Ito ang naging mensahe ni Rui Hachimura matapos nang opisyal na niyang pagpirma sa Los Angeles Lakers ng bagong kontrata.



Ito ang naging mensahe ni Rui Hachimura matapos nang opisyal na niyang pagpirma sa Los Angeles Lakers ng bagong kontrata.


Pero bago natin pag-usapan iyan, mga KaDribol, pag-usapan muna natin itong sinabi ni Gabe Vincent na mga bagay na maibibigay niya raw para sa Lakers.


Mabilis nga ang naging pagkilos ng Lakers para kay Vincent, dahil alam nila na marami ang magkakainteres sa kaniya sa free agency, kaya't sinigurado nila na mabigyan siya ng best deal na tatanggapin niya.

At ito ay ang tatlong taong kontrata na nagkakahalaga ng $33 million, na posibleng maging bargain para sa Los Angeles kapag siya ay nakagawa agad ng magandang impact sa kanilang koponan.

At ito rin mismo ang inaasahan ni Vincent na magagawa niya agad sa Lakers, ang maibigay agad sa bago niyang koponan ang kaniyang toughness sa depensa.


Madadala din daw niya ang kaniyang playmaking skills sa Lakers, mga KaDribol, at kaya rin daw niyang gumawa ng mga open shots, at naipakita na raw niya sa Miami ang versatile niyang paglalaro.

Kaya rin daw niyang makipagsabayan sa iba't-ibang paraan, at maglalaro daw siya na susubok na magkaroon ng impact sa mga magiging panalo nila.

At kada gabi raw ay maaring maging magkakaiba, depende raw sa kung papaano ang magiging dating sa kaniya ng season at kung ano ang magiging dating ng kaniyang role sa Lakers.


Sa palagay daw niya ay kaya niyang maging epektibo sa bawa't game sa positibong paraan sa kahit kanino mang grupo sa loob ng court, kaya tinitignan daw niya ang pagkakataon na magawa niya ang mga bagay na iyon.

Magandang mapakinggan ang mga salitang ito kay Vincent, mga KaDribol, at ito nga rin kasi ang eksaktong inaasahan sa kaniya ng Lakers kaya siya ay kinuha nila.

Siya nga raw ay jack-of-all-trades na tipo na player at sabi nga din niya na handa siya sa anomang role na ibibgay sa kaniya ni coach Darvin Ham.


Malaking bagay nga ang inaasahan sa kaniya sa paparating na season, at malinaw naman na ang kaniyang intensiyon ay magawa nga ang anomang inaasahan na magagawa niya para sa Lakers.

At para naman sa naging mensahe ni Rui Hachimura matapos nang opisyal niyang pagpirma sa Los Angeles Lakers ng $51 million na kontrata, mga KaDribol.

Ginawa nga ng Lakers ang kanilang trabaho sa free agency, at kabilang dito ay ang mapapirma nila si Hachimura ng tatlong taong kontrata na nagkakahalaga ng $51 million.


Maganda nga kasi ang inilaro niya para sa Lakers sa second half ng season, kaya't hindi nila hinayaan na mawala na lamang siya sa kanilang koponan para sa mga susunod pang mga seasons.

Nito lang Biyernes, ang bente singko anyos na si Hachimura ay opisyal nang pumirma ng bagong deal sa Lakers, at siya ay nagpadala ng tatlong salitang mensahe sa Twitter na may kasamang mga larawan.

"Run it back!" Pinaigsi at simpleng salita ni Hachimura, mga KaDribol, subali't mararamdaman natin ang excitement na nararamdaman niya ngayon, na sa Lakers pa rin siya maglalaro next season.


Marami nga ang aasahan sa kaniya at mga planong gagawin sa kaniya ni coach Darvin Ham na ating pakaaabangan, at para sa 6-foot-8 power forward na si Hachimura, mukhang hindi na siya makapaghintay na makapagtrabaho nang muli.

Ibinahagi rin niya ang ilang mga larawan na kasama niya ang kaniyang pamilya at ang kaniyang aso na suot ang isang cute na jersey ng Lakers.


Dumating nga siya sa Los Angeles sa kalagitnaan ng season bilang parte ng isang trade deal na nagdala kay Kendrick Nunn at tatlong second-round draft picks sa Washington Wizards.

At sa loob ng 33 games na kaniyang nailaro sa Lakers, mga KaDribol, siya ay nag-averaged ng 9.6 points at 4.7 rebounds, na may 48.5 percent shooting sa field sa loob ng 22.4 minutes kada laro.


Comments

Popular posts from this blog

Ito ang sinabi ni Dell Curry patungkol sa kaniyang anak na si Stephen Curry.

Chris Paul nagbanta na sa mga teams sa NBA kapag siya at si Draymond Green ay nakaharap nila sa laban, at ang bibigyan daw ni Stephen Curry ng championship ring niya kung pwede lang daw, kilalanin natin.

Julius Erving, ipinaliwanag kung bakit hindi nakasama si Stephen Curry sa kaniyang top-10 NBA players of all-time.