Ito ang naging reaksiyon ni Austin Reaves sa kaniyang bagong kontrata na pinirmahan niya sa Los Angeles Lakers.



Ito ang naging reaksiyon ni Austin Reaves sa kaniyang bagong kontrata na pinirmahan niya sa Los Angeles Lakers.


Pero bago natin pag-usapan iyan, mga KaDribol, pag-usapan muna natin itong video kung saan namataan si Gabe Vincent sa courtside sa naging laban ng Lakers at ng Miami Heat sa 2023 NBA Summer League California Classic.


Hindi na nga nag-aksaya pa ng panahon ang Lakers sa free agency at agad nga nilang pinapirma sa kanila ang dating guard ng Miami Heat na si Gabe Vincent.

Ang kontrata nga na kaniyang pinirmahan ay nagkakahalaga ng $33 million, na ang talent ng bente syete anyos na si Vincent ay masusubok ng tatlong taon sa Los Angeles.

At nito nga lang ay namataan na siya na sumuporta sa kaniyang bagong grupo sa ginanap na Summer League.


At eksakto ang matchup na pinanood niya, mga KaDribol, dahil ang nakalaban ng bago niyang koponan na Lakers ay ang pinanggalingan niyang koponan na Miami Heat.

Bagaman wala naman doon ang ilan sa mga dati niyang nakakampi sa Heat, pero malamang nandoon naman ang ilang pamilyar na mukha para kay Vincent.

Lalo na at apat na seasons ng kaniyang career ay ginugol niya sa Miami, kaya malamang marami na siyang nakilala sa grupo ng Miami Heat.


Sa ngayon, naka-focus na si Vincent sa kaniyang magagawa para sa bago niyang koponan, lalo na at nakuha na niya ang halaga na gusto niya, kailangan niyang patunayan na karapat-dapat siya sa halagang ibinigay sa kaniya ng Lakers.

Lalo na't ilan sa mga players ay nasaksihan na natin, mga KaDribol, na biglang bumagsak ang paglalaro matapos na makakuha ng malaking halagang deal, at ang Lakers ay umaasa na hindi iyon mangyayari kay Vincent.


Sa katunayan, ang inaasahan sa kaniya ng Laker Nation ay madadala niya ang kaniyang paglalaro sa susunod na level, ngayon na makakasama na niya si LeBron James at iba pa.

At para naman sa naging reaksiyon ni Austin Reaves sa bagong kontrata na pinirmahan niya sa Lakers, mga KaDribol.


Nagkatuwa nga ang mga fans ng Lakers nang mabalitaan nila na sa Lakers pa rin maglalaro itong si Reaves.

Sa kabila na may mga naging rumors na ang bente singko anyos na si Reaves ay dadalhin na sa ibang koponan ang kaniyang talent sa mas malaking halaga.

Pero sa huli, nagawa ng Lakers na siya ay mapapirma sa halaga ng $56.2 million sa apat na taon, at ngayon nga ay nagsalita na siya patungkol dito.


Ibinahagi niya ang isang epic hype video na may kasamang tatlong salitang reaksiyon sa Instagram, mga KaDribol.

Na bagaman wala siyang masyadong sinabi, pero sa partikular na okasyong ito, ang kakaunting salita ay mas naging marami ang nilalaman.

Hindi lang kasi ideneklara ng 6-foot-5 na shooting guard na si Reaves ang kaniyang loyalty sa Lakers, kundi pinakita din niya ang pagcommit ng buong career niya sa purple & gold.


Sa pagsabi niya na siya ay "Laker for life," na ito ay isang indikasyon na aasahan na natin na si Reaves ay magreretiro nga na siya ay nasa Lakers pa rin.

Pero marami pa nga ang pwedeng mangyari bago siya magdesisyon na isabit na ang kaniyang Laker jersey, mga KaDribol.

Sa ngayon, magiging komportable na ang mga fans ng Lakers na makakasama nila si Reaves sa sunod na apat na taon.


Si Reaves nga ay nag-averaged sa last term niya sa Los Angeles ng 13.0 points, 3.0 rebounds at 3.4 assists per game.

Walang duda na iyon ay modest numbers, pero dapat din natin na tignan iyon mula sa isang malaking picture ng prespective.

Dahil ipinakita na niya sa lahat kung ano ang kaya niyang maibigay, mga KaDribol, lalo na sa playoffs, at ganoon pa rin ang inaasahan sa kaniya sa darating na season.


Comments

Popular posts from this blog

Ito ang sinabi ni Dell Curry patungkol sa kaniyang anak na si Stephen Curry.

Chris Paul nagbanta na sa mga teams sa NBA kapag siya at si Draymond Green ay nakaharap nila sa laban, at ang bibigyan daw ni Stephen Curry ng championship ring niya kung pwede lang daw, kilalanin natin.

Julius Erving, ipinaliwanag kung bakit hindi nakasama si Stephen Curry sa kaniyang top-10 NBA players of all-time.