Ipinamalas ni Max Christie ang kaniyang kahusayan kontra sa San Antonio Spurs sa 2023 Summer League California Classic.



Ipinamalas ni Max Christie ang kaniyang kahusayan kontra sa San Antonio Spurs sa 2023 Summer League California Classic.


Pero bago natin pag-usapan iyan, mga KaDribol, pag-usapan muna natin itong ginawang pagko-coach nina LeBron James at Rajon Rondo kay Bryce James sa Nike's Peach Jam.


Namataan nga itong dating magkakampi sa Los Angeles Lakers na sina LeBron at Rondo na ikino-coach ang anak ni LeBron na si Bryce James sa ginanap na Nike's Peach Jam ngayong linggo, ang isang premier tournament para sa mga high school basketball players.

Taong 1996 nang unang pinasimulang buksan ang Peach Jam bilang isang pinaka importanteng stepping stones ng mga up and coming stars.

At ginamit nga ni Bryce ang nasabing tournament at ang presensiya ng kaniyang ama na si LeBron upang mapataas ang kaniyang standing sa basketball recruiting scene.

Si Bryce ay nagtapos na may 12 points, 4-of-9 shooting sa field, at ang team nila na Strive For Greatness ay nagwagi na may siyam na kalamangan sa kalaban, mga KaDribol.


Ang mga scouts mula sa Lakers, Orlando Magic, Cleveland Cavaliers, Dallas Mavericks, Miami Heat, New York Knicks, Phoenix Suns, Atlanta Hawks at iba pa ay pinariorities ang unang araw na mapanood ang team ni LeBron.

Si Bryce ay 16 years old pa lamang at siya ay isang shooting guard, na kailan lang ay nagdesisyon na mag transfer sa Campbell Hall sa Sierra Canyon, kung saan siya ay naglalaro na kasama ang kaniyang kapatid na si Bronny James.

Siya ay magiging junior na sa Los Angeles prep school sa darating na fall, at marami pa siyang dapat gawin upang siya ay mag grow sa recruiting board.


Siya ay may taas na na 6-foot-6 at nalagpasan na niya ang taas ng kaniyang kuya na si Bronny na may taas naman na 6-foot-3, mga KaDribol.

Ito namang sina LeBron at Rondo ay huling naglaro na magkasama taong 2021 sa Lakers, bago nai-trade itong si Rondo sa Cavaliers sa kaniyang final season, at silang dalawa ay magkasamang nagkampeon taong 2020.

At para naman sa ipinamalas na magandang paglalaro ni Max Christie kontra sa San Antonio Spurs sa 2023 Summer League California Classic, mga KaDribol.


Natuwa nga ang mga fans ng Lakers nang mapanood nila ang magandang paglalaro na ipinamalas ng dating star ng Michigan State na si Christie.

Pinag-usapan nga sa mundo ng Social media ang naging magandang performance ni Christie sa Summer League laban sa Spurs na wala pa ring Victor Wembanyama na naglaro.

Nakatuon nga ngayon ang paningin ng Lakers sa ilang nakakaintrigang free agent posibilities, pero ang magandang paglalaro ni Christie ay talaga namang nakapukaw ng pansin para sa kanilang koponan.


Si Christie na napili sa second round ng 2022 NBA Draft ay nagtapos na may 25 points, 4 rebounds at 4 assists, 7-for-13 shooting sa field at 4-of-5 shooting mula sa tres, mga KaDribol.

Siya ay may taas na 6-foot-5 at may bigat na 190 pounds, at ang kaniyang shooting ang kaniyang naging kalakasan magbuhat pa sa mga panahon niya sa East Lansing, Michigan, sa ilalim ni Caoch Tom Izzo.

Kapag naipagpatuloy ni Christie ang kaniyang magandang paglalaro sa Summer League, mapapalakas nito ang chance na magkaroon siya ng playing time sa paparating na season sa Lakers, na nangangailangan ng dagdag outside shooting sa kanilang sandata.


Siya ay nag-averaged ng 9.3 points sa loob ng 35 games sa huling season niya sa Spartans, pero ngayon ay nagpapamalas na siya ng kaniyang kahusayan sa Lakers bagaman natalo sila ng Spurs sa score na 109-99.


Comments

Popular posts from this blog

Ito ang sinabi ni Dell Curry patungkol sa kaniyang anak na si Stephen Curry.

Chris Paul nagbanta na sa mga teams sa NBA kapag siya at si Draymond Green ay nakaharap nila sa laban, at ang bibigyan daw ni Stephen Curry ng championship ring niya kung pwede lang daw, kilalanin natin.

Julius Erving, ipinaliwanag kung bakit hindi nakasama si Stephen Curry sa kaniyang top-10 NBA players of all-time.