Isang disrespectful na statement para sa Miami Heat binitawan ni Kendrick Perkins.



Isang disrespectful na statement para sa Miami Heat binitawan ni Kendrick Perkins.


Pero bago natin pag-usapan iyan, mga KaTop Sports, pag-usapan muna natin itong naging encounter ni Duncan Robinson sa isang nag-interview sa kaniya sa kalsada ng New York.


Ang city nga ng New York ay nakakapag-attract ng maraming mga stars kapag summer, na mga nagbabakasyon, at ang mga NBA players naman ay nahahanap din ang kanilang mga sarili sa lupa ng pinangungunahan ni Julius Randle na New York Knicks dahil dito.

Ang mga fans ay nagwawala at sinusundan ang mga private individuals na ito upang magpa-picture na kung minsan ay uncomfortable na para sa kanila, pero hindi ito ang naging kaso para sa isang player ng Miami Heat na si Duncan Robinson na namataan na nasa concrete jungle, mga KaTop Sports.

Lumaki na nga ang population ng mga creators at mga influencers dahil sa TikTok, at ang malaking trend sa platform ay ang nagiging pagtatanong sa mga atleta kung ano ang ginagawa nila sa buhay.


Ang mga big-name players ay minsan ay nagbibiro sa mga interviewers na sila ay nagtatrabaho sa ibang profession, at ito ngang si Robinson ay kinopya ang sagot ni Kelly Olynyk na siya raw ay isang accountant, mga KaTop Sports at sinabi pa niya na siya ay isang big number guy at siya ay may salary na $100,000 per year.

Bagaman na hindi naman niloloko ni Robinson ang sinoman, ang remarks na sinabi sa kaniya ng influencer ay nakapukaw pansin sa marami na nagsasabi ng...

“Come to New York, we'd like you here. For real. Better than Julius [Randle],”


Natawa lamang ang sharpshooter ng South Beach na si Robinson bago naglakad palayo sa nag-iinterview sa kaniya, mga KaTop Sports, at hindi nga siya nakalayo ng walang naririnig na ibang comment na galing sa isang fan ng Knicks.

Sinabihan siya ng good luck para sa susunod na taon, para sa posibleng success sa NBA Finals ng Miami Heat at ang posibleng pagpunta sa kanila ni Damian Lillard.

Magkatotoo kaya ang mga sinabi na ito ng nag-interview sa kaniya sa susunod na season?


At para naman sa isang disrespectful na statement ni Kendrick Perkins para sa Miami Heat, mga KaTop Sports.

Nakarating man ang Heat sa Finals nitong nakaraang season, pero itong si Perkins ay iniisip na wala pa ring magbabago sa kanila sa pagpasok nila sa panibagong season.

At kahit na raw na makuha pa nila si Damian Lillard, nakikita pa rin daw niya na ang prankisa ng Miami ay hindi pa rin magiging paborito sa East.


May respect naman daw siya kay Erik Spoelstra bilang coach at kay Jimmy Butler bilang isang player, pero mahirap lang daw kase na makita sila na ma-overcome nila ang gaya ng koponan ng Milwaukee Bucks at Boston Celtics.

Natalo man daw ng Heat ang dalawang koponan na ito sa playoffs, mga KaTop Sports, pero dapat din daw na tignan natin na hindi naman daw nila nadomina ang regular season at naka-secured lamang sila ng spot sa Play-In Tournament.

At dahil sa ang ibang mga teams sa East ay nag-reload na, ang daan daw para sa prankisa ng Vice City ay lalong magiging mahirap.


Isa na namang marahas na banat ito ni Perkins, at nakaka-disrespect talaga dahil sa nakaabot naman ng Finals itong Miami Heat last season.

At kahit na ba na natalo sila sa Denver Nuggets, walang makapag-aalis ng katotohanan na sila ay nag-exceed sa mga expectations sa kanilang naging amazing run.

Kaya pagkatapos ng lahat ng iyon, marami sa mga fans at mga eksperto na gaya ni Perkins ang inaasahan na na magbibigay na ng pagrespeto sa Miami, pero para kay Perkins, hindi pa rin sapat iyon, mga KaTop Sports.


Pero hindi naman siguro maba-bothered ang Heat sa naging statement na ito ni Perkins, nasanay naman na kase sila na sila ang underdogs.

At sana lang noh, na sina Jimmy Butler at Damian Lillard, kung si Lillard ay matuloy na sa Miami, ay narinig ang patungkol dito at magamit nila itong gasolina para sa susunod na season, at kilala naman na natin ang Miami Heat, gusto nila palagi na patunayan sa kanilang mga doubters na sila ay nagkakamali.


Comments

Popular posts from this blog

Ito ang sinabi ni Dell Curry patungkol sa kaniyang anak na si Stephen Curry.

Chris Paul nagbanta na sa mga teams sa NBA kapag siya at si Draymond Green ay nakaharap nila sa laban, at ang bibigyan daw ni Stephen Curry ng championship ring niya kung pwede lang daw, kilalanin natin.

Julius Erving, ipinaliwanag kung bakit hindi nakasama si Stephen Curry sa kaniyang top-10 NBA players of all-time.