Ito ang naging reaksiyon ni Draymond Green sa pagpirma ni Donte DiVincenzo sa New York Knicks at sa pagpirma ni Ty Jerome sa Cleveland Cavaliers.
Ito ang naging reaksiyon ni Draymond Green sa pagpirma ni Donte DiVincenzo sa New York Knicks at sa pagpirma ni Ty Jerome sa Cleveland Cavaliers.
Pero bago natin pag-usapan iyan, mga idol, pag-usapan muna natin itong naging reaksiyon naman ni Donovan Mitchell sa pagpirma ni Ty Jerome sa kanilang koponan na Cleveland Cavaliers.
Naging contender na nga ang koponan ng Cavs sa Central Division, at ang malaking dahilan nito ay dahil kay Mitchell.
Ngayon nga ay nagdagdag ang Cavs sa kanila ng isang player na kilalang-kilala ni Mitchell dahil nagkasama na sila dati, at ito ay ang dating player ng Golden State Warriors na si Ty Jerome.
Si Jerome ay isang savvy young player, na may taas na 6-foot-5, na inilaban ang kaniyang sarili para sa roster spot sa Warriors at mukhang handa na rin siya na dalhin ang kaniyang talent sa sunod na level sa koponan ng Cleveland.
Matagal na ngang magkakilala itong si Mitchell at Jerome at ito nga ay ipinost ni Mitchell sa kaniyang Twitter account, at ang sabi niya doon ay " Just like old times."
Umaasa nga ang Cavs na ang chemistry ng dalawa bilang facilitator at deft outside shooter ay makapagdaragdag ng bagong dimension sa kanilang koponan, mga idol.
Ang Cavs nga ay nagtapos last season na pang 12 sa NBA sa total offense, at naipakita na nila na sila ay may abilidad na makaiskor agad pero ang consistency ang kadalasang nagiging kanilang malaking challenge.
Si Jerome ay nag-averaged ng 6.9 points, 1.7 rebounds at 3.0 assists sa Warriors last season, na may 48.8 percent shooting sa field at 40 percent shooting sa tres.
At kapag naipagpatuloy niya ang ganitong klaseng paglalaro sa Cleveland, sky is the limit na ang mangyayari sa second unit ng Cavs panigurado.
Para kina Mitchell at Jerome, mga idol, ito ay isang reunion na may sense, at sana lang ay may sense din ito para sa Cavs sa pagtugis nila para sa ikalawang kampeonato ng kanilang prankisa.
At para naman sa naging reaksiyon ni Draymond Green sa pagpirma ni DiVincenzo sa Knicks at sa pagpirma ni Jerome sa Cavs, mga idol.
Hype up na hype up nga itong si Green para sa kaniyang mga naging kakampi sa Warriors na sina DiVincenzo at Jerome na kapuwa nakakuha na ng mga deals sa Knicks at sa Cavs.
Matapos nga na i-opt out ni DiVincenzo ang kaniyang $4.7 million option sa Warriors, napunta siya sa Knicks at pumirma ng apat na taong kontrata na nagkakahalaga ng $50 million.
Napakalaking pagtaas nga ito sa kaniyang naging salary sa nakalipas na season na nagkakahalaga ng $4.6 million.
Ngayon ay makakasama niya uli sa isang team ang mga dati niyang kakampi sa Villanova na sina Josh Hart at Jalen Brunson, mga idol.
Si Jerome naman ay pumirma ng dalawang taong kontrata sa Cavs na nagkakahalaga ng $5 million.
Inaasahan nga na siya ay magkakaroon ng pagtaas ng role sa Cleveland, lalo na at kailangan ng Cavs ang maraming guards sa likod nina Mitchell at Darius Garland.
Matapos nga na makita ni Draymond Green ang mga bagong opportunities na nakuha ng kaniyang mga dating kakampi, siya ay naging masaya para sa kanila.
Inalala pa niya nu'ng panahon na pinahirapan ni Jerome ang Cavs nu'ng final na laban nila sa regular season ng 2022-23, mga idol.
Si Jerome no'n ay nagkaroon ng 22-point performance sa laban na iyon, 9-of-14 shooting laban sa Cavs nu'ng January at nanalo ang Warriors no'n sa score na 120-114.
Maganda nga na makita na sina DiVincenzo at Jerome ay nasa kani-kanila nang bagong koponan at doon ay magpapatuloy sila na idevelop ang kanilang mga laro.
Bagaman na nakakapanghinayang na hindi sila napanatili ng Warriors sa kanila, alam naman ni Green na sila ay magbebenefit sa paglalaro nila sa magkaibang sitwasyon.
At kapag nakalaban ng Warriors ang Knicks at ang Cavs, mga idol, asahan natin na hindi magiging malambot sa kanila itong si Green, kaya't kaaabang-abang na itong masaksihan.
Comments
Post a Comment