Ito ang kailangan pang mapunuan ng Los Angeles Lakers sa kanilang roster matapos ang unang linggo ng free agency.



Maganda na ang nagagawa so far ng Lakers sa free agency, mga KaDribol, na secure nila ang ilang mahahalaga nilang players at nakapagdagdag pa sila ng karagdagang makakatulong sa kanila.


At ito ay nakapagdulot ng excitement at mga pagkukwentuhan ng mga fans at maging ng mga eksperto na rin, pero kung titignan may kulang pa rin sa kanila na dapat nilang mapunuan.

Ito ay kung gusto ng Lakers na sila ay mabalik sa pagiging championship contender muli, na alam naman natin na gusto naman talaga nila.

Sa pangunguna nina LeBron James at Anthony Davis, nakabuo na ngayon ang Lakers nang isang starting lineup na masasabi natin na palag-palag na sa mga kalaban.


Nasa kanila pa rin sina Austin Reaves, D'Angelo Russell at Rui Hachimura, mga KaDribol, at nadagdag pa sa kanila sina Jaxson Hayes at Gabe Vincent upang maging solido na ang lalim ng kanilang koponan.

Bagaman maganda na ang lineup na ito, hindi pa rin nga maikukubli ang isang bagay na kulang pa sa kanila, kulang pa sila sa lalim ng kanilang frontcourt sa likod ni Davis.

Alam natin na naipamalas na naman ni Davis ang kaniyang abilidad ng pagiging sentro sa small-ball lineups, at may makakasama na rin naman siya sa katauhan ni Jaxson Hayes.


Pero pwede pa rin naman palakasin pa ng Lakers ang kanilang frontcourt sa pamamagitan ng pagkuha ng isang tunay na sentro na makakapagbigay sa kanila ng proteksiyon sa rim at karagdagang tulong sa rebounds.

Pwedeng i-address ng Lakers ang mga gaya nina Bismack Biyombo at Montrezl Harrell, mga KaDribol, na kapuwa nagtataglay ng mga skills na kailangan sa mga players na makakapag-ambag agad mula sa bench.

Sa kanilang mga careers, naipamalas na nila ang kanilang husay sa rebounding at shot-blocking, isa pa, experience-sado na sila at may qualities ng pagiging leader na makakatulong upang ang Lakers ay mabalik sa pagiging kampeon na koponan.


Parehong free agents sina Biyombo at Harrell, kaya pwede silang makuha ng Lakers, at narito ang potensiyal na contributions na maari nilang maibigay sa Los Angeles.

Si Biyombo ay kilala sa kaniyang depensa, partikular na sa shot-blocking, at malakas din siya pagdating sa rebound.

Siya ay nag-averaged ng 5.9 points at 1.3 blocks sa loob ng labing dalawang taong career niya sa liga, mga KaDribol.


Si Harrell naman ay mas malakas na scorer kaysa kay Biyombo, na siya ay nag-averaged ng 12.1 points per game sa loob ng walong seasons niya sa NBA.

Kilala din itong si Harrell sa kaniyang mataas na energy at intensity sa loob ng court, na maaring makapagmotivate sa kaniyang mga kakampi.

Isang solid rebounder din siya, na siya ay nag-averaged sa rebound ng 5.0 rebounds per game sa kaniyang career.


Isa rin sa dapat tignan ng Lakers ang kanilang salary cap na over na nga, mga KaDribol, na nagparestrict sa kanilang ability na makagawa pa ng malaking hakbang sa free agency.

Pero meron pa naman silang magagamit pa, at ito ay ang mid-level exception, na swak para kina Biyombo at Harrell, at malalagpasan pa nito ang kanilang salary cap.

Ang mid-level exception ay mag-aallow sa kanila na mag-offer ng kontrata ng nasa $9.5 million per year na irrespective sa kanilang salary cap limitations.


At dahil sa kitang-kita naman kung saan pa may puwang sa roster ng Lakers ngayon, mga KaDribol, dapat talaga nilang palakasin pa ang posisyon ng kanilang sentro.

At sina  Bismack Biyombo at Montrezl Harrell ang mga nag-emerge na mga potensiyal target nila na nagtataglay ng mga qualities na kinakailangan nila para sa kanilang koponan.


Comments

Popular posts from this blog

Ito ang sinabi ni Dell Curry patungkol sa kaniyang anak na si Stephen Curry.

Chris Paul nagbanta na sa mga teams sa NBA kapag siya at si Draymond Green ay nakaharap nila sa laban, at ang bibigyan daw ni Stephen Curry ng championship ring niya kung pwede lang daw, kilalanin natin.

Julius Erving, ipinaliwanag kung bakit hindi nakasama si Stephen Curry sa kaniyang top-10 NBA players of all-time.