bronny James.
Si Bronny James, anak ni Los Angeles Lakers superstar LeBron James, ay isinugod sa hospital dahil siya ay na-cardiac arrest habang siya ay nagba-basketball work out nitong Martes sa USC.
Habang ang kaniyang overall status at kalusagan ay hindi pa natin malalaman pa sa ngayon, si Bronny daw ay nasa stable condition na at wala na sa ICU, na isa ngang magandang balita.
Habang nagpa-practice nga raw si Bronny, siya ay nag-suffer ng cardiac arrest. Nagawa naman ng Medical staff na agapan si Bronny at siya nga ay dinala nila sa hospital.
Stable na raw ang kaniyang kondisyon at wala na siya sa ICU, at hinihiling daw ng pamilya ni LeBron ang respect at privacy at mag-a-update na lang daw sila sa media kapag mayroon nang bagong impormasyon.
Ipinaaabot din nina LeBron at Savannah ang kanilang pasasalamat at appreciation sa USC medical at athletic staff dahil sa kanilang ginawa at dedikasyon para sa safety ng kanilang mga athletes.
Nang lumabas nga ang balitang ito sa nangyari kay Bronny, marami sa nakapaligid sa mundo ng sports ay nagsimulang magbigay ng kanilang mga reaksiyon, at ipinadala ang kanilang mga panalangin para sa pamilya ni LeBron, at isa nga rito si Stephen A. Smith.
Kapag narinig mo raw ang nangyaring iyon, mamatay ka raw sa takot. Salamat daw sa Dios at naroon ang medical staff at hindi siya nagpa-practice na mag-isa lang na wala siyang kasama, na mabuti na lang daw at may mga tao do'n na nakakita ng nangyari at nai-rescue siya agad.
Ang cardiac arrest ay obvious daw na seryeso, pero hindi pa raw natin alam ang buong detalye.
Nagpapasalamat daw si Smith sa Panginoon na okay na raw ngayon si Broony, at kung anoman daw ang caused ng nangyaring ito kay Broony ay isang bagay daw na maa-identify nila as soon as posible, upang ma-restore na raw muli ni Bronny ang kaniyang buhay pabalik sa normal.
Sa edad na desi otso, si Bronny ay naka-commit na maglaro ng basketball sa USC sa darating na May at naghahanda na nga para sa kaniyang unang season sa kolehiyo.
Ngayon ang future ng kaniyang paglalaro ng basketball ay makwe-question na, habang ang dahilan nga ng kaniyang cardiac episode ay hindi pa alam sa ngayon.
Bagaman marami ang pumupuna kay LeBron at sa kaniyang NBA career, hindi naman maikakaila na siya ay naging pambihirang example para sa kaniyang mga anak at palaging inuuna ang kaniyang pamilya sa lahat ng mga bagay.
Siya ay palaging nasa tabi ni Broony sa panahon ng kaniyang amateur playing career, at si LeBron ay napaka vocal patungkol sa kagustuhan niya na maglaro sa NBA na kasama ang kaniyang anak bago siya magretiro.
Wala pa ngang karagdagang update sa kondisyon ni Bronny sa ngayon, maliban sa siya ay stable na at wala na sa ICU ng hostpital. Maging si LeBron ay hindi pa rin nagkomento sa nangyaring ito.
Comments
Post a Comment