Ito ang naging reaksiyon ni LeBron James sa nagawa na ng Los Angeles Lakers sa free agency ngayon.
Ito ang naging reaksiyon ni LeBron James sa nagawa na ng Los Angeles Lakers sa free agency ngayon.
Pero bago natin pag-usapan iyan, mga KaDribol, pag-usapan muna natin itong Twitter post ni Damian Lillard na nagsasabi na susundan niya ang daang dinaanan ni LeBron.
Hindi na nga kailangan pa ng mga fans ng Portland Trail Blazers na malungkot sa pag-alis sa kanila ni Lillard, dahil may plano naman siya na bumalik sa kanila, once na nakakuha na siya ng kampeonato sa ibang koponan.
Ayon kasi sa ipinost niya sa kaniyang Twitter account, mababasa doon ang mga salitang, kailangan daw niyang hilahin ang ilang tipo ni LeBron, pumunta sa Miami at nanalo ng dalawang singsing, pagkatapos ay bumalik sa tahanan at nanalo uli doon, para daw iyon sa Portland.
Ginugol nga ni Lillard ang buong career niya sa Blazers matapos na siya ay madraft bilang pang No.6 overall sa 2012 NBA Draft.
Nagkaroon man siya ng mga individual success, mga KaDribol, pero hindi iyon nagdala sa kaniya upang makapanalo ng isang kampeonato.
Nilisan ni LeBron ang Cleveland Cavaliers at lumipat siya sa Miami Heat, kung saan doon niya nakuha ang kaniyang unang kampeonato.
Apat na seasons ang inilagi niya doon at nanalo siya ng dalawang kampeonato bago siya bumalik sa Cavs upang pangunahan sila na makuha ng kanilang prankisa ang kauna-unahan nilang kampeonato.
At ito ang blue print na gustong sundan ni Lillard sa pag-alis niya sa Portland, kaya't abangan na lang natin kung ito nga ay magagawa niya, kung papaanong nagawa nga ito ni LeBron.
At para naman sa naging reaksiyon ni LeBron sa mga nagawa na ng Lakers sa free agency, mga KaDribol.
Mukhang nagustuhan ni LeBron ang nagawa na ng Lakers sa free agency, at talaga namang naging active itong Lakers sa pagbubukas ng free agency.
May mga ibinalik silang mga mahahalagang players para sa kanila at nagdagdag din sila ng mga bago upang mapalakas pa ang kanilang supporting cast sa paligid nina LeBron at Anthony Davis.
Sa unang araw ng free agency, nagawa ng Lakers na makuha sina Gabe Vincent, Taurean Prince at Cam Reddish, at napapirma din nila si Rui Hachimura ng tatlong taong kontrata na nagkakahalaga ng $51 million.
Sa ikalawang araw, mga KaDribol, sinigurado naman ng Lakers na mapapapirma nila ng apat na taong kontrata itong si Austin Reaves na nagkakahalaga ng $56 million, na nagawa naman nga nila.
Napapirma din nila si D'Angelo Russell ng dalawang taong kontrata na nagkakahalaga ng $37 million, at naidagdag pa nila sa kanila ang big man na si Jaxson Hayes mula sa New Orleans Pelicans.
At matapos nga na makita iyon ni LeBron, agad siyang nagtungo sa kaniyang Instagram story upang magdiwang.
Wala man siyang sinabing anoman subali't ibinahagi niya ang mga larawan nina Reaves, D'Lo, Hachimura, Vincent, Prince, Reddish at Hayes upang sila ay i-welcome niya.
At para sa mga fans ng Lakers, mga KaDribol, ito ay senyales lamang ng pag-approved ni LeBron sa mga nagawa na ng Lakers sa free agency.
Maganda naman talaga ang nagawa ng Lakers so far sa free agency, kahit na ba na nawala na sa kanila itong si Dennis Schroder na ngayon nga ay nasa Toronto Raptors na, pero nakagawa naman sila ng improvements sa pagkadagdag nina Vincent, Prince, Reddish at Hayes.
Pero sa ngayon hindi pa natin masasabi kung ang mga bago sa kanilang roster ay maka-aangkop na agad sa kanila, kaya isa ito sa pakaaabangan natin sa pagbubukas ng bagong season, at sana lang ay makapaghatid nga ito ng mas malaking chance sa kanila na makabalik na muli sa NBA Finals.
Comments
Post a Comment