Ito ang naging reaksiyon ni Stephen Curry matapos na manalo sa American Century Championship.
Ito ang naging reaksiyon ni Stephen Curry matapos na manalo sa American Century Championship.
Pero bago natin pag-usapan, mga idol, pag-usapan muna natin itong si Klay Thompson na tumayong isang simbulo ng pagbabago ng landscape sa NBA sa nakalipas na na mga taon.
Ang Golden State Warriors nga ay isa sa most revolutionary teams at fanchises sa kasaysayan ng NBA.
Mula sa kanilang impeccable ball movement hanggang sa deadeye three-point shooting nina Klay Thompson at Stephen Curry, ang kanilang team ay naging legendary group na sa nakalipas na mga taon.
Ang sharpshooter at ang original na Splash Brother na si Thompson ay malapit na ngang pumirma ng isang contract extension.
Sina Thompson at Curry ay patuloy na nakakapag-set ng trends kung sila man ay nasa loob ng court o wala, mga idol.
At ngayon nga ay may ini-revealed ang StatMuse gamit ang kanilang Twitter ng isang simbulo ng mastery ni Thompson na ngayon ay pinag-uusapan na ng mga fans.
Ang partikular na stat ay nagsasabi kung gaano naging kalala ang naging pagbabago sa NBA sa huling labing limang taon, na ang pasimuno nga nito ay itong sina Thompson at Curry.
At dahil sa kanila ang Warriors ay nakapag-attempt na ng pinakamataas sa liga na 43.1 three pointers sa taong 2022.
Pinangunahan nga nina Curry at Thompson na may 12.1 at 10.5 three-point attempts bawa't isa, respectively, mga idol.
Samantalang ang drop-off ng dalawang snipers ng Warriors sa long-distance ay matarik.
Ang small forward naman na si Andrew Wiggins ay nagkaroon ng 4.9 three-pointer per game last season, habang ang nawala na sa kanila na si Jordan Poole ay nagkaroon naman ng 4.8 threes per game.
Ngayon na nahahanda na ang Golden State para sa bagong season na wala na ang sikat na panununtok ni Draymond Green kay Poole na naging madilim na bahagi sa loob ng Chase Center, sina Curry at Thompson ay muli na namang magiging susi.
Ang doubters na kagaya ni Kendrick Perkins ay naglabas naman ng isang skeptics sa kasalukuyang championship aspirations ng Warriors, mga idol, ang 1 percent chance.
Habang ang reigning champion na Denver Nuggets ay patuloy na nagbo-boast bilang isa sa malaki at most physical rosters sa NBA, ang tanong ay kung ang istilo ba ng Golden State ay mai-translate nila para sa future titles na si Nikola Jokic at ang iba ay nagpa-patrol sa paint?
Ang Warriors ay mukhang naka-set sa isa pang huling ride, na sina Thompson at Curry ang muling magtitimon para sa kanila.
At para naman sa naging reaksiyon ni Stephen Curry matapos na manalo sa American Century Championship, mga idol.
Naging estatic nga itong si Curry nitong Lunes matapos na tapusin ang trabaho at manalo sa American Century Championship sa Edgewood Tahoe Resort sa Nevada.
Sa naipakita na niya sa buong basketball career niya, siya ay naging clutch din sa golf course.
Naipasok niya ang isang incredible na eagle sa 18th hole upang tapusin ang third at final round na may 25 points.
Siya ay nakaipon ng total na 75 points upang makuha ang no.1 spot sa celebrity golf tournament, mga idol, na kaunti lang ang naging kalamangan niya kay Mardy Fish na may 73 points at Joe Pavelski na may 66 points.
Ito ang unang panalo ni Curry sa American Century Championship, kaya hindi na nakakagulat pa kung siya ay magsaya ng todo matapos ng kaniyang buzzer-beater para sa isang pagtatagumpay.
Ginawa niya muna ang no-look celebration bago nagtatakbo sa tuwa at tumakbo papalapit sa kaniyang asawa na si Ayesha upang siya ay yakapin niya.
Pumasok nga si Curry sa competition na may desire na manalo at nagawa nga niya.
Bukod sa kaniyang epic na panalo, mga idol, nagkaroon din siya ng isang best highlight sa American Century Championship, ang kaniyang hole-in-one na talaga namang naging usap-usapan sa buong mundo.
Comments
Post a Comment