Ito ang naging reaksiyon ni Draymond Green sa naging comment ni Nikola Jokic na isang trabaho lang daw ang basketball.



Ito ang naging reaksiyon ni Draymond Green sa naging comment ni Nikola Jokic na isang trabaho lang daw ang basketball.


Pero bago natin pag-usapan iyan, mga idol, pag-usapan muna natin itong masakit na kototohanang inilantad ni Green patungkol sa mga nagiging struggles ni Ben Simmons.


Mukhang nabaon na nga sa limot ang dating sinasabi ng mga eksperto na itong si Ben Simmons ang susunod na LeBron James.

Malaki rin ang ginampalan ng kamalasan kay Simmons sa kaniyang kawalan ng kakayahan na mabuhay sa kung ano ang inaasahan sa kaniya, at ngayon nga ay nagsalita na si Green sa kaniyang sitwasyon ngayon.

Ayon kay Green, patungkol daw lahat ito sa confidence ni Simmons, o ang kakulangan niya ng kumpiyansa sa sarili.


Makakakita raw tayo ng mga tao na naiwawala ang confidence nila sa game, mga idol, kaya't mapapatanong na lang daw tayo ng, Ano ang nangyari sa kaniya?

At si Ben Simmons daw ang perpektong example ng gano'n, at si Simmons pa rin daw ang Simmons na napanood natin na naging dominante sa Philadelphia 76ers.

At ang naging kaibahan nga raw ng Simmons sa Sixers at ang Simmons ngayon ay ang confidence, at alam daw ni Green ang patungkol sa kawalan ng kumpiyansa dahil maging daw siya ay nawalan ng confidence sa kaniyang mga tira.


Nagsalita nga si Green dito na base sa kaniyang naranasan na rin, at habang sinabi naman niya na hindi siya nawalan ng kumpiyansa sa kaniyang paglalaro.

Pero inamin naman niya na kinuwestiyon niya ang abilidad niya na itira ang bola, mga idol, na ito nga ay ilang taon nang nararanasan din ngayon ni Simmons.

Nalulungkot daw itong si Green sa mga taong naiwawala ang kanilang confidence sa kanilang paglalaro dahil ikaw pa rin ang parehong player na iyon.


Ikaw pa rin daw ang dating player na maglalaro at makakakuha ng 15 assists bago makakurap ang iba, at ngayon ay hindi mo na ramdam na kaya mo pang magawa iyon dahil nga sa nawala na ang iyong kumpiyansa.

At para naman sa naging reaksiyon ni Green sa naging comment ni Jokic na isang trabaho lamang daw ang basketball, mga idol.


Sinabi nga ng superstar ng Denver Nuggets na si Jokic na ang kaniyang profession bilang basketball player ay isa lamang trabaho.

Sa usapang teknikal, hindi naman siya mali dito, pero para sa iba, para sa kanila, nagpakita raw si Jokic ng kawalan ng appreciation para sa posisyong kinalalagyan niya sa ngayon.

At hindi nalingid kay Green ang naging comment na iyon ni Jokic, at ngayon nga ay ibinahagi naman niya ang kaniyang point of view patungkol doon.


At ayon kay Green, mga idol, sang-ayon siya sa sinabi na iyon ni Jokic, at sinabi rin niya kung gaano nakakapagod ang maging isang basketball player lalo na sa pagbabayad ng buwis.

Love raw ni Green ang maglaro ng basketball, at love din daw niya ang magcompete, pero hindi raw nagsisinungaling si Jokic ng sabihin niya iyon.

Ayaw daw niyang maging parang tino-took for granted ang bagay na iyon, pero sa punto raw ni Jokic, trabaho nga lang daw talaga ang basketball, at ayaw daw niya ng ganitong klaseng trabaho.


Na kailangan mong magpakita sa trabaho mo araw-araw at magperform kahit ano pa ang nangyayari sa trabaho mo, kahit ano pa nangyayari sa bahay mo, at kahit ano pa raw ang nangyayari sa buong mundo, kailangan mo pa ring magpakita at magperform at trabaho nga raw iyon.

Marami raw nakaka-bwisit na galing doon at politika, mga idol, pero hindi raw niya ipagpapalit ang kaniyang trabaho para lang sa mundo.

Sa sinabi na ito ni Green, mukhang isa siya sa mga nagtatrabaho na miserable gaya ng iba sa buong mundo, o kaya ay sa kagaya niya na ayaw din sa kanilang trabaho.


Pero sinabi rin naman niya sa bandang dulo ng kaniyang mensahe na hindi niya ipagpapalit ang kaniyang trabaho sa anomang bagay dito sa mundo, pagpapakita lamang niya ito ng appreciation sa kaniyang profession bilang isang basketball player.

Lalo na kung katatanggap mo lang ng $100 million na kontrata bilang isang employer, matutuwa ka naman talaga at ma-aapreciate mo talaga ang pagiging basketball player mo, diba?


Comments

Popular posts from this blog

Ito ang sinabi ni Dell Curry patungkol sa kaniyang anak na si Stephen Curry.

Chris Paul nagbanta na sa mga teams sa NBA kapag siya at si Draymond Green ay nakaharap nila sa laban, at ang bibigyan daw ni Stephen Curry ng championship ring niya kung pwede lang daw, kilalanin natin.

Julius Erving, ipinaliwanag kung bakit hindi nakasama si Stephen Curry sa kaniyang top-10 NBA players of all-time.