Ito ang naging reaksiyon ni Jimmy Butler sa pag-alis sa kanila nina Gabe Vincent at Max Sturs sa free agency.
Ito ang naging reaksiyon ni Jimmy Butler sa pag-alis sa kanila nina Gabe Vincent at Max Sturs sa free agency.
Pero bago natin pag-usapan iyan, mga KaTop Sports, pag-usapan muna natin ang naging reaksiyon nina Bam Adebayo at Caleb Martin patungkol din sa dalawa.
Nawalan nga ang Miami Heat ng malalaking pyesa sa kanila sa pagsisimula ng free agency, at ito ay sina Gabe Vincent at Max Strus.
Si Vincent ay nagdesisyon na dalhin ang kaniyang talent sa Hollywood, at siya ay pumirma ng tatlong taong kontrata sa Los Angeles Lakers na nagkakahalaga ng $33 million.
Si Vincent ay walang duda na naging mahalagang player ng Miami sa kanilang naging Finals run sa nakalipas na season, kaya naman ang pag-alis niya sa Heat ay umani ng mix reactions kina Bam Adebayo at kay Caleb Martin.
Sa parte ni Adebayo, mga KaTop Sports, inexpressed niya kung gaano siya naging masaya para kay Vincent, ngayon na nasa Lakers na siya.
Si Vincent kasi ngayon ay kikita na sa Lakers ng $10 million kada taon, na 'di hamak na mas mataas naman sa $1.8 million na naibulsa niya last season sa Heat, kaya naman proud na proud sa kaniya si Adebayo.
Sa parte naman ni Martin, ibinahagi naman niya ang kaniyang heartbroken reaction sa kaniyang nabalitaan.
Sina Vincent, Strus at Martin ay trio ng Heat na mga undrafted sensations, at talaga namang ang tatlong ito ay nag-balled out para sa Heat nitong nakalipas na taon.
At bagaman na nalungkot itong si Martin sa pag-alis ng dalawa, mga KaTop Sports, panigurado masaya din siya na gaya ni Adebayo na makukuha na ngayon ng dalawa ang halaga na deserves nila.
At para naman sa naging reaksiyon ni Jimmy Butler sa patungkol din dito, mga KaTop Sports.
Miyembro na nga ngayon ng Lakers itong si Vincent dahil sa pagpirma niya ng tatlong taong kontrata sa Lakers na nagkakahalaga ng $33 million.
Habang si Strus naman ay sa Cleveland Cavaliers napunta dahil sa pagpirma niya ng apat na taong kontrata na nagkakahalaga ng $64 million.
At ngayon nga ay ibinahagi ni Butler ang mga naging developments na ito at ang kaniyang pamamaalam sa dalawa sa Instagram.
Kilala naman natin na hindi isang sentamental na tao itong si Butler, mga KaTop Sports, at wala na siyang mahabang mensahe pa para sa kaniyang dalawang dating kasama.
Gayun pa man, ito ay isang classy gesture mula sa talisman ng Heat na panigurado ay naging malungkot din sa pag-alis sa kanila ng dalawa.
Sa katotohanan, hindi na siguro ikinagulat pa ni Butler at ng kabuoan ng koponan ng Heat ang developments na ito, dahil na rin na ang dalawa ay nagkaroon ng breakout year last season, kaya naman nakapukaw sila ng interes sa free agency.
Alam din naman kasi ng Miami na hindi nila kayang matapatan ang halaga na iooffer sa dalawa, na ang dalawa nga ay nagkahalaga ng total combined salary na $97 million sa kani-kanilang respectives deals sa kanilang bagong mga koponan.
Nagkaroon sila ng magandang run, mga KaTop Sports, at panigurado ang wish ni Butler ay ang lahat ng best para sa kanilang dalawa, at maganda na ring abangan na magkaharap sila na isa nang magkalabang koponan.
Comments
Post a Comment